TPOSL 51

1.5K 78 12
                                    

ASHIANNA'S POV

" Kuya"

"Hmmm" sagot nito habang naka-yakap sa akin. Naka higa na kasi kami ngayon, naka unan sya sa balikat ko at naka-yakap sa akin habang hinahaplos-haplos ko naman ang buhok nya. It's been 1 hour simula nung nag walk out ako kanina.

"Dito na ba sya sa atin titira?" Tanong ko dito.

" Yes, andyan na nga yung mga gamit nya sa kwarto ni mom eh"

Wow.

" Nag kausap na ba kayo?"

" Hmm, once"

" Bakit?"

" I hate him, don't ask the reason why."

Ok. Pero bakit kaya hate nya ang tatay namin? Dahil ba sa iniwan kami nito?

Gusto ko na sana sya kausapin kaso di ko alam kung paano ko sya iaapproach. Sabihin ko nalang kaya na..

Hi, ako pala yung bunso mo na anak, di ko man lang alam. By the way, ikaw pala yung tatay ko?

Parang tunog sarcastic naman. Haystt bahala na nga mamaya. Kakausapin ko nalang sya pag tulog na silang lahat para may privacy at mag kausap kami ng maayos.

" Kuya"

" Hmm"

" Ano nga ulit pangalan ng tatay natin??"

Agad syang napa tingin sa akin ng dahil sa tanong ko habang nanlalaki ang mata at naka taas pa ang isang kilay.

" Di mo alam pangalan nya?"

" Hindi, naka limutan ko na eh"

" Macedonian Devrox Perez " mapait nyang sabi.

Bat parang ayaw mo tol?

" Wow, sunod kang ipinangalan sa kanya... Kung ganon Clyde pala talaga ang pangalan mo?"

" No. Ace Clyde lang talaga dapat ang pangalan ko pero dahil sa pamimilit ni lola na isunod nalang ang pangalan ko sa kanya kaya wala na syang nagawa kundi sundin si lola." Mapait ulit nito na litanya.

He sounds so mad because of our father. I think something happened between them in the past. Whatever it is, I hope they will also get along soon.

It's currently 12:30 in the midnight. Alas-kwatro na kami ng hapon naka uwi kanina, di ko man lang namalayan na naka tulog na pala kami ni kuya.

Kausapin ko na kaya sya ngayon? Kaso baka tulog na din sya. Bababa nalang muna siguro ako para kumain, ni hindi nga pala ako naka pag dinner kanina kaya pala sumasakit na yung tyan ko dahil sa gutom.

Nagugutom na ang mga bulate ko :(

Dahan-dahan ko na tinanggal ang kamay ni kuya na naka-palibot sa bewang ko. Hindi ba sya nangangalay? Ni hindi man lang sya nag palit ng posisyon simula kanina.

Pinaharap ko naman sya sa kabilang gilid nung naka tayo na ako saka sya pinalibutan ng unan, para kahit wala ako sa tabi nya eh hindi pa din sya magigising.

Sana tinirhan nila ako ng pagkain. Alam naman nilang matakaw ako eh, alam ba ni tol na matakaw ako?

Kahit na alam ko na tatay ko sya hindi ko pa din sya matawag na daddy. Kung sakali kaya, ano kaya ang gusto nyang itawag ko sa kanya? Dad? Daddy? Dada? Papa? Papi? Charr.

Tol nalang kaya ang itawag ko sa kanya?

Napa hinto ako sa balak na pag pasok sa kusina ng makita ko si tol na naka upo sa upuan sa may countertop ng kusina habang nainom ng kape at naka talikod ito sa akin.

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now