Chapter 18 Debut

2.8K 118 35
                                    



Tim POV


Maaga kaming gumising dahil maghahanda pa kami para sa okasyon mamayang gabi, 18th birthday ni Tia. Napag planohan na namin 'to noon pa at isasagawa nalang namin ngayon, kahapon naman ay tumawag si Dad ng mag-aayos dito sa likod ng bahay namin, pool area.




7am palang ay nandito na ang mga taong binayaran ni Dad, nag-aayos na sila ng aayosin dito sa pool area kung saan gaganapin ang debut ng kapatid namin. Kaming dalawa ni Tom ay tumutulong sa ginagawa nilang pag aayos dito habang si Triv naman ay bumili ng mga inumin para mamaya, si Tia naman ay pumunta sa HABS para ibigay ang invitation ng mga schoolmates na gusto niyang pumunta, counted na 'don si Kalvin at Alexa. Frienship sila, e.




"Sir, saan po to ilalagay?" Tanong ng nagdeliver ng mga balloons.



" Dito lang kuya, salamat. " Sabi ko at binayaran na 'yon.




" Kuya Tim, tutulong kami! " Sabi ni Kim, kaibigan ni Tia na kakadating lang kasama ang boyfriend.




"Sige, pasok kayo,"



"Si Tia po?"



"Nasa HABS nagbibigay ng invitation sa mga professor at school mates namin, maya-maya pa 'yon makakabalik pupunta pa'yon sa bahay ng her only love," pagbibiro ko at sabay kaming tumawa.



Alexa POV



'Hello teh? Ano? Di kita marinig, nasa cr ako tumatae walang signal! Text mo nalang, para kang robot beh,' sabi ko dahil wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ng baklang Tia.



Matapos magcr ay lumabas na ako para tawagan ulit si bakla, nag hugas ako ng pwet bago lumabas a'. Ilang ring pa bago niya sagutin.



'Katagal mo namang sumagot, busy ka beh busy ka? ' panimula ko.



'Tss. Send mo sa'kin address mo bilis,'


'Hala bakla papa deliveran moko foods?'



'Ulol, sino kaba? Send na bilis.'



'Oo na, saglit!'



Pinatay niya na ang tawag kaya tinext ko naman sakaniya ang address ko, anong meron? May ipapadala ba siyang pagkain? Sana oo.




Mga ilang oras pa at may narinig akong bumusina sa labas ng bahay kaya dali dali akong lumabas at bumungad sa akin ang isang itim na Van. Omygosh! Kikidnapin ba 'ko? Sandali di pa ako ready, dapat maganda ako para mainlove sa----




"Hoy bakla!"



Shuta, si Tia lang pala. Sinira naman imagination ko tsk.




"Ano nanaman teh?" Sabi ko at lumapit sa sasakyan nila, lakas maka prinsesa ng bakla hindi man lang lumabas talaga!




"Oh!" Abot niya sa isang sobre.



"Teh, cash ba'to?"



"Invitation."



Binuksan ko naman 'yon, napatingin ako sakaniya, birthday niya ba? "Mamaya 'yan 6pm. Itong suotin mo," abot niya sa isang malaking paper bag kaya kinuha ko naman 'yon.



"Teh, gusto ko gown!"



"Birthday mo beh?"



Ay oo nga pala, baka mas maganda pa ako pag nag gown ako e.



The Girl In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now