Chapter 1

119 28 5
                                    


Kunot nuo kong ibinaba ang sulat at saka ko kinuha ang roses sa gilid. I suddenly remembered the sting I felt when it pricked me.

May nantitrip ba sa akin? Putangina no'n ah.

Naglakad ako sa garden para tignan kung asa loob ba si Mama ngunit wala siya doon.

Saan ba nagpunta si Mama? Ganitong oras ba nagsisimula ang trabaho niya? Wala naman atang ganon.

"Ma! Asan ka?" Ilang beses ko na siya tinawag ngunit wala. Kung andito 'yon paniguradong sasagutin niya ako pabalik pero wala naman.

Impossible rin na ganitong oras siya pumasok sa trabaho. Bumuntong hininga ako at saka tinignan ang sulat. Umupo ako sa silya at saka ko muling tinignan ang sulat na nakapatong doon.

I looked behind it and there was a phone number at the back. "Ano 'to? Para sa trabaho ba 'to?" Tumayo ako at saka kinuha ang cellphone ko sa taas para idial ang number na 'yon doon.

Pinasadahan ko ng tingin ang kapatid kong mahimbing na natutulog sa gilid, nakabukas pa ang bunganga.

Napangiti ako doon at saka ako umiling. Bring us back again, Melantha.

Umulit sa utak ko ang nabasa ko kanina sa sulat. Weird, my second name is Melantha. Kinuha 'yon ni Mama sa pangalan niya. Her name is Melinda Rose Divinagracia, I'd like to think that the reason why she likes roses so much is because it's her second name. Pero parang ang babaw naman non noh?

After five rings, wala pa ring sumasagot. Naisip ko na baka pinagtitripan lang ako ni Reuel.

I went back to sleep afterwards and got woken up again when my phone started ringing. Kahit na medyo inaantok ako ay sinikap kong tumayo para tignan kung sino 'yon.

Unknown number calling...

Sino nanaman 'to?

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ako bumaba para tignan si Michael na kumakain na sa hapag kainan kasama ni Tita Jen.

"Tita asan si Mama? Nagising ako ng 4 am wala na siya" Sinagot ko ang tawag habang kinakausap si Tita Jen na naka uniporme na, handa ng magtrabaho.

Kumunot ang nuo ni Tita Jen. "Ha? 4 am? Alam ko 7 am ang pasok non" I licked my lips and nodded before answering the call.

"Hello po? Sino po ito?" Pumasok ako uli sa kwarto at saka ko binuksan lahat ng kurtina para lumiwanag ang kwarto. Si Michael talaga, nakakalimutan lagi magbukas ng kurtina kada umaga.

"Is this Mirasol Melantha Villarico Divinagracia?" Katamtaman ang lalim ng lalaking nagsalita mula sa kabilang linya.

"Opo, ako nga po. Bakit po?" Umupo ako sa higaan at tinignan ang orasan sa itaas.

6:48 am na.

"Magsesend kami ng address, pumunta ka doon. Hinahanap mo na siguro nanay mo" Kumunot ang nuo ko at naweirdohan sa lalaking nagsasalita.

Ano 'to kidnap for ransom? Anong ibibigay ko sakanila?

"Hindi, nantitrip ka ba?" Sarkastikong tanong ko pabalik sa lalaki.

Ang weird na alam nilang hinahanap ko si Mama. Well, 'di naman sa hinahanap. Nagtataka lang ako bakit wala siya.

Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. "Wala 'to pre, kay boss na" Mas lalo lang akong naguluhan. I wanted to end the call so bad. Kung hindi lang nila nabangit ang nanay ko, baka kanina ko pa sila binabaan.

"Gago! Ang hina mo naman" Ilang saglit na may katahimikan nang may magsalita uli.

"Hello? Narinig mo ba sinabi niya? Magsesend kami ng address para kunin mo nanay mo. Kung balak mong magsumbong sa police sige gawin mo, basta hawak namin buhay ng nanay mo. Tandaan mo 'yan" Ngumiwi ako doon.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon