Chapter 33

25 7 0
                                    


"Wow, ano 'yan?" Narinig ko ang mga yapak ni Dos mula sa likuran ko.

Mukhang umabot sakaniya ang aroma ng pancakes na niluluto ko ngayon. My lips curved.

"Pancakes" Simpleng sagot ko.

Pumunta siya sa gilid ko at saka tinungkod ang palad niya sa marmol nilang counter habang pinapanood akong iflip ang pancake.

Three days, It's been three days since he was discharged.

"Can I have some?" Nilapitan niya pa ako para ngumiti na parang bata.

Ngumuso lang ako at saka umiwas ng tingin. Actually, niluto ko 'to para sakaniya.

"Okay" Sagot ko.

Hinintay ko munang maluto ang kabilang side ng pancakes at saka ko sinungaban ang mga titig niya.

"One week ka nalang dito..." I nodded.

Biglang nalukot ang puso ko, ang kaninang kabang nararamdaman ko habang binabalak kong sabihin sakaniya lahat-lahat ay nanununbalik sa akin.

Hindi pa ako handa, pakiramdam ko'y hinding-hindi ako magiging handang kamuhian niya.

Hindi ko siya pinagkakatiwalaang tangapin lahat ng rebelasyon ko at ipagpatuloy ang pagkagusto niya sa akin. Kaya sabihin mo sa'kin Dos, paano ko sasabihin sa'yo ang totoo?

"Hindi ka ba masaya? Wala ka ng kaaway" Biro ko na mukhang hindi niya nagustuhan.

"Hindi ako masaya na aalis na kana, Mira. I'm heartbrokened, can't you see?" He acted all hurt and all but I just laughed it off.

Marahan ko siyang tinulak dahil masyado siyang malapit sa akin at naiilang ako.

"Dun ka nga, masunog pa 'tong niluluto ko dahil sa'yo" Binuksan ko ang cabinet na puno ng plato at kumuha doon ng isa.

Pinatong ko ang plato sa counter at akmang kukunin na ang frying pan para itransfer ang pancake sa plate nang bigla niya 'yong kinuha.

He grabbed the handle of the frying pan tightly, his vains protruding as he took the plate to put the pancake I cooked there.

"There, baka mapaso ka pa" Napalunok ako.

Kinuha ko ang pancake batter at saka muling binuhos 'yon sa frying pan. "Wala ka bang gagawin?" Kapagkuwan ay tanong ko sakaniya habang inaadjust ang apoy.

"Pupunta ba ako dito kung wala?" Pabiro at sarkastikong aniya na ikinainis ko.

"Umalis ka na nga" Ngayon naman ay siniko ko siya pero tumawa lang siya.

Nakakainis, pangulo talaga 'tong gagong 'to. Bakit hindi siya magpagaling?

"I'm sorry, don't be mad" Humalakhak pa siya. Nginiwian ko lang siya bago inirapan.

"Pangulo" Bulong ko na mukhang narinig niya, sa sobrang lapit ba naman niya sa akin.

"Okay, hindi na ako tatawa. Keep cooking" I rolled my eyes again. I kept my focus on the pancake I'm cooking. This has to taste perfect since he's going to eat it.

"Uy...sorry na nga, hindi na ako tumatawa" Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, hindi 'yon madiin pero halos makuryente ang balat ko sa ginawa niya.

Damn! Damn you, Dos! Why are you always like this?

"Tsk" Ginalaw ko ang katawan ko para maalis ang kamay niya sa likod ko.

Tinangal naman niya kaagad 'yon at saka ako mariing tinitigan. I can see from my peripheral vision the small smirk etched on his red lips.

"I won't annoy anymore" Biglang dumapo ang kamay niya sa baba ko para iharap ang mukha ko sakaniya.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon