THE END

396 13 3
                                    

Veronica.

Nakauwi na kami at nasa kwarto narin kami ni aliyah at ang dalawa pa naming anak na sina nicole at ashianna.

"Mama ang ganda ganda po nya" sabi ni nicole. "Opo mama" agree naman ni ashianna. "Thank you mga anak, asan ang mommy nyo?" tanong ko sa mga ito. "May kausap mo sya sa sala mama" sabi ni ashianna. "Magandang babae po mama" sabi ni nicole. "Dito lang kayo anak hmm, pupuntahan ko lang ang mommy nyo" lumabas na ako sa kwarto at nag punta ng sala.

Nakita kong may kausap nga itong babae pero hamak ganda ko naman dito may problema ata sa mata ang anak ko.

"Hi" bati ko sa kanila. "Love si shane and shane si veronica my wife" sa pag kakaalam ko ay ex nya itong si shane. "Hi veronica, nice to meet you" tinaggap ko ang kamay nito pero saglit lang iyon. "Nice to meet you too" malamig na sabi ko. "Love she's my ex" sabi nito, pansin nya siguro ang kilos ko. "Okay, sige maiwan ko na kayo" umalis na ako dahil nakakainis ang tinginan ng babae nayon akala mo naman maganda, tsk.

"Anak play na kayo" sabi ko sa dalawa kaya naman lumabas na sila. "Hi baby" bati ko kay aliyah. "Love" kakapasok lang nito. "Bakit naman ganon ang pakitungo mo sa tao?" sabi nito at umupo sa tabi ko. "Anong gusto mong gawin ko chanel? Makipag plastikan sa ex the fuvk" napailing nalang ako. "Hindi naman ganon love pero bisita ko sya" mahinahon na sabi nito. "Wala akong pake, kung aawayin mo lang ako ng dahil sa babae nayan pwede kanang umalis" lumayo ako sakanya, fuvk mas kinakampihan pa nya ang babae nayon? Magsama sila.

Chanel.

Nasa sofa ako ngayon at dito ako matutulog dahil nag away kami ng asawa ko.

Alam kong mali ako dahil mas kinampihan ko pa nga si shane kesa sakanya kaya naman hindi ko na ito kinulit pa at dito nalang ako natulog.

Veronica.

Nagising ako at pag tingin ko sa orasan ay alas 2 palang ng madaling araw at wala si chanel sa tabi ko kaya naman bumaba ako para hanapin ito.

Nakita ko ito sa sofa at mukhang nahihirapan na ito sa pag tulog.

Sorry love

"Love wake up" gising ko rito. "Let's go sa room natin" sabi ko ulit. "Dito nalang ako love dapat natutulog kana nyan" inaantok na sabi nito kaya naawa ako lalo. "Nagising ako love kasi wala ka sa tabi ko" umayos ito at naupo para makaupo ako. "I'm sorry" nakayukong sabi nito. "No, I'm sorry love kasi pinairal ko na naman ang galit ko" hinaplos lang nito ang buhok ko. "Let's go?" aya nito kaya umakyat na kami sa kwarto at natulog.

Maaga akong nagising, umiiyak si aliyah for sure ay gutom ito kaya naman pina dede kona ito habang si chanel ay nagluluto na nang umagahan nila ashianna at nicole.

May school sila ngayon at grade 6 and grade 10 na si ashianna at nicole kaya naman natutuwa kami.

Ngayon ang graduation ni nicole at madami itong natanggap na with honors kaya maraming isasabit ang mommy chanel nya later.

Nandito na kami sa graduation ceremony ni nicole at tapos na siyang umakyat sa stage at pinipicturan nalang silang mag kaklase.

"I'm so proud of you baby" nakangiting sabi ko kay nicole. "Thank you po mama and mommy" niyakap kami nito at sumali naman si ashianna.

Kung iniisip nyo kung nasan ang bunso kong anak ay nasa magulang ito ni chanel, gusto raw nila itong alagaan kaya naman pumayag na ako dahil magulang naman ito ni chanel at alam kong safe ang anak ko sa kanila, kasama rin nya ang babysitter nya kaya mas maaalagaan sya ron.

Nasa restaurant kaming 4 at dito kami nag celebrate. "Congrats anak we're so proud of you" sabi ni chanel. "Congrats po ate" masayang bati ni ashianna sa ate Nicole nya. "Sobrang saya kopo mommy and mama dahil binigyan nyo po ako ng pagkakataon mabuhay sa mundong ito marami po kayong naitulong saakin kaya pangako po pag iigihan ko lalo sa pag aaral at pag aalaga sa mga kapatid ko hindi kopo kayo bibiguin" naiiyak na sabi nito. "Hindi mo na kailangan suklian ang lahat ng iyon anak kung saan ka masaya don kami at sana anak makapag tapos ka ng pag aaral para may maganda Kang kinabukasan, kahit na may pera ang mommy nyo mas masarap sa pakiramdam mga anak ang sariling pera mo ang bumibili ng luho mo" sabi ko sa dalawa at tumango naman sila. "Yes po mama" sabay pa na sabi ng mga ito kaya naman natawa kaming apat.

Wala nakong hihilingin pa kung maaari nga ay pwede nakong mawala nagawa kona lahat at maiiwan kong maayos ang pamilya ko.




Chanel

Ashianna's graduation.

"Are you excited?" tanong ni nicole sa kapatid nyang si ashianna. "Yes ate and nervous at the same time" hinawakan ko ang kamay nito. "Don't worry baby nanonood lang kami ni ate nicole hmm, good luck baby" sabi ko at lumayo na kami sakanila ni veronica dahil iba ang upuan ng mga audience.

Hindi na kami sa labas kumain dahil ang gusto ni Nicole ay sa bahay nalang kami mas okay pa raw ito kesa kumain sa labas para narin makasama namin si aliyah mag celebrate.

"Congratulations apo" sabi ni mommy. " Thank you la" nag paalam ako sa kanila dahil pupuntahan ko si nicole sa kwarto nito.

Hindi na ako kumatok at naabutan ko itong umiiyak habang nakatingin sa picture ng mga magulang nya.

"Hey, are you crying baby" hinahaplos ko ang buhok nito. "Namimiss ko lang po sila" malungkot na sabi nito. "Don't worry baby andito naman kami ni mama veronica we loved you so much anak and gagawin namin ang lahat para sainyong magkakapatid" hinalikan ko ito sa ulo. "Mommy masama po ba among tao?" umiling agad ako. "Of course not baby, mabait ka kasi kung hindi bakit mo inaalagaan si ashianna? Si aliyah and kami rin ni mama veronica mo mahal mo kami anak at mahal kadin namin kaya wag kanang umiyak bumaba na tayo baka hinahanap na tayo ng mama mo" bumaba na kami at nakakunot ang noo na nakatingin si veronica kay nicole bago ito lumapit saamin.

"Why? Are you okay?" tanong nito kay nicole. "She missed her parents love" lumambot naman ang reaction nito at lumapit kay nicole. "Sweetie we're here, I love you so much at hindi ko kayang nakikita Kang umiiyak kaya tahan na ha, come" utos nito at niyakap ng mahigpit si nicole at sumali na kami ni ashianna, inabot sakin si aliyah kaya naman 5 na kaming magkakayakap.

"Iloveyou guys so much" sabi ko sa kanila.








T
H
E

E
N
D

thank you so much people's!!


















































_____
maraming salamat po sa mga nagbasa maikling story lang sya pero pag naisipan kong gumawa ulit ay mas mahaba na ito pangako. Mahal ko kayo salamat!!❤️❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BLISS OF SPRING (COMPLETED)Where stories live. Discover now