CHAPTER 20

348 57 13
                                    

Aiyanna's POV


Biglang napalitan yung music kaya nag si-upuan na yung tatlo. Naiwan naman yung kambal 'don.

Now playing : You are my song by Erik Santos

Tawa kami ng tawa habang inapanood sila.

"Jakey~ Sayaw tayo dali!" Hinila naman ni Dianna si Xyllo papunta sa pwesto nina Rhe.

Nagpaalam naman si Vince, tinatawag daw kasi siya nina lolo.

Napatingin naman ako sa ilang bisita na sumasayaw din.

"Gusto mong sumayaw?" Tanong ng katabi ko.

Nakangiti naman akong tumango.

"Tara." Inalalayan niya ako hanggang sa may pinaka likod nina Dianna.

Natawa nalang ako, hindi man lang nila napansing nasa likoran na kami.

"Are you happy?" Tanong niya.

"Of course."

"Good."

"Bat mo naman natanong?" Tiningnan ko lang siya sa mga mata niya.

"Wala lang."

Ang ganda ng mga mata niya.

"Ikaw? Masaya ka ba?"
Ako naman yung nagtanong.

"Oo naman."
Ngumiti naman siya, kaya napatingin ako sa labi niya.

"Ngayon?"
Ibinalik ko yung tingin ko sa mga mata niya.

"Oo."

Ngumiti nalang ako.

Nakatingin lang din siya sa mga mata ko.

Hindi ko alam, bakit hindi ako naiilang.

Bumaba ang tingin ko, from his sharp and pointed nose up to his pinkish lips.

Ngayon ko lang natitigan ang buong muka niya.

"Ba't ang gwapo mo?"

Mahina siyang natawa. Luh? Nasabi ko ba yun?

Napaiwas nalang ako ng tingin. Saktong natapos na ang music kaya bumalik na kami sa table.

"Pa?"
"Tito Melvin.."

Sabay na ani ni Vince at Calvinn sa bagong dating.

"Ano, mga lasing na ba kayo?" Natatawa nitong sabi.

"Hindi pa po.."
"Hahaha, hindi 'no."
"Hindi pa ko lasing."
"Sinong lasing ?"

Natawa nalang ako dahil sa mga pinagsasabi ng kambal at ng dalawang magpinsan.

"John, pinapatawag ka ng lolo mo."

Tumango lang ito at sumunod sa papa niya.

Ng makalayo sila, ay nag ingay na naman ang mga kasama ko.

Hindi naman nilulubayan ni Yoshua ang mga shot glass namin. Pagmakita niyang wala na itong laman ay agad niya itong lalagyan.

"Yanna......." Bulong ni Rhe.

"Ano?"

"Sayaw naman tayo." Nakangisi nitong sabi pagkatapos ay ngumuso sa stage.

Napatingin naman ako sa mga bisita, hindi na masyadong marami kesa nong kanina.

"Ano naman sasayawin natin?"

"Hehe.."

Yoshua's POV

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Where stories live. Discover now