CHAPTER 9

108 15 2
                                    

Nang makaalis na ako sa bahay ng mga magulang ko ay dumiretso ako sa isang grocery store na malapit sa condo ko to buy alcohol. Matapos kong makabili ay kaagad na akong lumabas sa store. I was looking at my phone when I suddenly bump into someone. Kaagad na nag-kalat ang mga pinamili ko.

"Sorry, Miss." Saad ng pamilyar na boses habang pinupulot namin parehas ang mga nag-kalat na canned beers.

"Alvin?" I said ng makilala kung sino ang lalaking nasa harap ko.

"Rain! Hey! Ikaw pala iyan." Saad niya.

"Malapit ka lang ba dito? Ipag-drive na kita." Nakangiting saad nito habang inaabot sa akin ang mga nagkalat na canned beers.

"Actually, I bought my car." Saad ko at nginuso ang kotse ko sa hindi kalayuan.

"Oh, are you drinking alone? If you don't mind ahm, can we talk? Gusto ko ding mag-sorry patungkol sa nangyari nung nasa beach tayo." Saad nito sa akin. Kaagad ko naman siyang pinaunlakan dahil may gusto akong malaman.



We went to a nearby cafe.

"Have you broken up with Tristan?" Tanong agad nito na ipinagtaka ko. Isn't weird? He is asking if we have already broken up.

"Tristan is such a coward. He doesn't deserve you, Rain. Tama lang na nag-hiwalay kayo. Coz you know. He just sees her wife on you. He loves her so much that no one can equate it." Saad niya. Halos magpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Not because of how Tristan loves his wife. But because of how he acts right now. Aren't they friends?

"Matagal ko na siyang pinipigilan tungkol sa ginagawa niyang pang-aaligid sayo simula ng makita ka niya sa Hospital. Pero hindi pa din pala siya tumigil. Naawa ako sayo dahil ginagamit ka lang niya." Saad niya. Hospital? Anong sinasabi ni Alvin?

"Hindi ko naiisip na posible pa talaga ito. You look like her. Para kayong kambal. But the difference is babae siya, ikaw, ahm. Never mind." Saad niya at naikuyom ko na ang palad ko. I wanted to slap him pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Anyways, I am really sorry na naabutan mo kami na nag-aaway sa Villa. Hindi ko lang talaga gusto na gamitin ka ni Tristan for his own good." Saad niya.

"W-wala lang 'yun." I managed to say.

"Do you already know kung bakit namatay ang asawa niya?" He asked. Umiling lang ako.

"You will know soon." Bulong nito at hindi na umabot pa sa pandinig ko.

"Doppelganger. Are you familiar with it? Ang sabi nila. Kapag nakita mo daw ang doppelganger mo ay isa sa inyo ang mapapahamak. Or worst, isa sa inyo ang mamatay. Have you seen Carol five years ago? Maybe you're the one who killed her." Saad niya.

"I can't understand you, Alvin." Seryosong saad ko. He just chuckled. Baliw na ba siya?

"I am just kidding. Malamin na pala ang gabi, uuwi ka na ba? Gusto mo bang ihatid kita?" kaagad naman akong napailing.

"I can manage, thank you, Alvin. But let me tell you one thing, you should know your boundaries. Aalis na ako." Saad ko at kaagad naman siyang iniwanan. Muling nag-tagpo ang mga mata namin at may kakaibang titig siyang ipinupukol sa akin. Goosebumps were sent down to my veins.

I tried to focus my mind habang nag-mamaneho. Pero hindi ko magawang maalis sa isipan ko ang mga titig niya. It seems familiar. It seems like I have seen it before. Halos mapailing ako sa realisasyon ko. I am sure. It was him. He was the guy na palagi kong nakikita sa condo. He was the guy nan aka suot ng hoodie at mask sa loob ng elevator. Pero bakit? Bakit niya ginagawa ang bagay na 'yun.

Napatingin ako sa likuran ng aking sasakyan. The package that was sent to me earlier in the office. Hindi ko pa nasisilayan ang loob nito. Bitbit ang box ay dumiretso ako sa loob ng building ng condo ko. Minutes after ay nasa harap na ako ng pintuan. As I went inside ay bumungad sa akin ang nag-aalalang si Tristan.

I am her DOPPELGANGER (Trans story)Where stories live. Discover now