CHAPTER 6

89 16 7
                                    

My day started with a not-so-great events, una ang hindi ko sinasadyang marinig na pag-uusap nila Rhea at Migz na nagpagulo ng aking damdamin at isipan. Sumunod na dito ay ang pag-aakala ni Trisha na may babae si Tope. I don't know what's happening pero hindi ako natutuwa.

Nakatingin lang ako sa magandang paligid ng Villa kung nasaan kami ng makarinig ako ng sigawan sa loob. I immediately went inside ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Tristan.

"You! Matagal na akong nag-titimpi sayo ah! You keep deciding for us! Yes, may problema ka! Pero tama ba 'tong ginagawa mo?!" sigaw ni Alvin pag-karating ko sa loob.

"You are a coward, Tristan! You are obsessed with the past na pati ang inosenteng tao dinadamay mo!" dugtong pa nito.

"Gago!" sigaw ni Tristan.

Tristan was about to blow a full punch on his friend pero kaagad naman silang naawat nila Migz.

"Tristan, what's happening?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya. I caressed his hands at alam kong nag-pipigil lang ito. Namumula ang mukha ni Tristan there are Veins on his hands.

Para akong nasa isang lugar na hindi ako pamilyar at walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Why don't you tell it to, Rain ah! Or ako ang gusto mong mag-sabi sa kaniya!" Sigaw ni Alvin.

"You are Bullshit, Alvin! Akala mo ba hindi ko alam na may pagtingin ka sa kaniya? Pero pinalampas ko iyon! Ako ang coward. Huh? Pero ako ang pinili." Sino? Sino ang tinutukoy ni Tristan?

"Kaagad ko ng hinila si Tristan patungong kwarto at nagpatianod naman siya sa akin.

"Ano bang nangyayari, Tristan?" Tanong ko. Pero nagulat ako ng bigla niyang suntukin ang dingding. Kaagad kong nakita ang pag-agos ng dugo sa kamay niya.

"Tristan!" sigaw ko at kaagad ko siyang niyakap.

"Ano bang ginagawa mo?! You hurt yourself!" sigaw ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng may mga emosyon na hindi ko maipaliwanag. Umiling siya at masuyong hinawakan ang mukha ko.

"I'm sorry, Rain. I'm sorry." Saad niya at mahigpit akong niyakap. Naramdaman ko ang mga luha niya sa balikat ko. All I want to do right now is to calm him. To be with him.

Nang kumalma na siya ay sinabihan niya akong ayusin na ang mga gamit ko. Inayos niya din ang kaniya. I think uuwi na kami ng maaga ng dahil sa nangyari. Nang maayos na namin ang mga gamit ay nagulat ako sa biglang pag-bukas ng pintuan at ang umiiyak na si Rhea ang pumasok sa loob.

"T-tristan! Gising na siya!" she cried. Kita ko ang pagkabalisa ni Tristan. He suddenly stands up at kinuha ang susi ng sasakyan niya sa Cabinet. Nang tumingin siya sa akin ay bigla niyang hindi malaman kung ano ang gagawin.

He held my hand at kinuha ang mga gamit namin. Hinayaan ko lang siya. I wanted him to explain everything to me, pero alam kong hindi ito ang oras na 'yun. Mabilis kaming nag-tungo sa sasakyan niya. And as soon as we got inside his car ay tanging kaway na lamang ang naiganti ko sa mga kaibigan niya at ganon din sila sa amin.

Hindi ko nakita si Zion at Alvin doon. Tanging sina Rhea, Cindy, Thea, Migz, Rigo at Carl lamang. They smiled at me at ganoon din ang ginawa ko.

'Sorry.' Rhea mouthed pero hindi ko alam ang dahilan.

And when the engine starts ay tuluyan na kaming umalis ni Tristan sa resort. I feel like I was alone inside a dome kahit hawak nasa tabi ko lang si Tristan. This is the feeling that I hate the most, but I wanted to understand him. Maybe there are things that he can't tell me yet. Pero bakit? I have a lot of questions inside my mind na hindi ko magawang mailabas man lang.

I am her DOPPELGANGER (Trans story)Where stories live. Discover now