chapter 2

398 18 8
                                    

Chanel

Maaga akong pumasok at hindi na inantay magising si Veronica dahil alam kong puyat ito sa pag uusap nila ni tito kaya hinayaan ko nalang muna.

"Miss Reyez andito po yung kaibigan mo" nakangiting sabi ni Kylie my secretary. "Papasukin mo" well may gusto lang naman itong si Kylie kay Krizzel kaya ganon nalang ang ngiti pag pumupunta rito si Krizzel. "Hi bes" malakas na tawag saakin ni Krizzel, hindi mo mahahalata na mayaman sya sa mga kilos nito. "Ang ingay mo naman lalong sumasakit ulo ko sayo gosh" humawak pa ako sa ulo ko. "Grabe ka, nakalimutan mo na ata birthday ni mommy isusumbong kita hindi mo naalala" pag babanta nito. "Oh gosh, sobrang busy ko lang talaga kaya nakalimutan kona, pero hindi rin ako sigurado na makakapunta ako" baka nga dito na ako matulog sa office sa dami ng trabaho. "Grabe ka nagbago kana talaga" oa na sabi nito. "Oo na pupunta nako, tara samahan mo nako bumili ng gift for tita kesa mag inarte ka jaan" tumawa naman ito at sumunod narin saakin.

Nandito na kami sa mall at nag hahanap ng pwedeng iregalo kay tita kasi makabagong panahon narin si tita.

"zel ano bang magugustuhan ni tita kanina pa tayo nag iikot ayaw mo kasing sabihin saakin" kanina pa kami umiikot at kanina parin ito kain nang kain. "Mas maganda kasi kung sariling isip mo galing" sabi nito at humigop na sa iniinom nya. "Necklace nalang samahan mo ako" tumango ito kaya nagpunta na kami sa Pandora.


Nandito na kami sa mansion nila krizzel at sigurado akong andito din ang magulang ko dahil mag kumare at kumpare ang magulang namin. "Bes tara sa pool maligo tayo andon ang mga pinsan ko" pupunta na sana kami ng tumunog ang phone ko at tumatawag si Veronica, kaya pinauna ko na si krizzel.

Me: hello?.

Veronica: hi, where are you? .
tanong ni Veronica at parang nakainom ito.

Me: birthday ng mommy ni krizzel andito ako sa mansion nila, why? May kailangan kaba?.

Veronica: nevermind, take care ingat sa pag uwi.

Pinatay na nito ang tawag at hindi naman ako mapakali kaya naman naisipan ko nalang umuwi pero mag papaalam muna ako kay Krizzel.

Pauwi na ako at dumaan muna ako sa 7-11 para bumili ng ice cream at chocolate dahil ito ang comfort food ko.

Nakauwi na ako at naabutan ko si Veronica sa mini bar umiinom mag isa kaya naman nilapitan ko ito at nagulat ata ito ng makita ako.

"Bakit nandito kana?" tanong nito na mukhang kakagaling lang sa iyak. "Nainip ako don at isa pa andon naman sila mom kaya umuwi narin ako" tumango tango ito. "May problema ba?" umupo ako sa katapat na upuan nito. "W-wala" alam ko namang nag sisinungaling dahil hindi makatingin saakin ng maayos. "Makikinig ako at eto ice cream and chocolates baka makatulong" napangiti naman ito ng makita ang ice cream, see? Sabi na makakatulong ito. "Nag away kasi kami ng tito mo" malungkot na sabi nito. "Sa tingin ko may babae ang tito mo" pagpapatuloy nito habang ako naman ay nag sasalin sa baso ng ice cream para may makain kami at kinuha kona ang alak at ako ang uminom.

"Pwede na ang bata sa alak?" bumabalik na naman po ang pagiging makulit nya. "Wow lola" natawa naman kaming parehas. "Paano mo naman nasabi na may babae si tito?" tanong ko rito. "Ganon talaga kaming mga asawa pag may babae ang mga asawa namin ay nararamdaman namin" ganern?. "Para saakin hindi naman totoo ang love sa mga pinag daanan ko" mas gugustuhin kong maging mag isa.





FLASHBACK

"Baby bakit may nga maleta sa labas" tanong ko. "Mag hiwalay na tayo" nagulat naman ako sa sinabi nito. "Baby wag ka mag biro ng ganyan, may nagawa bako? May gusto kaba baby?" pilit ko itong niyayakap at pilit naman nya itong inaalis. "I don't love you anymore, so please let me go hindi ko alam kung bakit kita pinatulan" pagkatapos nyang sabihin ang masasakit na salita na iyon ay umalis na ito.

THE BLISS OF SPRING (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora