Chapter Ten

24 10 0
                                    

Jealousy


Padabog akong pumasok sa penthouse habang kasunod ko si Pierce na dala dala ang gamit namin. Eh paano ba naman, mula sa headquarters nila hanggang sa makasakay na kaming dalawa sa kotse, aba hindi ako pinapansin! Papansin, char.

"Arf arf!" tumatahol na bungad ni Spike.

Sinalubong niya kami nang walang humpay sa pagwasiwas ng kaniyang buntot. We've been out for the whole day, I miss my pup! Hay, I feel bad because I don't feel good petting our baby now.

"Later Spike. Galit si mommy." sinamaan ko ng tingin ang lalaking tatahi-tahimik.

"Hmp." bahala siya diyan. Tinaasan lang ako ng kilay at binaba ang gamit sa sofa.

Samantalang kanina, ay eto nakakainis! Kanina habang galit na galit na nakatingin sa amin ni Ethan, kumalma lang ng haplos haplusin nung Zeniah ang braso. Bwiset! Aaaahhh!

"Magsama sila diyan!" mabibigat na hakbang ang ginawa ko sa pag-akyat ng hagdan.

"Storm, hindi pa tayo kumakain ng gabihan." sigaw niya mula sa baba.

"Di na ako kakain!" sabay sarado ng pintuan ng kwarto ko, hindi ko naman ni-lock ano kaya yun.

Kainin niya yung haplos ng isa niyang ka team diyan. Muka namang matamis, mabusog sana siya.

I looked at the digital clock and it's already 1 am. I jumped on my bed not minding changing my clothes. I'm exhausted and I want to sleep, yet my tummy is complaining. Ayaw makisama sa tampo ko ha?

Binuksan ko na lang ang messenger ko at nag back read sa gc namin nina Adenine at Imari. Nag send ng photos ang dalawa sa mga gala nila o kapag nasa Illiad n' Odyssey ang mga ito.

Napaisip tuloy ako.

Do I miss my life before? Bibihira na akong lumabas ngayon, yet I enjoyed staying in his penthouse or kapag aalis kami ni Pierce para bumili sa mall.

I'm no longer craving for something extreme o sa paghahanap ng gulo at ikapapahamak ko except this time na sinundan ko sila Pierce.

"Am I sick? I feel like I'm a different person." nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Both of my girl friends were on the line. Si Imari ay gising na gising dahil iba ang oras nila ngayon sa Washington D.C. She went there with her cousin Ryker, ang sabi family matters daw.

"Why do you say so?" Adenine replied while she's doing her skin care at this midnight.

"Pakiramdam ko ang bait bait ko na ngayon."

I heard them laughed at me, "Hindi ako nagbibiro!" napasimangot ako sa reaksyon nila.

"I can't imagine Storm being calm. Ang contradicting nun." iling iling na ani niyang muli.

"Breaking record ang two months ko na walang ginawang kalokohan. I'm telling you!" I rolled my eyes at them.

"Isn't that good? At least worth it naman pala ang pag hire ni tito kay Pierce." Imari stated.

Nasa kalsada ito at naglalakad lakad kaya hilong hilo ako pag pinapanuod ko siya sa kung saan ba ito pupunta.

"Nasan ka ba Imari? Parang lumilindol na diyan." reklamo ni Adenine.

I rested my body on the headboard.

"Wait lang—Pahawak nga ako ng phone muna, ay joke!" as if she's hiding who's with her kaso kita ang balikat ng lalaki.

Avanceña Series 1: CHASING MISS HURRICANEWhere stories live. Discover now