CHAPTER 7

108 19 9
                                    

Lumipas ang halos isang linggo. Puno ng katanungan ang aking isip. I am like a new born na nag-lalakad lamang sa kawalan. Halos isang araw akong hindi na contact ni Tristan noong inihatid niya ako sa condo pag-kagaling namin sa Pangasinan. At iyon na ang huling pagkikita namin. He hasn't able to visit me. Hindi na siya nakakapunta sa bahay. I asked him if he wanted me to go sa Hospital na pinagtatrabahuhan niya but he insisted na huwag daw. I know that something is up. I know na may mali. But why I am choosing to be blind again?

I have a lot of questions kung sino ang tinutukoy ng mga kaibigan niya na nagising na. I wanted to know as well kung sino ang nasa likod ng mga litrato na ipinapada sa akin. I can't trace the person. Iba-iba ang number na ginagamit niya. I want to change my number pero hindi ko magawa. That person keeps sending me a picture of a woman who looks exactly like me. Pero hindi ko kilala ang babaeng 'yun. I look it up in the internet pero wala din akong makita. My mind is in vague.

If hindi ako mahaharap ni Tristan maybe I should be the one to make my move now. Masiyado ng napupuno ng tanong ang isip ko. I contacted Rhea. I asked her if we could meet at alam kong alam niya na marami akong gustong malaman. At first, she keeps rejecting me but later on ay napapayag ko din siya. At ngayon ang araw na 'yun. If Tristan cannot give the answer to me, sa kaibigan niya ako lalapit.

Kumatok ako sa pintuan ni Trisha upang mag-paalam na may pupuntahan ako. Nakailang katok na ako sa pinto pero walang sumasagot. Nang pihitin ko ang seradura ng pintuan ay bukas ito. But as soon as I open the door ay tumambad sa akin ang malinis na kwarto at walang tao. Kaagad kung tiningnan ang cabinet at wala na din doon ang gamit ng mag-ina.

"Gosh, where did she go?" tanong ko sa sarili. Umuwi na kaya sila? Saan sila nag-punta. I sat on the bed. I suddenly see a note on the side bed table. As soon as I see it ay kaagad ko itong kinuha.

At halos maluha ako ng Mabasa ang mensahe niya.

'I am sure that you will stop me kapag sinabi ko sayo ng harapan. I am leaving, Rain. The woman is pregnant, Rain. Her mistress is pregnant. I can't tell it to you upfront dahil alam kong may problema ka din ngayon. I'm sorry. Maraming salamat sa lahat, Rain. Don't waste your time in finding me, focus on yourself, Rain. Unahin mo din ang sarili mo. Once my wound is healed babalik ako. Babalik kami ng anak ko. Be strong my sister, let's be strong. I love you.'

Hindi ko na napigilin ang luhang pinipigilan ko. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na itago siya kay Tope. But I couldn't fathom na nagawa ngayon ni Tope. My eyes went blur. At nakita ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng bahay nila Tope. As soon as the door opens ay sumalubong sa akin ang babaeng nakita ko sa larawan na pinakita ni Trisha, ang babaeng kasama ni Tope sa kama

Sorry, Lord. Pero para 'to sa kaibigan ko. I know 36 na ako. Pero wala akong pake.

Before she could even ask kung sino ako ay kaagad na tumama ang palad ko sa mukha niya. Kaagad na napatabingi ang mukha ng linta ng sampalin ko ito. Kita ko ang gulat sa mukha niya.

"Who the fuck are you!" sigaw nito at hinawakan ang buhok ko. Rinig ko na nag-kagulo ang mga tauhan nila Tope. Gago ka ah. Kahit na ramdam ko na ang sakit ng anit ko ay nagawa ko din mahigpit na hawakan ang buhok niya. Kaagad kong hinila-hila ito. May mga umaawat sa amin. Pero hangga't hindi niya binibitawan ang buhok ko ay hindi ko din binitawan ang kaniya.

War freak na kung war freak.

"Sino ka ba!" sigaw nito habang hinihila ang buhok ko.

"Mga walang hiya kayo!" Halos mapiyok pa ako ng lumabas ang mga butil ng luha sa mata ko. Naawa ako kay Trisha at sa anak nila.

"What's happening?!" Dumagundong ang boses ni Tope. Nang dumating siya ay doon lamang kami napag-hiwalay.

"You! Kakasuhan kita! Idedemanda kitang bakla ka! Sino ka ba, ha? Ang kapal ng mukha mo!" sigaw nito sa akin.

I am her DOPPELGANGER (Trans story)Where stories live. Discover now