Chapter 19

29 9 0
                                    


Umawang ang labi ko sa gulat at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I couldn't move a single muscle in my body, it was like I was frozen from his embrace.

"Who did this to you?" Makahulugang tanong niya na nagpatikom ng bibig ko.

Anong isasagot ko? Dapat ko bang sabihin sakaniya? Sabagay, malamang ay may cctv dito kaya hindi na ako magsisinungaling.

Nang mapansin niyang hindi ako sumasagot, bigla siyang kumawala sa pagkayakap sa akin para tignan ang itsura ka.

With both of his hands on the blades of my shoulders, his brows furrowed. "Tell me, Mirasol. Who fucking did this to you?" I licked my lips and attempted to let go from his hold but he instead held my wrist, the other hand on my jaw now.

"Dos, gusto ko nang umuwi" Kinuha ko ang kamay niya na asa panga ko para tangalin 'yon.

"Shit" He mumbled, he didn't even tried hearing what I said and instead looked at my face.

Hinawakan niya ang putok na labi ko dahilan kung bakit napaigtad ako sa sakit na nadulot no'n. Tinignan din niya ang sugat ko sa pisnge at pasa ko sa kabila.

Sa totoo lang, hindi ko tanggap na mas napuruhan pa ako ng babaeng 'yon. Gusto kong gumanti, hindi ko talaga tanggap.

I'm probably so childish right now but that girl literally scarred my face for no reason.

"Saan pa ang masakit?" Malamyos at marahan niyang tinanong.

Nakatitig lang ako sakaniya habang tinitignan niya ang mga sugat ko, tinitimbang ang mga titig niya.

"Dos okay lang ako, gagamutin ko nalang-"

He quickly left me to go behind his car to open the trunk. May kinuha siya doon at kalaunan ay bumalik ng may hawak-hawak na fist aid kit.

"Come here" He held my wrist to make up me walk over his car.

Ipinatong niya ang first aid kit sa hood ng sasakyan, sa tabi ko lang dahil nakasandal ako sa gilid no'n.

"Dos okay lang talaga ako. Kaya ko na" Kinuha niya ang cellphone ko at binuksan ang sasakyan niya para ihagis doon bago siya lumapit sa akin.

"It's fine, just tell me what happened" He licked his lips before opening the first aid kit.

I gulped. "M-Mamaya nalang...uh, ayos na ako" Nilabas niya ang bulak at nilagyan 'yon ng betadine.

"Tell me when it hurts? Okay?" To be honest, I was stunned. He's actually showing care, like genuinely.

"Dos..." Mas lalo niya akong nilapitan at yumuko para mas matitigan niya ang mukha ko.

He dabbed the cotton on my cheek. Ngumiwi ako nang maramdaman ang hapdi no'n pero mas naguumapaw sa akin ang pagaalala niya.

Parte pa ba 'to ng plano niya?

Or...

Does he even have a plan to start with?

Am I just telling myself that he has a 'plan' to justify his actions?

"Dos ako na" Ibinaba ko ang kamay niya na ikinakunot ng nuo niya.

Hindi ako sanay, bakit biglang ang bait niya?

Aaminin kong kinabahan ako sa naisip ko bigla. Na wala nga siyang plano at iniisip ko lang na meron para masabi ko sa sarili ko na hindi pa din niya ako pinagkakatiwalaan at natatakot ako na baka kapag sinabi ko sakaniya ang totoo ay pumalpak ako.

"Akin na 'yan-"

"Mira, don't be stubborn okay?" I looked up to him.

"Wag mo 'kong tawaging Mira,
hindi—hindi ako sanay..." Nagiwas ako ng tingin.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon