Chapter 12

21 10 0
                                    


Umawang ang labi ko, hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko o kung tatango ba ako dahil ako mismo hindi ako makagalaw.

Nang mapansin niyang nakatulala lang ako, ibinaba niya na ang baril at saka ako tinitigan. Para bang pinapanood niya ang bawat galaw at reaksyon ng itsura ko.

I didn't expect him to point a gun at me, even if it's not loaded—I was quite surprised.

I wasn't scared, I was more scared of him knowing the truth on why I stayed in their house.

Kumunot saglit ang pareho niyang kilay at saka niya pinilig ang ulo bago namin marinig pareho ang katok sa pinto.

"Sir may meeting po tayo ngayon..." He took a quick look at me first before standing up to open the door.

Nagusap sila saglit ng secretary niya habang ako ay napatingin sa bintana ng opisina niya. I slicked my hair back before putting my palm on my chest.

Akala ko talaga nalaman niya na...Akala ko malalagot na ako. Buti nalang talaga...

"Alright thankyou" 'Yon lang ang narinig ko sa usapan nila dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

I kept imagining scenes of him telling me everything that he shouldn't know.

Binagsak niya ang patong-patong na  papel sa lamesa niya, saglit ko siyang tinignan bago ako pumikit ng mariin.

"I'll have a quick meeting, stay here" Aniya bago siya dali daling lumabas.

Doon lamang ako nakahinga nang maluwag, umayos ako ng upo dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip ng mga pwedeng mangyari kanina kung nabisto na ako.

"Mira..." I said, holding my forehead.

I need to be better on hiding—or better yet, kailangan ko na talaga siyang kaibiganin.

Pero paano ko 'yon magagawa kung ayaw niya sa akin? Lalo na ngayon, paniguradong mas lalakas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Pumikit ako saglit, I just want to rest my whole life.

Kung pwede lang mabuhay nang walang ginagawa, 'yung tipong kahit nakahiga lang ako yayaman at aasenso ako.

***

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako kakaisip sa nangyari kanina. Nakaupo pa rin ako sa visitor's chair, ang kaibahan lang ay may kumot na ngayon na nakatakip sa akin.

I also saw Dos arranging something on the coffee table, puro tupperware ang nakita ko...

Anong oras na ba? Parang ilang minuto lang naman ako natulog ah?

Kinusot ko ang mata ko at saka umayos ng upo. "Anong oras na-"

Bigla siyang napaigtad sa biglaan kong pagsasalita, ngumisi ako saglit dahil sa naging reaksyon niya.

He held his chest before looking at me like I did something brutal to him. "Will you atleast talk slowly?" Ngumiwi ako at saka tinangal ang kumot sa katawan ko para tignan kung anong oras na.

9:26 pm.

Nanlaki nang bahagya ang mata ko nang makita ko ang oras. Gano'n ako katagal natulog?

"Sabi ni Mama dito ka nalang kumain, I didn't woke you up earlier...you were snoring your life away" Hindi ko siya pinansin at tinupi ko nalang ang kumot.

"Ikaw naglagay sa akin?" I subtly tried teasing him without looking.

"What? No, my secretary did it" Ngumuso ako at saka inilagay 'yon sa upuan ko bago ako naglakad para umupo sa mahabang sofa.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon