15) Normal

19 11 5
                                    

Chapter Fifteen:
" Normal "

So far, that psychopath has good grades.

'Di yung tipong good grades na pasok ka na sa top 10, pero nakapasa pa rin siya, wala akong nakita na masama tungkol sa kanya o yung mga bagay bagay na pwede kong iblackmail para makaalis siya dito sa eskwelahan.

'Di ko rin natanong kay Mrs. Delavin dahil busy siya, and it turns out na she had to go to Norvina for a birthday party kasama si Mr. Delavin.

Naiwan kaming dalawa ni Estella at wala pa rin kaming nahanap, baka kailangan na'ming pumunta sa opisina mismo ni Mrs. Delavin sa school at itsek yung dokyumento niya.

Tutulungan naman ako ni Estella na hanapin yo'n kaso gusto niya raw munang magpokus sa mga quiz niya, naiyak siya kasi 'di raw niya napasa yung mga quiz niya nung nakaraan.

She was distracted for sure, dahil sa pangit niyang crush.

"Iiyak ka na ba?"

"M-Malapit na..." sabi niya sabay punas ng laway na tumulo dahil nakabukas yang bunganga niya.

She couldn't believe that she has to study this much for a quiz, isang quiz pa lang 'to ha.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong niya and flipped the pages of the textbook.

"Bored ako. Walang magawa. It's better to see you suffer." asar ko at ginulo ang buhok niya.

"Stop it, Aida! Tsk."

"E'to naman, you'll pass it! Magaling ka! Tsaka 'di ba naka-top 6 ka? Kakayanin mo yan."

"Kakayanin? 'Di ko nga kaya!"

I should stop, baka iiyak siya.

"I'm supporting you, bebe girl. Ano ba kasi? Pressured ka?" bulong ko sa kanya yung huling tanong ko.

Kung pressured talaga siya e 'di itatakbo ko siya sa minute burger o sa malapitang Jollibee, basta!

"Pramis mo bang 'di ka tatawa?" mahina niyang tanong sa'kin.

Bakit parang iiyak talaga siya base sa ekspresyon ng mukha niya?

Shet, wala pa naman akong dalang tisyu, panyo ko lang dala ko.

"Okay." tango ko.

"Pramis mo rin na 'di ka mananapak?"

"Okay?"

Baliw ba siya?

Mananapak lang ako kapag may nanakit sa kanya o kung may bully dito sa eskwelahan.

Besides medyo maganda na yung reputasyon ng school na 'to ngayon na wala na yung mga bullies na kung makalakad sa hallway sila ang hari.

"Selos ako..." nguso niya.

"S-Selos? Selos? Bakit selos?" tanong ko.

Lumapit siya sa'kin nang konti at ginilid ang buhok sa tenga niya.

"Yung... crush ko?"

"Okay...?"

"May... kausap siyang... babae kanina."

So nagseselos siya kasi may kausap yung crush niya?

Yun lang?

Yun lang ba?

Guilty BiteWhere stories live. Discover now