(Duet)

Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

(Night)

Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo

Hindi ko inalis ang mata ko kay Shyle na ngayon ay tinitignan ako na bahagyang nakangiti na sa akin kaya napangiti naman ako na kinikilig.

Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita

(Duet)

Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita

(Kai)

Ano'ng salamangkang meron ka (gusto kita gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (gusto kita gusto kita)

(Night)

Anong salamangkang meron ka (gusto kita gusto kita)
Ako'y nabihag mo na

Nakita ko naman siyang trying to stop her smile kaya I laugh mentally.

(Kai)

Ako nga'y nabihag mo na
Hindi naman talaga sinasadya
Pagkat itinataya 'ata tayo para sa isa't isa

If ice cream si Averyl, baka natunaw na.

(Night)

Giliw nagpapahiwatig na sa'yo ang
Da-da-da-damdamin ko
Da-da-da-da-damdamin ko

(Duet)

Giliw
Giliw
Giliw
Napagtanto na
Gusto kita

Nagpalakpakan naman ang mga tao at ang iba naman ay kinikilig na sumisigaw. Nakita ko namang sumilay ang ngiti ni Shyle. Hay salamat!

....

After the event ay nandito na kaming mga students ngayon sa garden area sa school dahil dito kami sa outdoor kakain.

Tumitingin ako sa paligid at nakita ko naman si Shyle na busy sa pakikipagkwentuhan kay Averyl. Siguro mamaya ko na siya kakausapin.

Nakita ko naman si Sam at Quinn na kakabalik pa lang.

Si Max naman ay busy sa pagkuha ng mga litrato kasama ang mga club members niya.

Pilit ko namang hinahanap si Margarette dahil gusto ko siya maka-usap pero hindi ko ito mahanap. After pa kasi naming mag dinner i-aanounce ang winners at dito na rin pala matutulog ang mga students sa kanilang dorms at ang iba naman ay sa kani-kanilang hangout.

"Kain na tayo, gabi." Nakaakbay na sabi sa akin ni Noah.

"Ah..sige. Gutom na rin ako eh. Nasaan ba si Kai?"

"Sus ayon o nakalinya na." Natatawa niyang sabi at aba nakalinya na kaya pumunta na kami doon.

Kinunan na rin namin ng pagkain si Max dahil ayon busy pa rin sa pagkuha ng mga litrato.

Habang kumakain kami ay may banda naman na nagpapatugtog. Ang iba naman ay nag request ng mga kanta para sa mga jowa nila at ang iba naman ay hopeless romantic hays.

"So kamusta ang pag-uusap niyo?" I asked looking at Quinn na parang nasa good mood na.

"Mukhang happy na ah." Kai said at ngumiti naman ito.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now