Chapter 27: Kenn

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayieeh, close na silang mag kapatid!" nag 'Tch' na lang si Kuya at naglakad na kaming dalawa. Hawak niya ang wrist ko, kaya naman yung mga taong nadadaanan namin nakatingin sa aming dalawa. Akala siguro nila boyfriend ko si Kuya.

"Kuya pinagtitinginan tayo oh.. San ba tayo pupunta?"

"Pogi kasi ako.. Sa may park tayo pupunta"

"Eh bakit?" tanong ko

"May papakilala nga ako sa'yo. Kulit!"

Siguro 10 minutes kami naglakad ni Kuya bago makarating sa Park. Mabuti na lang magpapasko na ngayon kaya yung Park maliwanag puro Christmas Lights. Nagpunta kami malapit sa may Swing at may nakita akong lalaki na nakaupo doon. Mukha siyang familiar.. Bigla siyang lumingon sa amin at kinawayan si Kuya.

"Pare!" lumapit si Kuya doon at as usual may tapik balikat silang ginawa. Tapos lumingon sa akin yung kausap ni Kuya. Nagulat ako kung sino siya..

"Kapatid mo?" tanong niya sa Kuya ko.

"Yep, ikaw muna bahala dyan. Mag d-dota muna ako" mag sasalita pa sana siya pero bigla na lang tumakbo si Kuya. At naiwan kaming dalawa...Awkward.

Lumapit siya sa akin..

"Bakit di mo kasama si Zac?" pagkarinig na pagkarinig ko noon, feeling ko tutulo na naman ang luha ko iniwas ko ang tingin ko sa kanya..

"Tch.." sagot ko sa kanya, napagaya na din ako sa Kuya ko.

"LQ ba? HAHAH.. I can't believe this.. Kasama kita at kinakausap ko ang pinaka weirdo sa school." umupo na siya sa swing. Sumunod ako sa kanya at umupo naman sa kabila. Bahala siya kung ayaw niya akong kasama, eh sa lagay iniwan ako ni Kuya dito eh.

Hindi pa rin siya nagbabago.. Well, hindi naman talaga. Siya lang naman si Kenn de Vera. Classmate ko, kabarkada ni Jerome (see Chapter 7). Isa sa mga bully sa klase namin. Hindi ko naman siya nakakausap dahil wala naman akong sasabihin. At ngayon ito lang ang unang beses na nakausap ko siya.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa malayo. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at doon lang pala sa mga Christmas Lights. Tumingin ulit ako sa kanya.. Nang bigla siyang lumingon sa akin.

"May gusto ka ba sa akin?" bigla kong iniwas ang tingin ko

"Uy hindi ha"

"Hahah, alam ko. Si Zac lang naman ang gusto mo eh" napatingin ako sa kanya at nag smirk sa akin "--kaso nga lang mas type ata noon si Maradee Kim ang babaeng kinakababaliwan namin" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam niya ang nangyayari? At teka, may gusto siya kay Mara?

"May gusto ka ba kay Mara?"

"Wala..Ang panget kaya noon.."

"Eh bakit sabi mo kinababaliwan?"

"Pag ba sinabing kinababaliwan, gusto agad? Di ba pwedeng kinababaliwan lang matalo sa Dota?"

Napa EH ang mukha ko sa sinabi niya. Nag D-Dota si Mara? Eh mukhang girly yun ah! Napaka imposible naman ata ng sinasabi nito..

"Don't get me wrong, magaling mag Dota iyon. Barkada lang ni Zac ang nakakatalo doon. Hayss, bakit ko ba sinasabi ito sa'yo? Wala ka namang alam sa mga ganito.. Aish! Makaalis na nga! Ma-issue pa ako bukas na nakikipag usap sayo.. Sige bye!" tumayo na siya kaagad at iniwan ako..

Kahit papaano nakatulong sa akin si Kenn, nakalimutan ko yung nararamdaman ko. Pero nung sinabi niyang barkada lang ni Zac ang nakakatalo kay Mara. Napaisip ako..

Tapos dumating na si Kuya.. Ang bilis naman ata?

"Nasan na si Kenntot? Joke lang naman na mag dodota ako eh."

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon