chapter 7

199 13 3
                                    

Veronica

Hindi ako nakatulog nang maayos simula ng gabing nag usap kami ni chanel.

"Hon, bakit hindi kapa kumakain?" tanong saakin ni alfred. "Busog ako" malamig na sagot ko rito. "Akala ko siguro hindi ko alam na may kabit ka?" napatingin naman ako rito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo" sinubukan kong wag mautal. "Kapag nalaman kong sino yang natawagan at ka text mo malalagot kayong parehas saakin" sabi nito at pilit na sinusubo ang pagkain saakin. "Wag mo akong subukan veronica, alam mong kaya ko kayong patayin ng kabit mo, tandaan mo akin kalang" sabi nito at madiing hinalikan ako sa labi kaya naman nag pumiglas ako. "M-masakit Alfred" nasasaktan na sabi ko. "Hindi lang yan ang mararanasan mo kung susuway ka sa gusto ko veronica at kung gusto mo pang mabuhay ang kabit mo sumunod ka sa gusto ko" tumango nalang ako para hindi ako nito saktan, ayokong madamay ang anak ko rito at ayoko ring mawala si chanel saakin pero kailangan ko itong gawin.

"Mag impake kana at aalis na tayo kailangan kitang ilayo sa kabit mo kung sino mang hayop na lalaki iyon" galit na sigaw nito kaya agad naman akong sumunod kundi baka masaktan na naman ako.

Nandito na kami sa airport at nag aantay nalang sa oras ng flight namin.

Nakarating na kami sa spain at hindi ako hinahayaang lumabas ng bahay ni alfred, makakalabas lang daw ako pag check up na ng anak namin.

Kaya gustuhin ko mang tumakas ay hindi ko magawa siguro mag titiis nalang muna ako hanggang sa maipanganak ko ang anak ko, susunod nalang ako sa lahat ng gusto nya basta wag nya lang akong saktan.

Hindi ko akalain na ang alfred na asawa ko ay may tinatago palang ganitong ugali.

Ang totoo ay hindi naman namin gusto ang isa't isa pinakasalan lang nya ako para maisalba ang kumpanya nila hanggang sa Isang araw ay naging sweet ito saakin at umamin na gusto ako, dahil nga napamahal nadin ako ay pumayag akong maging kami at nagpakasal kami sa attorney.

May araw na namimiss ko si chanel yung mga lambing at kulit nito hindi ko malilimutan at hindi ako magagalit kung makahanap man ito ng iba basta masaya sya ay masaya narin ako..






9 months later

Naisilang ko na ang anak ko at tuwang tuwa si Alfred ng marinig nya itong umiiyak.

"Sa wakas hon, ngayon ko palang na realize na may anak na nga talaga tayo" paiba iba ang mood ni alfred minsan ay mabait ito at kadalasan naman ay dimonyo.



Chanel

Mag iisang taon na simula ng umalis sila tito at veronica ang sabi nila mommy dun nadaw sila mag titira para narin sa bata.

Mas okay na sigurong malayo sila at hindi na kami nagkikita para hindi na madagdagan ang kasalanan namin kay tito, mabait si tito at deserve ng bata na buo ang pamilya nito.

Masakit saakin pero kailangan ko tanggapin na pang saglitang saya lang din si veronica na katulad lang sya ng ex ko na lalaki parin talaga nakatandhana

Sana lumaking mabuti at matalino ang magiging anak nila at sana soon makita ko manlang ito.
.

"Bes okay kalang?" tanong saakin ni krizzel, nandito kasi kami sa bar nya at halos araw araw ata akong nasa bar nito. "Bes wag mong hayaang masira nalang ang buhay mo, nandito pa kami" ganyang din ang sinasabi saakin nila mommy ang buong akala nila ay nag hiwalay kami ng girlfriend ko at ang hindi nila alam ay si veronica ang dahilan ng mga ito.

Kahit tawag man lang ay hindi ako nakatanggap dito at sigurado akong masaya sila ngayon lalo na't may anghel na sa buhay nila.

Dati iniisip ko lang ang magka anak kay veronica pero hindi ko akalain na sa iba nya ito natupad.

Sana pag dating ng tamang pahanon ay maging maayos na ang lahat.

"Huy bes kanina pa kita kinakausap, iniisip mo na naman ba sya?" tanong ni krizzel. "Can't help it e" malungkot na sabi ko. "Bes ikaw na ang nagsabi saakin hahayaan mona sila, masaya na sila pano ka naman? Nagluluksa parin?" sana ganong kadali ang lahat. "Sana pag sinabi kong mag mo move on nako limot kona lahat e hindi naman krizzel hindi ganong kadali lalo na pag mahal mo yung Isang tao, maiintindihan moko pag nainlove kana at naging katulad ko ang pusisyon mo" paliwanag ko rito. "Naaawa lang kami sayo concern lang kami bes namamayat kana halos ayaw mona kumain tapos lagi kapang nandito kung pwede nga lang sabihin ko sa mga tao dito na wag kana papasukin" binato ko naman ito ng unan, nandito kasi kami sa vip room kaya kaming dalawa lang ang tao dito. "Napaka mo talaga, hindi ka nag tino" tumawa naman ito. "Pinapasaya lang kita bes hindi kasi bagay sayo ang malungkot, ang pangit mo iiyak" tignan mo ito seryoso ang usapan e umeepal ng ganon. "Hindi ko alam kung tama ang dahilan kong ikaw ang puntahan ko" biro ko rito. "Hala siya ako lang naman ang magandang kaibigan mo at higit sa lahat ay mahal mong kaibigan no" arte. "Oo na krizzel nakakainis ka, mag padala ka nalang ng alak dito para naman matuwa ako sayo" umirap naman ito. "Lugi na bar ko dahil sayo" akala mo talaga. "Alam mo ang arte mo nag babayad kaya ako" kinuha nito ang cellphone nya at may tinawagan.

Maya Maya ay nandito na yung alak na pinakuha ni krizzel at 10 na beers ito. "Kaya mo bang ubusin yan?" tanong nito habang kumakain ng nachos. "Oo naman ako paba" kinindatan ko naman ito at kunyareng nandiri naman ito. "Nasaan pala si jurell?" tanong ko rito. "Bumalik na naman sa ibang bansa" lagi kaming magkasamang tatlo kaya may kasama akong uminom araw araw eh ngayon wala si jurell kaya si krizzel ang kinulit ko.

Nakauwi na ako sa condo at tinext kona si krizzel na nakauwi na ako.

Naisip ko na naman ang masasayang ala ala naming dalawa na alam kong malabo nang mangyari ulit.....
























_____
vote and comment!

THE BLISS OF SPRING (COMPLETED)Where stories live. Discover now