"Ayoko nito... ayoko nito! I hate you! Pabayaan mo na 'ko!" With folded hands, I hit myself countless times. Sinasadya kong patamaan ang braso, taas ng dibdib, at mga hita ko dahil 'yun madalas matakpan ng damit. Patagal nang patagal, pasakit nang pasakit hanggang sa nagiging manhid na. Tumigil lang ako nang makita kong may nabuo nang pasa sa katawan ko.

Walang pagsisisi kong tinitigan ang mga pasa. Tama lang 'yan. Ang ganito kapanget na ugali at pagkatao, dapat dinidisiplina. Inangat ko ang tingin sa salamin na katapat at pinunasan ang mga luha ko. Ano? Hindi ka pa rin tapos sa pag-aambisyon mo na kay Richmon mo mararamdam ang tunay na ikaw? Ang repleksyon sa salamin ang tunay na ikaw, Phillie. Mahina, makasarili, at sinasaktan ang sarili. Sira ka. Sarili mong kagagawan 'yan kaya 'wag mong gawing excuse ang ibang tao para i-justify na wala sa'yo ang problema.

Ito ang totoong ikaw at ito ang totoo mong buhay. Anak, kapatid, at kaibigan. 'Yan ang mga responsibilidad na bumubuo sa'yo. Tumigil ka sa pag-aasam na magkakaroon ka ng sarili mong pagkakakilanlan. 'Wag kang ilusyonada lalo na kung wala ka namang pangarap sa buhay.

Nang mapagod, dumukmo na lang ako at binalewala ang chat na dumating. Kay Mon galing 'yun. S'ya lang naman ang hindi matigil sa pagtawag at pag-chat sa'kin sa mga nakalipas na araw. Hindi pa ako handang kausapin s'ya. Ayoko na ring madamay pa s'ya sa pinagdadaanan ko.

Napatunghay ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Halos mapalundag pa s'ya sa gulat nang makita ako sa may bintana.

"Phillie! Ano ba 'yan! Bakit nand'yan ka? Dis oras na ng gabi gising ka pa!" Hindi ako sumagot dahil paos pa ang boses ko sa pag-iyak. Madilim sa pwesto ko kaya hindi mapapansin ni Mama na umiyak ako. Hindi nakatakas sa mata ko ang bagong bag na nilapag n'ya sa upuan. Nitong mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang pag-uwi n'ya ng hatinggabi at minsa'y madaling araw na. Lagi ring may bago sa kan'ya. Kundi alahas mga damit naman. At ngayon bag.

"Saan po kayo galing?" tanong ko kahit may palagay na 'kong isasagot n'ya. Pamilyar na pamilyar ang ganitong gawain ni Mama.

"Bakit mo tinatanong? Sinamahan ko lang 'yung kumare ko." Pumunta s'ya sa mesa para uminom ng tubig at binuksan ang mangkok na may lamang natirang tuyo. "Ano ba 'to? Ito na naman ang ulam? Bakit 'di kayo magluto ng maayos-ayos? Buti na lang kumain na ako. Itapon mo na 'yan. Baka dagain pa."

"Kakainin ko na lang po bukas. Sayang naman." Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. Kahit nagdadalawang-isip, naglakas-loob akong nagtanong. "Ma... tatlong araw na raw po kayong 'di nagtitinda sa talipapa?" Kabado ako sa isasagot o gagawin n'ya sa'kin. Limang pagkakataon ko na s'yang nakitang ganito. Magkakaiba man ng sitwasyon pero isa lang ang dahilan.

Ngumiti si Mama ay bahagyang pinisil ang braso ko. "'Wag kang makinig sa mga chismosa, anak. Naiingit lang sila kasi mas nakakaangat na tayo."

Doon ako mas nag-alala. Ano bang sinasabi ni Mama? Anong nakakaangat? Nakita naman n'ya ang tuyo sa mesa 'di ba? Kahit naman pinakabitan na kami ni Abuela ng wifi at sagot na nila ang pagpapaaral kina Jek at Amy, hindi pa rin 'yun sapat para makapaglagay kami ng masarap na ulam sa hapag.

"Ma, baka matagalan pa po 'yung sa scholarship at educational assistance ko. Magbibigayan pa lang grades. K-Kaunti na lang po ang meron ako para maipang-ambag dito sa bahay..."

Natatawa s'yang umirap at dumukot sa bulsa n'ya ng ilang perang papel. Gulat ko 'yung tinignan nang ibigay n'ya sa'kin. S-Saan n'ya nakuha 'to? Three thousand 'to!

"Itago mo na 'yan. Allowance mo tsaka pambayad ko sa mga hiniram ko sa'yong pera. Sabi ko naman sa'yo, konting tiis lang. 'Wag mo na alalahanin 'yung mga gastusin mo rito. Ako nang bahala."

"P-Pero malaki naman po 'to. Saan n'yo po ba nakuha? M-May... may bago po ba kayong boyfriend?"

Kinikilig lang na tumawa si Mama. Hindi ko na kailangan ng sagot dahil s'ya na mismo ang nag-iwan sa'kin ng palatandaan. As much as I can, I want to support my mother in finding her own happiness. Pero ngayong anim na kaming magkakapatid at napakabata pa ng bunso namin, hindi ko mapigilang mag-alala na magpapapasok na naman si Mama ng panibagong pag-ibig sa buhay n'ya.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें