Chapter 28

15 9 0
                                    


It was early in the morning where I found myself sleeping peacefully in my room. I was still wearing the same clothes from yesterday. I had blankets covering my body and the rays of sunshine hitting my skin.

Ngayon na ang engagement party pero mamayang gabi pa naman kaya paniguradong busy ang lahat.

Paano ako nakatulog dito sa kwarto ko? Ewan. Pinabuhat siguro ako ni Dos sa mga kasambahay nila. Buti nalang at hindi ako nagising, gano'n nalang siguro kalalim ang tulog ko.

Naghanda na ako pagising bago ako bumaba ng hagdanan. Expected ko na kaagad na busy ang lahat pagbaba ko, lahat sila ay may kani kanilang ginagawa. Si Tita Diana ay nagbebreakfast habang may kausap sa cellphone, wala naman si Eleyna, Dos at Tita Dominic. Tulog pa siguro sila?

"Goodmorning tita" Binati ko si TIta Diana na nginitian ako.

"I saw your dress, Mira! It's gorgeous!" Ngumiti lang ako at saka kumuha ng tasa para matimpla ng kape.

"You eat your breakfast na hija. I'll go check the wedding venue" Nilingon ko si Tita at saka tumango.

"Si Dos at Eleyna po pala?" She stood up.

"Oh, Eleyna is still asleep. Dos left earlier to run some errands. Don't worry Mira, you'll see your fiance later" She bid me her last goodbye before leaving me.

Fiance, ang weird pakingan.

Umupo na ako habang tinitimpla ang kape na kakagawa ko lang. Hindi ko mapigilang isipin kung anong mangyayari mamaya. Anong itsura ng venue? Madami bang pupunta?

I was busy with stirring my hot coffee when I heard my phone ring. It was Zaen, I had saved his number last time. Dali-dali ko 'yong sinagot, making sure that it's not on loud speaker.

"Zaen-"

"Melantha can we meet?" I stopped stirring my coffee.

"Ngayon na?"

"Yes, ngayon na. It's urgent" I licked my lips, looked around my surroundings before taking a huge gulp.

"Para saan?"

"What kind of question is that? Just go, I'll send you the locatio-"

I cut him off. "Para saan? Para insultuhin mo nanaman ako?"

"Mira have you forgotten that we have your mother right now?" Pumikit ako nang mariin.

"Pupunta na ako"

***

Hindi ko alam kung may obsession ba sa mga bars itong si Zaen pero dito niya ako lagi pinapapunta kapag gusto niyang manginsulto.

He had no drinks on his table when I saw him, nakatingin lang siya sa kung saan. Malalim ata iniisip niya, sana mabaliw siya sa kakaisip.

"Zaen" I called him before sitting down.

He looked at me before shifting on his seat. Tinitigan niya muna ako bago bumuntong hininga.

"Do you want a drink-"

"No, anong gusto mo?"

Kinagat niya ang pangibabang labi bago umiwas ng tingin. Halatang hindi siya kumportable, parang may nakabantay sa aming dalawa kahit wala naman.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon