CHAPTER 4

99 15 2
                                    

Nakangiti ako habang nakikipag habulan si Tristan sa mga bata dito sa bahay ampunan. He really adore kids as much as I do. Napapatawa pa ako sa tuwing siya ang nagiging taya ng laro nila. What a good old guy. Hindi mo mahahalata na 37 na siya dahil maliksi pa din ito. He is full of life and joy.

"Are you in a relationship with him, Hija?" nagulat ako sa naging tanong ni Mother Tess, isa sa mga madre sa kumbento. Napangiti lang ako.

"Ngayon lang nag-dala si Tristan ng nobya niya dito. At hindi ko din in-expect na ikaw 'yun." Saad nito sa akin. Nakapunta na din ako dito, tatlong beses, kung hindi ako nagkakamali.

"Actually po, wala pa po kaming label ni Tristan." Honest na saad ko. Which is true. It has been 5 months simula ng magkakilala kami. Hindi ko alam kung kalian niya ba ulit ako tatanungin. Or kami na simula ng may nangyari sa amin? I don't know. But one thing I knew, we do things na tanging magkarelasyon lang ang nakakagawa.

"I won't go deeper, Hija. Pero alam kong nasa tamang edad na kayo at alam niyo ang mga desisyon na ginagawa niyo sa buhay." Nakangiting saad ni Mother Tess.

"Opo." Sagot ko naman at muli ng ibinalik ang atensiyon ko sa kanila. After makipag-habulan ni Tristan sa mga bata ay lumapit ito sa akin. Pinatalikod ko siya at pinunasan ang pawis sa likod niya.

"Yieeeee. Si Papa Tristan may jowa na!" tukso sa kaniya ng mga bata. Na nagpangiti sa akin.

"Mama na po ba namin siya?" Tanong naman ng isang bata.

Tumingin sa akin si Tristan.

"Hindi pa nga ako sinasagot ng Mama niyo eh." Saad nito na nagpatambol ng dibdib ko.

"Nag-tanong ka ba?" saad ko naman sa kaniya. Ngumisi ito sa akin. At inilapit ang uli niya sa tenga ko.

"Are we in a relationship na ba, Miss Rain?" Bulong nito pero nginitian ko lang siya at lumapit sa isang bata na basa din ng pawis ang likod.

"Hey, hindi mo pa ako sinasagot ah."

"Pag-iisipan ko pa." Nakangising saad ko.

"Okay, baby." Bulong na saad niya at hinawakan ang bewang ko.

"Calm down, Tristan." Saad ko. Nagmamadali kami ngayon pabalik ng metro dahil nakatanggap si Tristan ng tawag mula sa Hospital. I think there is an emergency and kailangan siya doon.

"Wait for me here, okay? Mabilis lang 'to." Saad niya at tumango naman ako. He kisses me on my forehead.

Lumipas ang ilang minute at hindi pa din siya nakakabalik. I had to take a pee kaya lumabas ako ng kotse niya. I went to the hospital building. Habang papasok ay may nakabangga akong matandang babae.

"Sorry po." Paumanhin ko habang inaayos ang mga papel na nalaglag niya.

"Napatingin ako sa babae at sakto naman din ang pag-tama ng mata niya sa akin.

"Carol? Anak ko." gulat na saad niya at tila ba maiiyak na ito. Inabot ng kamay niya ang mukha ko.

"Po? Sorry po, baka po nag-kakamali po kayo, Ma'am. Rain po ang pangalan ko." Saad ko.

Pinikit niya ang mata at iniling ang ulo niya. Binawi nito ang kamay niya sa akin.

"Pasensiya ka na, Hija. Hindi ako nakatingin sa daan."

"Sorry din po. Sige po, mauuna na po ako." Paalam ko dahil hindi ko na talaga kayang tiisin pa ang pantog ko. Baka namalikmata siguro ang matanda.

"Where are you? Rain? Nasaa ka? Pupuntahan kita diyan." Sunod-sunod na saad ni Tristan.

"Calm down, Tris. Nag-CR lang ako. Pabalik na din ako." Saad ko.

Tumingin ako sa salamin at inayos ang suot ko at lumabas na ng CR.

I am her DOPPELGANGER (Trans story)Where stories live. Discover now