TPOSL 28

2.3K 113 12
                                    

SHIO'S POV

Nag uusap lang kami ni Alastair ng biglang pumasok si Ace kaya naman natahimik kaming lahat.Naka-tayo lang sya sa harap ni Ash.Pero dahil nga nakadukdok sa mesa nya si Ash ay hindi pa sya nito napapansin.

Noong nag aangat sya ng tingin ay dali-dali syang napatayo.

" K-kuya M-may kailangan ka po ba?" nauutal na tanong ni Ash.Pero si Ace ay nakatingin lang sa binti ni Ash.Doon lang din namin napansin na may pasa pala sya.

" Anong nangyari dyan sa binti mo?" tanong ni Ace habang pinapaupo si Ash sa upuan at pinagmasdan nito ang pasa nya.

" Nadulas lang po ako kanina sa CR sa kwarto ko kaninang umaga." mahinang saad ni Ash pero rinig padin namin.

" Sa susunod kasi ay mag iingat ka,Alam mo namang sensitive ang balat mo eh.Titignan mo muna kasi ang dinadaanan mo.Eh pano nalang pala kung ulo mo ang tumama sa sahig,edi napahamak kapa.Lampa-lampa ka pa naman.Sa susunod mag iingat ka na.Naiintindihan mo ba ako?"sermon a kanya ni Ace na agad naman ikinatango ni Ash ng paulit-ulit.

" I wan't words Ashianna " Ace said with authority.

" O-opo k-kuya " sagot naman ni Ash.Halatamg takot sya sa kuya nya.Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Alastair sa tabi ko.

Nilingon ko sya pero ang loko tinaasan lang ako ng kilay.

Ahitin ko kilay mo eh.

" Pero bakit ka nga ba andito kuya?" tanong ni Ash kay Ace.Tumayo naman si Ace at kinuha ang wallet nya at binigyan si Ash ng pera?

" Oh,allowance mo" sabi ni Ace sa kanya.

" P-pero,p-paano?" tanong ni Ash habang nakakunot ang noo nyang nakatingin kay Ace.

" Wait,Don't tell me "bakas naman ang gulat sa mukha ni Ash.

" Yes,my dear,you say that out loud " sabi naman ni Ace habang naka-smirk.

ASHIANNA'S POV

" Yes,my dear,you say that out loud " sabi ni kuya habang naka-smirk.

" P-pero paano ka?" tanong ko sa kanya.Baka mamaya wala na pala syang pera.

" Don't worry meron pa ko" sabi nya sakin kaya naman wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang pera dahil wala din naman akong choice.

Binilang ko ang pera at laking gulat ko ng 50,000 pesos ang binigay sakin.Yayamanin ang kuya nyo.

" Kuya sobra po to'h " sabi ko sa kanya.Kinuha ko naman ang kamay nya at binalik doon ang 40,000 pesos so bali 10,000 lang ang hawak ko ngayon.

" Bakit magkano ba ang allowance mo sa isang linggo?" tanong ni kuya habang naka-tingin sa akin.

" 10,000 lang po tas minsan hindi ko pa po nauubos" sabi ko kay kuya.Minsan nga 500 lang talaga ang nababawas ko eh.Depende kung may kailangang bilhin na project o kung ano pa mang mga kaechosan.

" Then,sayo na tong lahat.Galing ako sa bangko kanina may mga nagsabi sakin na baka abutin daw ng isang buwan ang pag aayos sa bangko dyan malapit satin.Kaya sakto lang yan" sabi nya sakin at ibinalik sa akin ang pera.

" Pero......"

" Wala nang pero-pero.Babalik na din ako sa room dahil malapit na ding mag lunch at oo nga pala baka ngayong buwan ang balik ni mommy,hindi ko lang alam ang exact date."

" O-ok po kuya,salamat po" sabi ko sa kanya patukoy sa perang binigay nya sakin.

Tumango na lang sya at nagsimula nang maglakad paalis.Pero nung makarating sya sa may pinto ay bumalik sya sakin at hinila ako patayo.Kaya naman mas nakikita kami ng mga kaklase ko.

Pagkatapos nya ako hilain ay hinalikan nya ako sa noo ko,sa magkabilang pisngi at sa may tungki ng aking ilong.Ginulo nya din ang buhok ko at ngumiti sa akin.Bakas ang gulat sa muka ko ng ginawa nya yun.Di ko akalaing gagawin nya ulit yun.

Di ko namalayang naka-alis na pala sya.Ako naman ay unti-unting hinarap si Alastair at ang mga buwan.Oo buwan,yan na ang itatawag ko sa kanila mula ngayon.

Naka-ngiti silang lahat sa akin.Habang ako naman ay gulat na gulat padin.

" H-hinalikan n-nya a-ako?" tanong ko sa mga buwan.

■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■
A/N:

Oh,bitinin ko muna kayo.Malay nyo nananaginip lang pala sya.BWAHAHAHAHHAHA.

May tanong lang ako,Ano ba ang inaasahan nyong mangyari sa story ng TPSOL?
Curious lang.





The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now