CHAPTER FIFTY SEVEN

Start from the beginning
                                    

"Hindi kayo makakaalis dito ng buhay." Biglang sabi nang isang lalaki na may tattoo sa batok. Naka-side view siya kaya nakita ko. Katulad ito ng tattoo nang nakalaban ni Zel kanina.

Tumigil sila sa pag pagbaril pero na nanatiling nakatutok ang baril nila sa amin, ganon din naman kami.

"Sabihin mo kung nasan si Albert Tolentino." Seryosong tanong ni Blake.

"Hindi ko sasabihin." Natatawang sabi naman ng lalaki.
"Pero, bibigyan ko kayo ng clue... Nasa isang simpleng bahay lang naman sila na malapit sa isang talampas." Aniya ulit.

Isang talampas lang ang alam ko. Yun ang lugar na napuntahan na namin ni Aizer para makapag star gazing. Pero wala namang katao tao at bahay ang lugar na iyon.

"I think the house he's saying is located at the opposite direction where we had star gazing before." Sabi naman ni Aizer sakin.

"You think so?" I murmured.

"Hmm... I wandered last time in that place, and I saw a simple house at the middle of that area, maybe iyon ang tinutukoy niya." Mahinang sagot niya naman sakin.

"That is where we can find cliffs in this region." He added.

"Yun ay kung maabotan niyo pa ng buhay ang hinahanap niyo." Muling sabi nong lalaki kasabay ang pagtapon nila ng tatlong granada sa amin at ang sunod sunod na pagbaril nila.

Napahawak ako ng mahigpit sa baril ko at agad na nakatakbo palayo at umiwas sa mga baril nila.

Kasabay ng pagsabog ang pagtilapon naming lahat papunta sa harapan ng gate.

"Argh." Nahilo ako dahil sa lakas ng pagsabog at pagkasalampa ko sa sahig.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nakahawak sa kanilang mga ulo habang pinipilit na tumayo.

"Argh, shit." Rinig kong sambit ni Zel, napatingin ako sa kaniya at nakitang nakahawak siya sa may tiyan niya. Tumama ito sa isang bakal na nasa harapan niya.

"Zel, stand up." Agad na tinulungan ni Aizer si Zel na makatayo.

Agad kong pinulot ang isang M249 Machine Gun na nasa walang buhay na kalabang nasa harapan ko.

"Tulungan niyo sila! Lumabas na kayo!" Utos ko sa kanila as I aim and fired my gun to my enemies.

Blake and Cian also help me habang paatras kami patungo sa gate. We are covering the others that are injured, at nakita ko na nahihirapan si Zel dahil sa pagtama ng tiyan niya sa bakal, at tinutulungan siya ni Aizer na maka-alis.

"Blake!" I heard Cian shouted kaya napalingon ako sa kanila na hindi tinitigilan ang pagbaril sa mga kalaban.

Shit. Natamaan si Blake sa kaliwang paa.

"Bilis Ci, lumabas na rin kayo!" Malakas na sabi at utos ko.

Agad na itinuon ko ulit ang atensiyon sa mga kalaban na nagpapaputok sa amin. Hindi ko makita ang lalaki na may tattoo sa batok kanina, saan na nagpunta ang gagon yun.

"Shein! Sumunod ka agad!" Rinig kong sigaw ni Cian. Hindi ako lumingon at nanatili lang ang atensiyon sa mga kalaban.

Shit! Damn it! Naubosan na ako ng bala! Agad akong nagtago sa may pader ng maliit na bahay at kinuha ang pistol na nasa lalagyan ko.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Anim sila at may mga dikalibreng baril.

Napapadikit ako sa pader dahil sa sunod sunod na pagbaril nila sa akin. Agad rin akong bumabaril sa kanila pag may pag kakataon.

Napalingon ako sa may kanan ng makitang  may isang lalaking may dala ng basooka. Agad akong lumabas sa pinagtataguan para makalabas ng gate while trying to shot the other enemies.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now