What does he mean na buti na lang?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad palapit sa table kung nasaan sina Kuya. Nakita kong kasama niya sina Eroz at Piero, bukod doon ay may kasama pa silang isang lalaki na hindi ko naman kilala.

"Hundson!" tawag ni Piero sa akin. Kung makakaway ay akala mo sinasalubong niya ako mula sa airport.

Ipinakilala ni Kuya Hob sa aking ang babaeng kasama niya. Kaibigan pa lang ang pakilala niya sa akin pero duda ako. Lumipat ako sa gawi nina Eroz at Piero.

"Julio Escuel, school mate ko," pakilala ni Eroz sa akin sa lalaking kasama niya.

Mukhang galing pa silang dalawa sa school dahil may dala pang bagpack ang kasama niya.

"Kumain ka na ba? Kumain ka muna bago uminom..." sabi ni Kuya Hob na ikinasimangot ko.

Inginuso niya si Piero, "Samahan mo si Piero, pag yan uminom na walang laman ang tiyan...uuwi tayong lahat ng maaga," sabi ni Kuya na tinawanan ni Eroz.

Tumingin ako sa bestfriend niyan si Eroz. Gusto ko sanang sabihin na bakit hindi siya ang sumama kay Piero pero may kasama siyang kaibigan kaya naman wala akong choice kundi ang samahan si Piero.

Lumabas kam ng The Vega's para lumipat sa kabilang kalsada kung saan nakahilera ang iba pang mga establishment.

"Hunter, naiwan ko ang wallet ko," sabi ni Piero nang nasa counter na kami.

"Alam ko na 'yan," sabi ko sa kanya habang nasa menu ang tingin ko.

"Totoo, Amputa...mukha ba akong nagsisinungaling?" tanong niya sa akin at tinuro pa ang mukha niya.

Tiningnan ko 'yon. "Oo, mukha..." sagot ko kaya naman sumimangot siya.

Wala na akong nagawa kundi bayaran ang mga pagkaing inorder namin. Imbes na doon sa loob kami kumain ay lumipat kami sa parking space kung nasaan ang dalang sasakyan ni Eroz.

Sa likod ng Nissan Navara PRO-4x ni Eroz kami umupo at kumain ni Piero. Hindi nanaman siya tumigil sa pangarap niyang maging anak ni Tito Axus.

"Sana all talaga anak ni Tito Axus...Kung ako si Eroz, iba-ibang sasakyan ang gagamitin ko araw-araw," sabi pa niya sa akin kaya naman napapa-iling na lang ako.

"Anong pinagka-iba non? Kaya ka din namang bilhan ni Tito Alec nito...ang kaso mukhang hindi ka pagkakatiwalaan sa daan kaya mana-mana muna ang sasakyan mo," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong nainis si Piero sa akin.

Matapos naming makakain ay nagpasya na kaming bumalik sa loob. Naglalakad pa lang kami papasok ay naramdaman ko nanaman ang pag-vibrate ng phone ko.

Tumatawag si Ahtisia sa akin kaya naman napahinto ako. Nakita ni Piero na natigilan ako kaya naman bumaba ang tingin niya sa hawak kong phone bago siya ngumisi sa akin at nagpaalam na mauuna na siya sa loob.

"Inaagaw na si Eroz sa akin...babantayan ko ang bestfriend ko," sabi niya bago niya ako tinalikuran.

Napabuntong hininga ako bago ako muling lumayo sa ingay ng paligid para sagutin ang tawag.

"Hunter..." tawag ni Ahtisia sa akin mula sa kabilang linya.

Hindi kaagad ako nakasagot, hinayaan ko munang magsalita siya.

"Nag-aalala ako sa'yo. Kanina pa kita tinatawagan," sabi nya sa akin.

Hindi pa din ako sumagot.

"Kahit isang message lang sana...nag-aalala ako sa'yo," pag-uulit niya.

Ramdam ko ang takot, lungkot, at ang kanina pang kaba sa boses niya.

"Hunter..." tawag niya ulit sa akin nang maghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon