H-hindi nga niya ako babatiin. Nakalimutan nanaman niya siguro.

Ngumiti nalang ako ng mapait kahit medyo nasaktan.

"A-ahm ewan. Hindi na siguro ako mag-aral at mag titinda nalang ata. Alam mo naman siguro na banned na 'ko sa dating paaralan namin ni kuya diba? Tsaka kunti lang kita namin at wala pang nahanap na trabaho si papa, wala kaming pambayad," tugon ko at irap ulit ang natanggap ko galing sakanya.

Kanina ka pa ah.

"Ano pala problema mo? Kanina mo pa ako iniirapan ah," mahinahong tanong ko sakanya.

"First of all, I hate that banana smell of yours and second of all, Your outfit is disturbing me," tugon niya kaagad at nagtakip ng ilong

Ay waw.

Agad naman akong napatingin sa sarili ngunit wala naman akong nakitang problema ah. Naka pedal shorts lang naman ako tsaka lumang puting t-shirt na may kunting dumi pero okay lang naman.

"Problema sa suot ko? Wala naman akong nakitang problema," nakangusong sabi ko at pilit tinatanggal 'yung dumi sa damit pero hindi matanggal.

Lalabhan ko nalang 'to mamaya.

"Pwes ako at kaming lahat ay may nakikitang problema. Try look around," mataray niyang sabi. Nilibot ko naman ang paningin ko at napansin ngang pinagtitignan ako ng mga tao rito tsaka pinagbubulungan.

Loh. Pake nila sa suot ko? Okay lang naman ah. May kunting dumi nga lang pero hindi naman halata.

"ANYWAY- back to the topic, wala akong pake kung san ka mag-aaral pero ako nag-iisip pa kung san mag e-enroll. Whether in Australia or here in the Philippines at Rikion High. Mom's gusto is dito sa Philippines but I'm thinking sa Australia nalang kase may hubby-boyfie is there but Rikion High is great naman,"

Teka- sinabi ba niyang Rikion High?

"Hmm? Rikion High?"

Parang narinig ko na 'yan ah, 'yan ata 'yung paaralan na pinakayaman sa buong mundo?

Kumunot kaagad ang noo ni Abby sabay tignan ako na parang hindi makapaniwala, "Seriously? Hindi mo alam ang Rikion High? Duh, that's the most expensive school in the world!" tugon ni Abby.

Tama nga ako, 'yan nga 'yung pinakamayaman na paaralan sa buong mundo.

"And I heard, Mr. President's unsmiling grandson is studying there," dagdag pa niya.

Nakaramdam naman ako ng hiya at kunting kirot sa aking dibdib.

Parang wala lang ni Abby ang mag-aral sa mga ganyan na paaralan. Pumunta lang siya dito para tanungin ako tungkol diyan, hindi para babatiin.

"What do you think Krystal? Where should I study? Australia or dito?" tanong niya sa akin.

Ako?​ Saan kaya ako mag-aral- ay hindi. Kailan kaya ako makapag-aral?

Kung hindi ko sana ginawa 'yon dati sa dating paaralan namin ni Kuya, hindi sana kami mapaalis at ma-banned sa ibang paaralan 'no?

Kasalanan ko 'to lahat.

"Krystal?" bigla akong natauhan nang sambitin ni Abby ang aking pangalan.

"P-piliin mo 'yung gusto mo galing sa iyong puso. Tsaka kung saan ka man, mag-aral ka ng mabuti at mag-ingat ka palagi," sinserong sabi ko sakanya at ngumiti ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay at inirapan nanaman ulit.

Rikion HighUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum