Chapter 15

21 9 0
                                    


Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko nang malaman ko 'yon. Akala ko talaga totoo ang sinabi ni manang na gagabihin na siya ng uwi! Hindi ko naman alam na gano'n siya kaseryoso sa pagalis namin.

Aaminin kong naguilty ako dahil sinabi ko na nga sakaniya na sasama ako, tapos hindi ko pa pinaalam sakaniya na hindi na ako makakasama dahil ang alam ko wala naman siyang pake!

Siguro kaya siya nagalit kanina dahil hinintay niya rin ako ng ilang oras ng walang kaalam alam. Kung ako 'yon magagalit din siguro ako.

Ang pinoproblema ko lang ay kung paano ako magsosorry sakaniya! Sa tagal kong namamalagi dito, wala pang pagkakataon na kinailangan kong magsorry sakaniya dahil ako ang asa mali.

Anong gagawin ko niyan? Kakausapin ko ba siya? Paano? Paano ko ieexplain sakaniya na hindi ko siya tinext dahil ang alam ko wala naman siyang pakialam?

Nakakainis naman, kung alam ko lang e'di sana tinext ko siya 'di ba?

Sa gitna ng malalim na pagiisip ko, nakita kong pumasok si Tita Diana. Wearing her matching white blazer and white trousers with her beige silk shirt inside. She looked really tired and exhausted.

When our eyes met, she gave me a smile and went to me to gave me an embrace.

"I heard you visited your friends? How was it, hija?" I tried smiling.

"Ayos naman po, Tita. Kayo po?" Nagtaas ang pareho niyang kilay at marahang natawa, para bang alam niya sa sarili niya na pagod siya.

"Oh don't mind me, Mira. Busy lang sa office ngayon. I'm glad you visited your friends" Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin bago niya hinawakan ang braso ko at marahang pinisil 'yon.

"My daughter, Eleyna. She's been acting weird lately...I know you two are close. It'll be nice if you look after her since she doesn't want..." She swallowed hard.

"She doesn't want to share it to me...which is also weird. My daughter doesn't like to keep things from me" Binasa ko ang labi at tinanguan siya.

I might actually know the reason why...Pero bakit niya 'yon itatago sa mama niya at sasabihin sa'kin?

Is she embarrassed by the fact that she likes her substitute teacher? Pakiramdam ko naman maintindihan 'yon ni Tita Diana.

Regardless of the thoughts lingering inside my head, I gave her a reassuring smile. "Sure, tita. Magpahinga na po kayo" Nginitian niya ako pabalik at saka tumango.

"Thankyou, Mira" At saka niya ako iniwan para sana umakyat na nang natigilan siya.

"Manang I'll cook dinner ah? Magaayos lang ako" Bigla akong nagkaroon ng ideya!

Kung magluto kaya ako? Baka maging okay na kami ni Dos pagkatapos.

"Ah tita, ako na po. Magpahinga na po kayo" She looked over me, her eyes dilating. Nagulat siguro siya dahil marunong akong magluto.

"Really, Mira?" I nodded.

"O-Okay then! Goodluck" She blew me a kiss before she continued walking upstairs.

Kung kanina si Dos ang laman ng utak ko, ngayon naman si Eleyna. Nakakastress silang magkapatid ah.

Hindi ko na masyadong nakakausap si Eleyna dahil parehas kaming busy, last na paguusap namin ay kani-kanina lang. She must be so preoccupied with the sub teacher. Kailan kaya niya sasabihin sa'kin kung sino 'yon?

Ngumuso ako nang may pumasok sa isip ko, paano kaya kung pangit? siguro sa substance nalang bumawi.

Umiling ako at saka bumuntong hininga bago ko chineck ang ref. Madaming gulay, dairy, at iba't iba pa. Marami naman akong alam lutuin dahil hindi gano'n kagaling si Mama kaya kung ano nalang siguro.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon