Inilibot ko ang aking paningin. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Isa itong bundok na puno ng kakahuyan at nandito ako sa ilalim ng puno at naka higa. Pinaki ramdaman ko ang aking katawan at wala akong kahit na anong maramdaman na sakit.

Unti-unti akong tumayo mula sa aking pag kakahiga at pilit na inalala ang mga pangyayari saka ko tinignan ang aking sarili.

Wala na ang aking mga sugat at pasa. Maayos akong nakaka lakad na at wala na akong kahit na anong sakit na nararamdaman.

Am I dead?

Muli ko na inilibot ang aking paningin sa palagid. Mataas ang sikat ng araw at tirik na tirik ito ngunit hindi masakit sa balat.

Napaka peaceful ng paligid. Puro huni lang ng ibon at pagaspas ng hangin ang iyong naririnig.

" Hi Ash "

Bati ng isang tinig mula sa aking gilid. Agad akong napa lingon dito at tumambad sa akin ang isang napakaganda at medyo pamilyar na babae.

Malambing at mahinhin ang kanyang boses.Mas matangkad ito sa akin ng kunti, maputi din ito at makinis ang balat katulad ko. Parehas din kami ng kulay ng mata, ngunit ang mata nya ay mas bilogan nga lang kumapara sa akin na sya naman talagang bumagay sa kanya. Naka suot sya ng puting bestida na abot hanggang tuhod katulad ko.

Kung titignan kami ng maigi ay di mo maipag kakailang mag kamukha kami.

" Ate?"

" Habulin mo ko " she softly chuckled and started running through the trees kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang sundan sya.

Ang kanyang mahabang buhok ay mistulang lumilipad dahil sa kanyang pag takbo. Rinig ko pa din ang mahihinang bungisngis nito pero imbis na matakot ay parang mas ineenjoy ko pa ito.

Napaka payapa ng paligid na kung iisipin mo ay parang hindi totoo at kapani paniwala.


Saka ko lang din napansin na naka yapak lang pala kaming dalawa ngunit kahit anong takbo namin ay di man lang ito nadudumihan.


" Ate, sandali lang po" tawag ko dito upang tumigil na ito sa pag takbo. Ine-expect ko na makaka ramdam ako ng pagod at hingal pero kahit anong takbo pa ata ang gawin ko ay di ako hihingalin.


Tuluyan na tumigil ito sa pag takbo saka umupo sa damohan. Inaya ako nito na umupo sa tabi nya na agad ko din namang sinunod.

Naka tingin lang ako sa kanya habang sya naman ay naka ngiting pinag mamasdan ang paglubog ng araw.


Unti-unti itong tumingin sa akin saka ngumiti ng kay tamis. Hinila ako nito ng marahan upang pahigain ako sa kanyang mga hita na walang salita ko namang ulit na sinunod.


" Ate" naluluha ko na tawag dito habang hinahaplos-haplos nya ang aking buhok.


" Yes bunso? Na miss mo ba si ate?" Malambing na tanong nito sa akin na dahilan ng tuluyang pag bagsak ng aking mga luha. Pilit ako nitong pinapakalma sa pamamagitan ng pag halik nito sa aking noo at pag haplos dito.


" Wag kana umiyak, love ka ni ate"


" I love you too ate...Love na love din kita" humihikbi ko na saad dito na ikinangiti naman nito.


" Kailangan mo nang bumalik, unti-unti nang nauubos ang oras mo dito. Malapit nang dumilim." Saad nito na agad ikinakunot ng aking noo.


" What do you mean ate?" Mahina ko na tanong dito ngunit hindi nya ito sinagot.

" Tell kuya that I love him to okay? Tell him that I love and miss him so much. Tell him to not blame himself because of what happened to me, it's not his fault. So as mom and dad. Don't worry I'll always guide you from up here, hindi ko kayo papabayaan."


Hindi Ako nito binigyan ng tsansang mag salita muli.


" You have to sleep now our Princess. Good Night, I love you " saad nito saka muling hinalikan ako ng matagal sa noo.


" I love you too ate and I know kuya love's you too, so much." mahinang saad ko din sa kanya na ikinangiti nya at hindi din naka lagpas sa aking paning ang pag tulo ng isang butil ng luha mula sa kanyang mata. She again muttered a silent good Night.

And as if on cue, I suddenly fell asleep.

🌙- Luna

Ang Mga naka tala sa storyang ito ay gawa-gawa lamang po ng aking imahinasyon :))

The Princess Of Section Luna Où les histoires vivent. Découvrez maintenant