TPOSL 36

2.2K 92 25
                                    

ASHIANNA'S POV

" Ash anak are you ok?" sabi ni mommy pag kapasok ko palang sa loob ng bahay andon din sila kuya Ace at kuya Dark.

" Opo ayos lang po ako.Di ko po nasagot yung mga tawag nyo kasi po naka-silent po ang phone ko at naka-lagay lang din po sa bag ko." pagdadahilan ko.Nag tinginan naman silang tatlo.

" Bakit po?" tanong ko sa kanila.

" Wala ka naman sigurong ibang tao na naka-salamuha diba?Like,mga tao na hindi mo kilala?" tanong ni kuya Dark. Parang wala naman akong nakasalamuha na ibang tao eh.Ang mga buwan lang naman tapos si Avy eh.

Atsaka si Manong na nagtitinda ng Ice cream.Counted pa ba yun?

" Wala naman po.......Bakit?" tanong ko ulit sa kanila.

" Wala anak.....Sige na umakyat kana at magbihis.May pagkain doon na nakalagay sa refrigerator natin.Initin mo nalang pag kakain kana ha." Biling na Mommy at tumango nalang ako bilang pagsangayon.

Hinalikan nya ako sa may Noo ko at tinulak na ako paakyat.

Di pa nga ako nakaka-pag kiss kila kuya eh.Hmpp.
Bad Mommy.

Joke lang,lab ko yan si Mommy.

Pero bat ganon sila maka-asta kanina?Ano kayang meron?


Naka-paglinis na ako ng katawan ko at natapos ko na kung ano man ang mga dapat kong gawin.

Kinuha ko ang phone ko.Sabado na pala bukas.
Bakit parang ang bilis ng araw lalo na kapag masaya ka?

Itinabi ko na ang phone ko.Humiga na ako at pinilit ko na makatulog,pero hindi ako maka-tulog.

Alam nyo yung antok ka na pero di ka pa din makatulog?
Yan yung nangyayari sakin ngayon.

Teka anong oras na ba?

Kinuha ko ulit ang phone ko at tinignan ang oras.....
3 am na pala.....Hala.......Baka multuhin ako.

Bat 3 am na agad?!
Sa pag kakaalala ko bandang mga 7 o'clock naka-uwi na ko.
Nag usap kami nila mommy sa living room.
Nag linis ako ng katawan ko.
Kumain sa baba ng hapunan.
Nag patunaw muna habang nag babasa sa wattpad.
Nag advance study ako at sinagutan ko na yung mga hinda panaman namin dapat sagutan.

Uhmmmm...Ano pa ba??
Ginawa ko yung skin care routine ko.
At ito na ako ngayon iniisip kung bakit alas tres na agad ng madaling araw.

Ganon ba talaga ako katagal kumilos??

Gusto ko na talagang matulog!!!

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba.Mukhang tulog na din sila mama.
Umupo ako sa sofa namin.Di ko alam kung ano ang gagawin ko.Nakatulala lang ako.

Hanggang sa naka-rinig ako ng ingay sa kwarto ni kuya Dark?
Andito kasi sa baba yung kwarto nya.

Ang alam ko wala pa sya ah.Umalis kasi sya kanina habang kumakain eh.
Kung wala pa sya ano yung ingay na yun sa kwarto ni kuya?

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kwarto ni kuya.Naka-awang lang ang pinto.

Dahan-dahan ko itong binuksan.....

Dahan-dahan.....

Tas bigla namang nag ingay itong pinto na 'to.
Alam mo yung tipong kung kailan kailangan mong kumilos ng walang ingay saka sya mag iingay?

Ang creepy pa naman ng tunog tas ang tahimik pa.

Pero kung andito na si kuya Dark dapat andito na din ang sasakyan nya diba?

Binitawan ko ang pintuan at pumunta sa kusina.Tinangal ko na lang ang tsinelas ko para walang ingay kahit tumakbo ako.

Sumilip ako sa bintana at wala ang kotse ni kuya.
Hindi makaka-uwi si Kuya Dark ng walang sasakyan.Hindi din sya nag papahatid.Hindi din sya pwedeng mag lakad o baka pwede?

Malayo kasi itong bahay namin sa ibang mga bahay kahit nasa village na kami.
Samin yung pinaka-dulo.Sa likod naman ng bahay namin ay mga puno na,pero hindi mo naman sya matatawag na gubat.

Tumakbo ako sa may pintuan may shoe rock kasi doon.Doon din madalas ilagay ni kuya Dark yung mga sapatos nya.

Pero pag daan ko sa kwarto ni kuya ay naka sara na ang pintuan nya.Pero iniwan ko yun na medyo na ka bukas kanina!!

Medyo malayo kasi ang pagitan ng kwarto ni kuya sa kusina,Livingroom at sa main door ng bahay.

May pinto kasi bago ka pumasok sa kusina namin,glass door iyon.
Doon na din kami sa kusina kumakain.

Tapos sa tabi ng kusina ay ang isang bathroom,yan yung pinapagamit namin kapag may bisita kami since bawat kwarto naman ay may cr.

Tapos sa tapat ng kusina ay ang mismong living room na andon yung may tv,sofa,book shelf at kung ano-ano pa.Andon din yung hagdan papunta sa second floor ng bahay.

At bago ka pa man makaka pasok sa kusina.May mapapansin kapang isa pang hallway sa may gilid.
Hindi naman talaga madilim sa hallway na iyon.Pero kasi napundi na yung ilaw nito kanina lang noong kumakain ako.At doon sa hallway na iyon ang daan papunta sa kwarto ni kuya Dark.

At sa may kusina may bintana doon na kung saan ay kita ang garahe.

So back to the story.Nakita ko na naka sara na yung pintuan ng kwarto ni kuya.

Watdapak.

Dali-dali akong pumunta doon sa may shoe rock baka sakaling andyan nga yung sapatos ni kuya.Kasi kung andyan ibig sabihin andito na nga sya.

Pero pag tingin ko ay wala.....

Wala doon ang sapatos na palagi nyang ginagamit.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko doon ko lang din naalala na hindi ko din nga pala binuksan yung ilaw dito sa may living roon at sa kusina noong bumaba ako dito kanina.Ang bukas lang na ilaw ay yung doon sa may hallway sa second floor.

Although hindi naman ganon kadilim dito sa baba but still nakakatakot.

Hindi na pumasok sa isip ko na buksan pa ang ilaw.May switch kasi ng ilaw ng livingroon doon sa may hagdan at doon din sa may pagitan ng kusina at Bathroom.

Dahan-dahan din akong nag lakad papunta doon sa may hallway papunta sa may kwarto ni kuya.
Saglit kong sinulyapan ang wall clock at shutangina alas tres pa din.

Nag patuloy ako sa paglalakad.Tumayo ako sa may gilid ng daan sa may hallway at nag tago doon habang naka-silip.Nakasara pa din ang pintuan.
Imposible din na dahil iyon sa hangin dahil naka-sara naman ang mga bintana,pati na din ang aircon.

Pero wala pa si kuya eh at kung wala pa si kuya edi sino yung nandyan sa loob?

" Anong Ginagawa mo dyan?"

[••••••••••••••]
A/N:
Sorry for grammatical errors.
So ayun nga sana nagets nyo yung explanation ni Ash sa bahay nila.
Kung hindi man don't worry dahil susubukan ko syang idrawing para naman kahit papaano eh maintindihan nyo.

And also Thank you for the support Guys!!
I really appreciate it.

So yun lang naman,
See you in next chapter.
It will be published in MONDAY again.

Thank You And Have a great day/afternoon/night ahead!!!

Love You</3


The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now