Chapter 8 Avoid

3.5K 142 81
                                    


Kalvin POV


Nasa classroom kaming tatlo at pansin ko na iniiwasan ako ni Lia. Sa tuwing kakausapin ko siya ay bigla nalang siyang umaalis, sa tuwing lumalapit ako ay lumalayo siya.







May nagawa ba akong mali sakaniya para iwasan niya ako?







May kumalabit sa akin kaya tumingin naman ako sa gilid ko at si Alexa na may binigay sa akin na papel, kinuha ko naman 'yon at binasa.







"Teh, may nangyari ba sainyo ni Lia? Pansin ko lang ha, umiiwas siya."






Napansin niya rin pala. Nag sulat din ako pabalik sa papel na binigay niya, " Hindi ko alam." Sulat ko at binalik kay Alexa ang papel.









" No'ng nasa hospital kayo, may nangyari ba? Or nagalit ba siya something gano'n? Baka naman sinabi mo sakaniya na gusto mo siya at hindi niya nagustuhan, shot tayo mamaya? Promise di kita gagahasain, yuck!"







Nilukot ko nalang ang papel at nilagay 'yon sa bag ko. Napa-isip naman ako, wala naman akong sinabi sa kaniya at parang wala naman akong nagawang masama para iwasan niya ko.







Ay teka! Hindi kaya nagalit siya dahil do'n sa panunukso nila Lola sakaniya? Napalingon naman ako sa gawi niya dahil sa naisip ko, nakatingin lang siya sa bintana at malalim ang iniisip. Naka kunot ang noo at biglang umiiling, anong iniisip niya?









She looks cute that makes me like her even more.






-FLASHBACK-



"Hoy teh, kanina kapa diyan sa labas ng kwarto ni Lia wala kabang balak pumasok or katukin ang pinto? Para kang tanga!" Sabi ni Alexa dahil kanina pa ako palakad lakad sa labas ng kwarto ni Lia, hindi pa kasi siya kumakain.








Hinila naman ako ni Alexa paupo sa sofa at maldita akong tiningnan, "Umamin ka nga, may gusto kaba kay Alliana or kay Tatiana or kong ano pamang pangalan niya."







Hindi ako nakasagot sa tanong niya, pinagkrus niya ang mga braso at nagulat nalang ako nang bigla siyang tumili!







" AAAHHHHH!!! May gusto ka nga sakaniya!?" Tinakpan ko naman ang bibig niya dahil baka marinig kami ni Lia, kahiya.







"Tumahimik ka nga, mali ka naman e."






Lie.







"Weh, di nga? Bakit namumula ka? 'Wag mong sabihin na hindi kapa nagkagusto noon!?"






Okay, wag daw sabihin e.







May naalala naman ako, 'yong batang babae na nakalaro ko dati. Maldita siya, cute, maganda, kulot ang buhok at mayaman. Nagkakilala kami dahil sa ice cream, hate niya pa ako no'ng una pero patagal nang patagal nagiging magkaibigan kami. Siya ang first love ko.






Nong araw na balak ko sabihin sakaniya na gusto ko siya ay 'yon din ang araw na aalis sila papuntang States kasama ang tatlo niyang kuya, sabi niya babalik daw siya.








"Hoy, naka nganga ka teh." Naputol ako sa pag-iisip nang biglang nagsalita si Alexa.






"Ano? Sabihin mo hindi kapa ba nagkagusto dati?" Pangungulit nito.






"M-may nagugustuhan akong batang babae noon, siya ang first love ko." Mahina kong sabi at napatingin sa kwarto ni Lia.







Si Tatiana Hyun ang naging firstlove ko. Siya ang batang babae na nagustuhan ko.




-END OF FLASHBACK-




Nasa cafeteria kaming tatlo at himala dahil hindi namin kasama ang lima. Ayos narin sakin 'yon dahil hindi din ako komportable sa tuwing nakakasama ko ang lima, hindi naman sa ayaw ko sakanila pero dahil kinakabahan ako sa presensya nila. Naaalala ko kasi ang mga ginawa nila sa akin dati.






Si Alexa ang bumibili ng pagkain namin at kami ni Lia ang naiwan dito sa table para bantayan. Nasa harap ko siya at nag ce-cellphone, napakatahimik walang nagsasalita. Sanay naman ako sa pagiging tahimik pero kasi naiilang ako, hindi ako sanay na hindi niya 'ko kinakausap.






"L-lia, may itatanong sana a-ako." Putol ko sa katahimikan na bumabalot saming dalawa, tiningnan niya naman ako at hinihintay ang susunod na sasabihin.






"G-Galit kaba or may nagawa ba akong mali? Pakiramdam ko kasi umiiwas ka." Nahihiya kong tanong. Gusto kong malaman kong anong nagawa kong mali para maitama ko, hindi ko gusto na hindi niya ako kinakausap.






Alliana POV




"G-Galit kaba or may nagawa ba akong mali? Pakiramdam ko kasi umiiwas ka."








Hindi ko din alam kong bakit nagiging ganito ako! Hearing your voice makes my heart race, the hell is my problem!?






Bakit ko nga ba siya iniiwasan?






Anong dahilan ko!?






Napakagat ako sa pang ibabang labi bago sumagot, "I don't know?"







Tanga! Anong sagot 'yon!?








" Huh?"







"Pagkain!"






Napahinga ako ng maluwag nang dumating si Alexa. He saved my day! Ay she? Or he? He nalang siguro, may lawit din naman siya.








Nang mailapag na ni bakla ang pagkain ay nagsimula narin kami sa pagkain. Wala sina Kuya, isang himala 'yon. Wala naman akong pake sakanila, bahala sila.









Matapos kumain ay bumalik na kami sa classroom para sa last subject. Hindi parin nagbago 'yong sa tuwing naglalakad kami ay may naririnig kaming bulongan kesyo ganyan ganito daw. Tss, ba't napaka chismoso na ngayon ng mga lalaki!?







Sa buong klase ay hindi ako nakikinig, natutulog lang ako. Sanay na ata ang mga professor sa ugali ko na natutulog lang palagi sa klase kaya hindi na nila ako ginigising at hinahayaan nalang, basta mataas daw ang scores ko sa mga exams. As if I care.








Tomorrow is Saturday again kaya free kaming lumabas ng campus, ano nanaman bang gagawin ko? Nababagot nako sa mga mukha ng mga kuya ko. Mag request kaya ako kay Dad ng kapatid na babae, para hindi ako ang bunso.





Bakit ba bawal magka anak ang lalaki!? Tsk, ayoko ko namang maghanap ng ibang babae ang baliw na Daddy namin pero gusto ko talaga ng babaeng kapatid. Ang hirap naman no'n, gusto ko ng kapatid pero ayaw kong magka anak si Dad sa ibang babae.








Para kay Mom lang kasi semilya niya pero si Mom maagang na dedz, hindi tuloy ako nagkaroon ng babaeng kapatid.







Poor me.





__________________________________________________________________________________________________________________.

The Girl In All Boys SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora