"Last time we dance was during paps 40th birthday party." Aniya ulit.

"Ahh... yup, I remember." Natatawa kong sabi ng maalala ang party na nangyari pa sa Japan. Kunti lang ang invited, at hindi ganon ka engrande dahil ayaw ni paps, at nag pre-prepare kami non for our upcoming mission.

"Are you happy, Shein?" Again, he suddenly asked. Na weirdohan naman ako sa tanong niya.

"Of course, anong klaseng tanong yan?" sabi ko sa kaniya.

"What I mean is... Are you happy with your relationship with Aizer?" Paglilinaw niya sa tanong.

Napatingin naman ako sa kaniya. He's staring at me with such serious expression on his face, kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Y-yeah." I shortly mumbled. I don't know kung anong naging reaction niya, normal lang naman ang galaw namin, pero di ko makita ang expression na mayroon siya sa muka.

"Do you love him?" He asked again. Nabigla naman ako sa muling itinanong niya, kaya napatingin ako muli sa kaniya. Ganon parin ang mga tingin niya sa akin.

Tangina? Ba't kinakabahan ako?

"You're face and expression right now already answered my question... Let's go, bumalik na tayo sa kanila." He said while a glimpse of a simple smile on his face.

Hindi pa man ako nakaka react ay inalalayan niya na ako pabalik sa table namin kahit hindi pa man tapos ang kanta.
Napangiti nalang ako habang nakatingin sa likod niya. He's really the best brother, I wish him to be happy as well.

"Shein, can I dance with—"

"No. I'll be her last dance." Nagulat kami sa biglang sinabi ni Ice. Hindi pa man natatapos ang dapat na sasabihin ni Alexus when he suddenly cutted his words, at bigla niyang hinawakan ang kamay at tumayo.

"How possessive." dinig kong sabi ni Cianna na sinamahan niya pa ng tawa, ganon din yun ibang kasama namin.

Hindi naman na ako naka react ng naglakad kami paalis sa kanila at muling pumunta sa gitna ng dance floor.

"Ang harsh mo." I said and chuckled. Napanguso naman siya at muling yumakap sa akin, katulad ng pagsasayaw namin kanina.

"I won't allow anyone to dance with you." he whispered.

"Eh? How about Clayd? Kaka-sayaw ko nga lang sa kaniya." sabi ko naman.

"Okay lang, he's your cousin anyway." aniya muli. Mahinang natawa nalang ako at inayos ang pagkakalagay ng kamay ko sa likod niya.

Gaya kanina, hindi maalis ang tingin ng mga bisita sa amin. Ito rin ang ipinakita nila when I danced with Clayd, but I didn't mind them. Hindi ko sila pinansin and just feel the music while Ice and I are almost hugging each other.

Medjo marami na rin akong na inom, kanina pa nong hindi ko pa kasama si Ice, idagdag pa ang mga shots and wine na nasa table namin. Buti nalang mataas ang tolerance ko. And I know for sure, ganon din si Ice.

"I have something to give you pala." I suddenly said when I remember about the gift I bought for him.

"What is it?" Agad na tanong niya naman at humarap sa akin.

"Later, after the party's over." Sabi ko, and he nodded.

After matapos ang music ay umalis na kami sa gitna ng dance floor. But hindi kami bumalik sa table namin. Instead, pumunta kami sa house bar, at doon tumambay habang umiinom. Nakita pa nga kami nina Martin at Luca, but they just said hello at nagtanong about the others whereabouts, so we told them, at umalis naman sila agad. Nagkibit-balikat nalang kami ni Ice at mahinang natawa.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя