Chapter Eleven

23 10 0
                                    

Elyu Getaway


"Baby, are you done packing?" bukas ang pintuan ng kwarto ko nang maabutan ako ni Pierce sa isang awkward na posisyon.

Why does he need to see me at this time?

Pilit ko kasing inaabot yung zipper ng maleta sa kabilang side habang nagpapabigat ako para masara ito.

"Help? Hehe." ngiwi kong sabi kay Pierce.

Nilapitan niya ako at walang kahirap hirap na sinara nito ang maleta at binuhat. He's lowkey flexing his muscle when he did that and I'm enjoying the view. Pierce in white shirt is a top tie.

Shit, ang gwapo ng crush ko!

"Let's go?" tanong nito sa akin.

Masayang tumalon ako sa higaan na pinag-upuan at lumingkis sa braso nito. After we talked yesterday, I feel like our relationship progressed.

Di niyo kaya yon! May pa-relationship na yan?

But really, there are things which change a lot. My heart is happy! Parang kung dati puro kalokohan ang nagpapasaya sa akin, ngayon mukang hindi na. Pierce seems enough. Wow, enough?

"Buhatin mo ha. Bigat ihh." utos ko.

Umismid naman siya, "Kaya pala nakayanan mong ihulog yung maleta mo mula sa second floor nung tumatakas ka sa akin."

I scrunched my nose upon remembering those times. Ang lakas pa ng loob kong tumakas nun, nabisto naman agad.

"Eh iba yun!" pinakiramdaman ko ang sarili, parang ang tinis ng pagkakasigaw ko ah. Yuck!

"Nagiging pa-baby ka na huh." pansin ko din.

I pouted and cling myself more. This is so comfortable, I'm liking this.

"Baby mo naman. Angal ka?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

He chuckled and pinched my cheeks, "Cute. And no, hindi po aangal boss."

"Good, Capt!" I gave him a thumbs up. "Very good!"

I'm currently waiting for him at the main entrance of this condo. I bought a coffee and cheesecake at the nearby Starbucks while he loaded our baggage on his car.

Aalis kami! Unexpected para sa akin pero mukang planado naman niya.

A jet black Porsche Cayenna stopped in front of me and I knew it was him. Isang gwapong nilalang ba naman ang bumungad sa akin nang bumaba ang bintana nito.

"Oh shit." bulong ko sa sarili.

His hair was brushed up while some strands were freely hanging on the sides. I gasped at the sight of him. Naka-shades pa ang mokong tapos nginisian ako.

"Ang gwapo ba ng driver mo?"

I bit my lip to suppress my smile, "Yes Cap!" sumaludo pa ako bago sumakay ng sasakyan.

Nilabas ko ang phone at kinuhanan ng boomerang mula sa bintana, tapos sa pagkain na nakapatong sa kandungan ko, hanggang kay Pierce na nag drive.

"What's your instagram?" I asked him while busy editing my shot for this story.

"It's @arch.pxxrcx" tumango ako habang hinahanap ang username niya.

He only got no more than 20 followers and 0 followings. Tapos nakaprivate pa. I snorted, "Why do you have ig if wala ka namang posts and following?"

Avanceña Series 1: CHASING MISS HURRICANEWhere stories live. Discover now