12) Rule

18 13 0
                                    

Chapter Twelve:
"Rule"

"Woah! Galing!"

Malakas kong sigaw sabay tayo habang pinapanood ang play ng seksyon ni Lucas.

I think may extra points sila kapag maganda yung play, pero 'di ako masyadong interesado sa storya kasi ang papangit ng acting nila.

Si Lucas naman isa lang sa siya sa mga extra sa play, wala siyang linya, nakatayo lang.

Alam kong maraming nakatingin sa'kin kasi ang ingay ko pero 'di pwedeng sumuport sa friend ko?

Kahit walang linya magaling pa rin siya 'no!

Tsaka gwapo, sobrang gwapo at matangkad, mas gwapo pa siya sa do'n sa prinsipe na naging halimaw sa play, mga tao talagang bulag minsan 'no?

Gusto ko sanang isigaw na ang panget nung prinsipe, siya yung madaldal tapos kung makamura parang 'di siya tinuruan ng mga magulang niya tungkol sa pagmumura.

Konti na lang at talaga masasampal ko na yata siya pero pinigilan ko lang yung sarili ko kasi 'di naman siya bully. Puro naman din ako mura pero mas grabe siya kaysa sa'kin.

"Tama na, Aida." bulong sa'kin ni Estella sa tabi ko.

Pinuwersa ko si Estella na makinood kasama ko, I basically forced her to ditch her PE class, 'di naman siya tumatakbo eh, tsaka mapapasa naman din niya yan kasi matalino siya.

"Bakit ba! Support ko friend ko, ikaw talaga." turo turo kong sabi sa kanya.

Hinampas niya yung balikat ko.

"Lakas ng boses mo." bulong niya ulet sa'kin.

"Nakakahiya ka!"

Nakakahiya kasi supportive ako? Grabe naman yo'n, eh gano'n din naman si Ms. Principal sa'yong babae ka! Grabe hataw niya last year nung Math month ba yo'n, sigawan sina Ms. Principal, grabe!

'Di ko na sinabi sa kanya kasi baka magaway nanaman kami, nanampal din 'to minsan eh, i-expose ko talaga siya, ghe.

Pagkatapos nung play, naghiyawan yung mga magkakaklase kasi success daw.

Success kasi may nagawa kayo, hindi dahil maganda.

Medyo nabored din ako tsaka 'di ko na nakita si Lucas, isang scene lang siya, bwisit.

Tanginang mga estudyanteng 'to, baka next time gwapo ang kunin niyong prinsipe kaysa ganyan.

"Tapos na 'di ba?" tanong ni Estella sa tabi ko na may katext pa.

I don't have to look at the text to know na yung lalaki nanaman yo'n.

Oo na, siya na may love life, ako yo'ng wala, medyo selos ako pero I like being single, pero selos ako ngayon eh!

"Oo na, do'n ka na. Layas. Gusto mo lang makasama yung panget na yo'n."

"Hoy! 'Di siya panget! Tse! Babye na!"

Guilty BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon