Chapter 12 Confession

3.3K 142 133
                                    




Tia POV





Nandito ako sa dorm namin ngayon at naka higa sa kama ko. Muntik na akong mahuli kagabi, tss.





-FLASHBACK-





Hindi ako nakatulog ng mabuti dahil inaalala ko kung paano ako makabalik sa HABS nito! Kuya please lang umalis ka na dito sa kwarto ko, please please! Nag ce-cellphone siya at mahinang tumatawa, tangina kuya alis na.







"Ang cute niya..." rinig kong mahinang sabi niya habang nasa cellphone ang tingin, gosh this is my first time seeing him like this. Inlove ang kuya, yuck!







Hindi ko alam kong anong oras na dahil nagpapanggap lang akong tulog, ni hindi ko magawang gumalaw dahil baka isipin niyang gising pa ako, kuya please lumayas kana sa kwarto ko! Ilang oras pa ay tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko, thank god. Nagmamadali akong pumasok sa cr para makapagbihis, hoodie at sweatpants lang ang pinalit ko. Matapos ay kinuha ko ang susi at phone ko at tumalon sa bintana, nang nasa baba na ako ay umakyat ako may gate dahan dahan dahil baka marinig nila ako.






Mabuti at madilim pa kaya medyo hindi ako kita, black kasi suot ko. Nagmumukha akong magnanakaw, humanap ako ng magandang tyempo at tumalon tumakbo ako papunta motor ko at sumakay do'n. Mabilis ang takbo ko dahil inaantok na ako, doon nalang ako sa dorm matutulog. 10am pa naman start ng class bukas, sana lang hindi iistorbohin ng bakla ang tulog ko.





-END OF FLASHBACK-




Kinuha ko ang phone ko para tignan kong anong oras naba, 8:58 am na kaya tumayo na ako at pumasok sa bathroom ng kwarto ko. Naligo at nagbihis na ng uniform, nilagay ko ang disguise ko at lumabas na ng kwarto. Nanonood ng tv ang bakla at si Kalvin naman ay nagbabasa ng libro, ano pabang bago?







"Kumain na kayo?" I asked.






"Oo, sinubukan kang gisingin ni Alexa kanina pero sinipa mo siya kaya pinabayaan ka nalang namin matulog." Kalvin answered, sinipa ko si bakla? Wala naman akong naalala na ginawa ko 'yon.







"Inubos ni Alexa ang ulam kaya nagluto ako para sa'yo, nando'n sa lamesa. Kumain kana." He added.







Hindi ko siya sinagot at tinalikuran ko lang siya, palihim akong napangiti dahil sa ginawa niya. This is my first time na may magluto sa'kin, I bit my lower lips at kumuha nalang ng plato at umupo doon sa lamesa. Woah, shrimp.








Matapos kong kumain ay nilagay ko na sa sink ang pinagkainan ko, dahil wala naman ako sa bahay namin ay hinugasan ko na ang pinagkainan. 'Yong bunganga ni bakla sasabog. Masyado pang maaga kaya nanood nalang din ako ng tv, kpop ang pinapanuod ng bakla. Hindi ako fan sa gano'n kaya nag cellphone nalang ako.






"Omygash, V! Sayo lang luluhod!" Sigaw ng bakla. Ingay naman.





" Sinong V diyan? Bakit magkakapareho sila ng mukha?" Tanong din ni Kalvin. Naguguluhan din ako dahil mukha silang kambal lahat






"Ayon oh! " Kinikilig na turo niya don sa lalaki nang maipakita to sa screen. Ah, cute ng ngiti niya. Box smile.






My brows furrowed when I received a message from kuya Triv, sa Alliana na account ko.





Triv Hyun: Can we talk later after class?



Nagtype naman ako ng reply.




The Girl In All Boys SchoolHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin