chapter 5

226 14 1
                                    

Chanel

Maaga akong ginising ni veronica para kumain.

"Good morning love" masayang bati saakin ni veronica. "Good morning" hinalikan ko ito sa noo. "Kain kana nagluto ako for you" tinignan ko naman ang ulam, puta konti nalang masusunog na ang hotdogs and eggs. "Thank you love hindi kana sana nag abala" sinimulan ko nang kainin ang niluto nito habang sya ay nakatingin lang saakin. "Hindi ka kakain?" umiling ito. "Nag milk na ako ganon lang kadalasan na breakfast ko" hindi manlang nag kakanin. "Kaya pala ang payat payat mona" inirapan naman ako nito. "Sexy ang tawag jan hindi mapayat, kumain ka nalang nang kumain masamang nagsasalita habang kumakain" kinuha ako nito ng tubig. "Alam mo sasabihin ko sana pwede kanang mag asawa, may asawa ka na nga pala" natawa naman kami.

Nakagayak na ako papasok at si veronica naman ay pupunta sa mansion tapos susunod nalang saakin. "See you later love" paalam ni veronica at hinalikan ako sa labi.

Nandito na ako sa loob ng office ko at may mga bisita na naman ako. "Bes sumama kana kasi saamin, minsan lang naman tayo makalabas nang sama sama" nagtatampong sabi ni krizzel. "May trabaho nga ako krizzel" naiinis na ako sa dalawang to. "Ganyan ka naman e nag bago kana talaga hindi na ikaw yung chanel na kilala namin Louis Vuitton kana" jusko help me. "Mag jojoke nalang corny pa" comment naman ni krizzel kay jurell. Nag kkwentuhan kami nang pumasok ang secretary ko. "May bisita po kayo miss krizzel". baka si veronica na ito. "Papasukin mo" tumango ito at pinapasok na si veronica, lumapit ito saamin mukhang nabigla pa nang makita na may bisita ako.

"Hi po" sabay na bati ni krizzel at jurell. "Anong meron?" bulong nito saakin pagkatapos ngitian sila krizzel. "Sinasama nila ako sa bar" sabi ko rito. "Sumama kana kasi saamin para makauwi na kami" nagsalita na naman si krizzel. "Can I come?" biglang tanong ni veronica na nasa tabi ko. "Pwede po para sumama narin si chanel" sabi ni krizzel. "Sasama kami" sabi ni veronica.

Nakaalis na yung dalawa at kami nalang ang natira dito ni veronica, pinipirmahan kona ang mga papers na dinadala saakin ng secretary ko at si veronica naman ay nag cecellphone baka kausap nya si tito. Kaya kahit papano ay nakakaramdam ako nang selos, pero alam ko namang mali tong pinapasok ko, ginusto ko ito kaya kailangan kong mag tiis.

Nandito na kami sa bar at hindi kami magkatabi ni veronica ng upuan dahil tumabi saakin si krizzel, nasa madilim na parte kami ng bar vip ito dahil ito ang sinabi ni krizzel.

Andito rin ang mga kaibigan ni jurell at krizzel kaya marami kami. Magkatabi na kami ni veronica dahil dumadami na kami.

"Bes gusto kadaw makasayaw ni andie" pasigaw na sabi saakin ni krizzel dahil malakas ang tugtog kaya hindi kami magkarinigan at mukhang narinig iyon ni veronica kaya dumiin ang pagkahawak nito sa legs, hindi naman kita kasi nga nasa madilim na parte kami. "A-ah hindi ako marunong s-sumayaw krizzel" sabi ko rito pero hinatak na ako nito at dinala kay andie kaya wala naman akong nagawa kundi makisayaw na dito dahil nakakahiya naman kung tumanggi ako sa harap nito.  ,"You're so beautiful talaga chanel" sabi nito at nilagay ang kamay ko sa bewang nya, kaya napatingin ako sa gawi ni veronica at nakita ko itong titig na titig saamin habang umiinom ng alak. "Thank you" nahihiyang sabi ko. "Are you single?" tanong nito. "No" simpleng sagot ko. "Kailangan ko nang bumalik sa table" pinigilan pa ako nito pero umalis na talaga ako, ayokong mag away pa kami ni veronica nang dahil lang sa kanya dzuh.


Kanina pa tahimik si veronica at pag tinatanong lang ito syaka lang siya sasagot. "Love" tawag ko dito. "Are you okay, gusto mong umuwi na tayo?" tanong ko dito. "Medyo inaantok lang" sagot nito. "Paalam lang ako, para makauwi na tayo" tumango ito kaya hinanap ko naman si krizzel para magpaalam at nakita ko itong may kausap kaya naman lumapit na ako dito at bumulong na uuwi na kami.


Nakauwi na kami at kausap ulit ni veronica si tito. "Miss na kita hon, gusto mo bang sumunod ako Jan" rinig kong tanong ni tito. "No need na hon okay lang naman ako dito, basta mag iingat ka jan" sabi naman ni veronica. "Sige na hon kailangan ko nang bumalik, I love you" hindi kona inantay maka sagot si tita at pumasok na ako ng kwarto at nahiga.

Maya-maya ay pumasok narin si veronica at tumabi saakin at akala ko ay yayakapin ako nito pero hindi pala ito nakalapit saakin, dahil maluwag naman ang kama kaya may naiwan na pagitan sa higaan namin. "Love, come here lapit ka sakin" hindi ako nito pinansin. Tignan mo nga naman unang araw palang na kami nag aaway na agad kami. "Love hindi ko naman sya ginusto isayaw sadyang hinatak lang talaga ako, promise hindi kona uulitin" panunuyo ko dito at lumapit ako sakanya at niyakap sya. "Love hindi tayo pwedeng matulog na may galit o tampuhan sa isa't isa" hays. "Ni hindi mo nga ako pinapansin kanina" maktol nito. "Love diba sabi ko naman kailangan nating maging maingat" hinalikan ko ito sa noo para naman gumaan ang pakiramdam nya. "Please love" nag pout ako kahit na hindi naman nya nakikita. "Tsk fine pasalamat ka mahal kita" hinalikan ko ito sa labi. "Thank you love, let's sleep napo maaga pa ako bukas and aalis kayo ni mom diba?" sabi kasi nito inaya syang mag mall ni ma'am kumbaga gumala gala lang sila para malibang daw sya sabi ni mom. "Hmm, good night love, sorry sa attitude ko" ang cute pala nito magtampo. " No, it's okay love normal lang naman iyon don't worry kung may lumapit ulit saakin ako na mismo ang lalayo para lang hindi na tayo mag away" tumango ito at yumakap saakin. "Good night mahal ko".


Katulad ng sinabi ko maaga akong umalis at tulog parin si veronica kaya naman hindi ko na ito ginising pero nag Iwan naman ako ng pagkain para dito, para may makain sya pag gising nya.

Balak kong yayain si veronica lumabas mamaya para manood ng sine.


"Misis aguas makakaasa po kayong magiging maayos ang partner ship natin" kausap ko ngayon sa isang coffee shop ang isa sa malaking client ko. "Thank you so much for choosing us" pag papasalamat ng secretary ko. "No, thank you so much to you Miss Reyez and to your secretary, hindi kami nagkamali nang pinili, so call us pag handa na lahat nang gamit para mapakuha nalang sa mga tao namin" tumayo na ito at kinamayan kami.


"May appointment paba ako?" 4 na nang hapon at pangatlo ko nang meeting itong inaantay ko may kailangan silang I present saakin. "So far wala naman po miss" nag simula na ang meeting at nag sasalita lang ako pag may katanungan ako o may gusto akong i sabihin.

"Thank you guys, you all did well" lumabas na sila ng meeting room kaya naman nagpahinga muna ako saglit sa upuan dahil sobrang sakit ng ulo ko sa dami naming ginawa ngayong araw pero worth it naman ang lahat ng ito.

Nakauwi na ako at wala parin si veronica sa condo kaya naman naisipan kong maligo na muna at gumayak.

9:28 pm
Wala parin si veronica kaya naman hindi na ako umasa at nag bihis nalang nang pantulog, excited pa naman ako sa first date namin, baka ron na sya pinatulog ni mom.

Nag text nadin ako dito na tumawag sya or mag text manlang kung gising pa sya, alam nila mom na umuuwi si veronica dito at nasasa kanila nalang kung ano ang isipin nila, pero sa tingin ko naman ay hindi iyon iisipin nila mom and dad

11:08 pm

Hanggang ngayon ay wala parin itong tawag o text manlang kaya napag desisyonan ko nalang na matulog na dahil pagod narin naman ako.

good night love, i love you!❤️

Tinext ko muna ito bago ako matulog.








































______
naiinis na ako whahahaha, nabura yung sinulat ko kaya natagalan ako paulit ulit ulit nabubura.

Hi, enjoy!!

THE BLISS OF SPRING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon