10) Lyn Lyn

26 20 0
                                    

Chapter Ten:
"Lyn Lyn"


I have lost my mind.

I've really lost, didn't I?

Pag kaibigan, kaibigan lang!

Great, now it's going to be awkward between me and him. I just agreed to the discount for the couple thing because it is discount!

Kahit na Diamante ako, a discount is still a discount.

Wala namang masama sa pag-iipon ng pera 'di ba?

But after that, pumunta kami sa National Bookstore tapos 'di ko siya masyadong kinausap dahil sa ginawa ko. Naisip ko kung mukha ba talang kami sa harap ng mga tao sa karenderya na yun.

Yeah, I'm really not going there, I'm never going to eat there again kahit na sobrang sarap nung pagkain nila do'n.

I don't want to ruin my friendship with him, okay?

I care about him a lot tsaka he sees me as a good friend 'no and nothing else more. Naiinis tuloy ako, pang-ilang cheese burger ko na ba 'to ha?

Tataba ako ni'to, shet.

Binalik ko yung nilalamon kong cheese burger sa paper bag kasama yung tatlo pang cheeseburger at isang large fries. Now I want to drink the smoothie from Minute Burger, I'm thirsty, great.

"Ah!' sigaw ko sa rooftop at sinampal ang sarili 'kong noo, nababaliw na talaga ako.

How am I going to talk to him normally now?

Feeling ko naman parang wala lang sa kanya kasi nagusap kami kanina but I'm trying so hard to make it look like nothing happened which is good but I cut our conversation short because Aida Belle Diamante is maarte at assumera.

Ilang beses ko na ring tinext si Estella pero walang reply, puro siya busy simula nung nakaraan pang araw, parang mas importante pa yung lalaking crush na crush niya.

Kalmutin ko yang crush niya eh tingnan na'tin kung gwapo pa rin.

Shet.

Teka lang.

'Di pa may exercise kami sa PE mamaya?

Tangina naman!

Tumakbo ako balik sa classroom at tinago yung paper bag na puno ng pagkain sa loob ng bag ko at tinali ang buhok ko, I shouldn't be eating when I have to exercise for PE at susunod na yung PE, dapat light lang pero nakailang cheese burger ako ngayon, sige.

I'm stupid.

Distracted kaya puro kain.

Nang tumayo ako ulet para pumunta sa labas sa locker, nakita ko agad si Lucas na may hawak ng mga libro at parang may kinakausap na mga kaklase sa seksyon niya, may babae na siyang kausap ha?

Ako naman mukhang tanga na nagtatago sa locker, hawak ko pa yung pinto ng locker as if matatago talaga ako.

Kung ano man yung pinaguusapan nila, mukhang seryoso.

Siguro klase?

O baka naman yung test sa susunod na linggo?

Malapit na kasi yung mga exams din, o baka naman... may iba pa silang pinaguusapan?

Tsaka iba yung gamit niyang salamin today, at ang tangkad niya o tumangkad nanaman siya?

Konti na lang at baka akalain na ng iba ngayon na baka tatay ko siya tapos ako anak niya, mukha na 'kong bata, magpatangkad kaya ako.

Guilty BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon