25) The Guilty

8 3 0
                                    

Chapter Twenty Five:
" The Guilty "

Twenty-five missed calls.

Over thirty-seven text messages.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya sinasagot dahil ayoko siyang madamay sa nangyari at sa mangyayari. Si tita at si tito Klaus lang ang nireplayan ko. Pareho silang concerned sa'kin pero I kept asking them about Skylar.

Si tito Klaus, kahit galit, sinabi sa'kin na tapos nang imbestigahan si Skylar and is now in a process to go to court or to jail.

Either way, he's getting what he deserves. Mabubulok siya sa kulungan, doon naman siya nababagay.

'Di pa rin nahanap yung pamilya niya. Pilit na tinatago sa'kin ni tito yung nangyayari pero hinahanap nila yun. But I think I angered tito Klaus talaga, ramdam ko yung galit at pag-aalala niya sa'kin, I just wish he can forgive me for what I did.

Alam ko rin na galit sa'kin si tita, puro siya sigaw sa telepono.

"A-Ate...?"

"Lyn Lyn, okay ka ba?" Tanong ko agad sa kanya paggising niya.

We're in a VIP room here in the hospital. Ginamit ni tito Klaus ang posisyon niya sa hospital para lang itsek kung may sugat o pasa ba si Lyn Lyn. It's better to check all the boxes just to make sure.

"Okay lang po ako..."

"Sure ka ba? 'Di ba masakit yang pasa sa tuhod mo?"

"Paghinawakan po siguro... heh." Ngisi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit at hinaplos haplos tsaka ko nilipat yung upuan sa may tabi niya nang konti.

"I am... sorry, Lyn Lyn. Sorry, sorry, sorry... t-talaga."

Alam ko na 'di ko kasalanan at wala akong alam, kahit na iexplain man ni tita Delavin sa kanya ang lahat nang imbestigasyon tungkol kay Skylar, sigurado ako na hindi pa handa si Lyn Lyn tungkol do'n.

She's still young, way too young. Kahit na ilang taon lang ang pagitan na'ming dalawa, she won't be ready, I'm sure of it. That is why we are taking it slowly when telling her the truth, sinabi ko sa kanya nung nakaraan kung sino yung mga lalaki na pumulot kay Skylar.

I told her to not tell anybody, not even Lucas, nagpromise naman siya sa'kin na hinding hindi niya sasabihin dahil niligtas ko siya.

"Ba't ka nagsosorry ate?" Natatawa niyang sabi at hinaplos haplos din yung kamay ko.

"K-Kasi..."

Naiiyak nanaman ako, kainis. I hate crying but shit, this is so bad. Nadamay pa si Lyn Lyn at baka si Lucas din. Ipinagdadasal ko na sana mahanap na nila yung pamilya ni Skylar.

"Ate naman..."

Pinunasan niya ang mga luha sa may pisngi ko at pati na rin sa may mata ko. Hindi ko maintindihan kung pa'no niya pa nagagawang tumawa sa sitwasyong 'to, pagkatapos pa sa nangyari sa kanya.

"Ba't ka nakangiti ha?" Iyak ko bago niya 'ko niyakap.

"Kasi ang cute mo 'te. Okay nga lang ako, okay na 'ko, pramis."

"Pero... sinaktan ka niya."

Iyak ako nang iyak sa may balikat niya, ang basa na tuloy yung uniporme niya.

Guilty BiteWhere stories live. Discover now