Chapter 3 Game

4.2K 218 114
                                    

Tatiana(Alliana) PoV

Nandito kami sa room at nag di-discuss ang prof. Classmate ko pala sina Kuya at 'yong mga kaibigan nila, nasa may likuran sila na hindi nalalayo sa'kin.



Kanina ko pa nararamdaman na may matigas na tumatama sa likod ko at nang lumingon naman ako ay patay malisya ang mga kumag. Alam ko naman na mga papel na basa 'yon dahil may nakakalat sa ilalim at alam kong galing 'yon sa kanila!



Is the the game they want? So childish. Parang sanay naman ang mga professor dito dahil hindi nila sinisita sina Kuya. Nang matapos ang class ay nagsilabasan na ang mga estudyante kaya niligpit ko na'rin ang mga gamit ko pero nang tatayo na sana ako ay bumabalik ako sa upuan ko, fuck.



"Hoy teh, tara na," sabi ni bakla na hinihintay ako.




Sinubukan ko ulit na tumayo pero bigo ako. Inis kong tiningnan ang limang kumag na nakatingin sa gawi ko na humagalpak na sa tawa!



"Okay kalang ba?" Tanong ni Nerdy Guy gaya inis ko rin siyang tiningnan.




"Do I look like I'm okay!? Tulungan niyo ako dito!" Inis na sigaw ko at lumapit naman silang dalawa sa'kin.




"In a count of three, hihilain ka namin."



"On a fucking three!"




"One...." Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko at naghanda naman ako sa pag hila nila.




"Two..."




"Three." Sabay na hila nila kaya natanggal ako sa upuan at rinig na rinig ko ang pagpunit ng palda ko!




May suot naman akong cycling pero shit nakakahiya parin! Nilingon ko ang upuan ko kong saan naka dikit ang kapiraso ng suot kong palda. Nilingon ko naman ang limang kumag na nakatingin sa akin at tumatawa na!



"Hubarin niyo polo niyo." Inis na sabi ko sa dalawa at agad naman napahawak sa dibdib ang bakla na nanlalaki ang mata.


"Teh alam kong maganda ako pero 'wag kang magnanasa sa----"



" Pahiram lang, ayoko naman na maglakad na punit ang palda ko. Stupid!"



Hinubad naman ni Nerd ang suot niyang polo at binigay sa akin, tinali ko naman 'yon sa may bewang ko at pinasalamat ko naman siya. Hinarap ko ang limang kumag at pinakyuhan sila at nauna nang umalis do'n.



"Gago teh, bakit mo pinakyuhan ang mga fafabols?" Habol ni bakla at umakbay sa'kin. Nasa likod naman namin si Kalvin.



"Alam niyo ba kung saan sila tumatambay?" Tanong ko nang may maisip akong plano.



Nagtinginan naman ang dalawa at tumango sa akin. " Samahan niyo 'ko." I smirked.



Calix PoV



Matapos naming pag tripan si Nerdy girl ay naglakad kami papunta sa tambayan namin.



" Hanep mga pre, pinakyuhan tayo ng isang Nerd." Natatawang sambit ni Tom.



Sa lahat ng students na nabully namin dito ay 'yong nerd lang na'yon ang kakaiba. Siya lang ata ang nerd na hindi nakikinig sa klase at parang walang pakialam sa mundo, ang tapang.




"Gago! Anong nangyari dito?" Gulat na tanong ni Felix at inilibot ang tingin sa hideout namin.




The hell? Nagkalat ang mga gamit namin at ang dumi ng mga sofa! Ang baho, tangina! Amoy tae.




The Girl In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now