Chapter 4. Mystery

483 27 0
                                    




Like a willow tree that holds the secret of the happy prince, you can look at it in silence. It is beautiful, massive, and indestructible.

"Happy Prince? Bakit nga ba happy prince ang tawag sa 'yo? E, hindi ka naman masaya sa paningin ko?"

"Masagana ang pumumuno ko noon at masaya ang lahat ng tao. At dahil sa pagmamahal nila ay naitayo ang estatwa ko."

"G-ganoon ba? Masaya ka ba? Masaya ka ba'ng nakikita ang lahat sa paligid mo?"

Sandaling natahimik si Happy Prince at seryoso ang titig niya kay Swallow.

"Noon, akala ko masaya ang lahat pero nagkamali ako. At ngayon, na nandito ako sa tuktok na ito, ay nakikita ko ang lahat ng paghihirap ng tao. . . sakim ang nasa matatas na pwesto, at mas lalong naghihirap ang mga nasa baba. Nasasaktan ako, at nadudurog ang puso ko sa bawat pasakit nila. At kahit pilitin ko man na hindi ngumiti ay sadyang nakangiti ang mukhang ito sa kabila ng sakit sa ilalim ng puso ko."

Sandaling natahimik ang dalawa at nagsimulang umihip ang malamig na hangin. Napapikit si Swallow at mas dumikit sa paanang bahagi ni Happy Prince.

Dapat sana ay maglalayag na si Swallow kasama ang mga kauri niya. Pero dahil na-kurious siya sa masayang ngiti ng prinsipe ay lumapit siya nito, at napag-alaman niya ang kwento ng buhay niya.

.

Napabuntonghininga ako nang matapos kung basahin ang librong ito. It's a short story, but I always love it. Ito madalas ang bed time story ko noon kay Mama.

I couldn't keep my eyes shut and my mind is thinking a lot of things right now. Marami akong gustong matutunan, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Alessandro is cold, and we have this awkward disposition whenever we are in the same room.

Earlier, the dinner was okay, but we were quiet until we finished our meal. He didn't ask anything, nor did I not speak a thing. But now? It seems like there's something in between.

Napabangon at napatingin sa oras sa gilid. Maaga pa naman at ayaw pa ako dalawin ng antok. Kaya mas mabuting ayusin ko na lang muna ang panibagon trabaho ko.

I went inside the library room and saw the plastic box container. I open it, and started sorting everything. Hindi ko na napansin ang oras at nasa panghuling papel na ako. Bahagyang sumakit ang likod ko at inunat ko ang mga kamay sa ere. Hanggang sa mapansin ko ang lumang papel na nakaipit sa libro, na sa tingin ko ay luma rin.

My smile widens when I read the first part of the sentence. It's the first draft of Alessandro's first book entitled: The Happy Prince.

Naalala ko tuloy ang kwento ni happy prince at ni Swallow. Parang ganito rin kasi ang kwentong ito, pero kakaiba nga lang.

Namangha ako sa sulat kamay ni Alessandro. Talagang isinulat niya ang unang nobela niya gamit lamang ang ballpen at papel. Pero nangunot ang noo ko nang mapansin na hindi dapat ito nandito dahil yari sa kakaibang papel ito. . . parang galing sa isang lumang diary niya.

.

Blood drips on his hands for the first time when he kills someone. He thought he could feel remorse, but it was the opposite. . . It feels good, a fulfilling feeling, and it's happiness.

He was wicked for the first time, and there was no regret. The smile on his face when he saw his first victim was like he had won the ultimate prize he could ever have.

Habang nakangiti ay kinuha niya ang patalim at hiniwa ang bibig ng biktima. Wala na itong buhay, pero presko pa ang dugong umaagos mula sa gilid ng labi niya.

Like a person smiling while sleeping at rest, the happy prince wants his prey to smile before burying them inside the sleepy willow.

A willow tree that is standing firm, swaying to the directions of the wind, looking magical but very mysterious. . . It is weeping with its branches facing down the ground, kneeling and praying for its victim. . .

.

Mabilis ang tibok ng puso ko at nangunot ang noo ko nang mabasa ang katiting na sulat kamay na ito.

This is not even on the book. Wala ito sa totoong libro na nabasa ko. May inalis ba si Alessandro sa libro niya? O may binago siya?

Napailing ako sa sarili at nakatitig ang mga mata ko sa kaperasong papel. Parang may mali yata.

"Sylvi?" Tikhim niya at namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Alessandro mula sa likod. Mabilis kong pinasok sa bulsa ang kaperasong papel at ngumiting tumitig sa kung nasaan siya.

He's standing behind me so close. His eyes were on the papers I sorted, which I hadn't finished yet.

"Hi! Uhm, h-hindi kasi ako makatulog kaya inaayos ko na lang ang mga ito." Titig ko sa kanya pero nasa mga papel nakatitig ang mga mata niya at hindi sa akin. Humakbang siya palapit at ngayon ay nasa tabi ko.

Napalunok ako at pilit na pinapanatag ang mabilis na tibok ng puso ko. Inalis ko ang kamay sa bulsa at pormal akong tumayo sa tabi niya.

He seems serious when he looks at the drafts of stories and whatsoever he did way back when he was probably learning to write his novels.

Bahagya siyang napaupo ang ininspeksyon ang mga ito. Tumayo rin siya pabalik at namaywang na sa sarili.

"Did Estefan give this to you?"

"Oo, t-tapos na ako sa pinapagawa mo, kaya heto na ang bago. . . after this, I will go over to your desktop and will check it from there," I swallowed hard.

He nodded and seemed okay after a quick check of the papers.

"Leave it for tonight, Sylvi. You can go now, and I will personally check this first before handing them back to you," he stated.

We stared, and I blinked my eyes a few times.

Akala ko ba okay na ito? Eh, binigay na sa akin ito ni tiyo?

"O-okay. . . S-sige." Pekeng ngiti ko, at napaatras na ako. Hindi ko tuloy alam kung aalis na ba ako? O sasamahan ko muna siya ng iilang minuto dito sa loob.

"I-I didn't read them yet. Inayos ko lang ang mga numero nila, pero wala akong binasa." Kurap ng mga mata ko at nagsimula na ang kaba ko sa dibdib.

"P-pero napansin ko na medyo luma na ang iba ano?" Pagpatuloy ko.

The way his eyes looked at me was so cold, like ice. I swallow hard again, and my breathing seems constricted. I shut my eyes and opened them up again. We stared for more than seconds, and I smiled.

"I'm hoping to learn a lot from you, Sir Alessandro. I'm one of your avid readers."

I look away and took a step towards the door. Mahina ang hakbang ko patungo sa pinto at kinakabahan pa din ako.

"Sylvi?" Baritonong boses niya, at nahinto ako sa sarili. Parang may kampana sa tainga ko ngayon. Humugot ulit ako nang malalim na hininga bago humarap sa kanya.

"Y-yes, Sir?"

"Drop the formality. Just Alessandro."

"O-okay." Bahagya ulit akong napangiti at lutang ang katawan at utak ko. Tumango siya at maamo na ngayon ang mukha.

"M-matutulog na ako, Sir, ay este, Alessandro." Sabay lunok ko. Nagkamali na naman ako.

"Okay. . . Goodnight, Sylvi," tipid na ngiti niya.

"G-goodnight too, Alessandro."

Mabilis ang pagtalikod ko at hakbang palabas ng kwarto. Halos tinakbo ko na ang kwartong bahagi at mabilis na ni-lock ang pinto nang makapasok ako sa loob.

Mabilis ang tibok ng puso ko na parang nagkakagulo ang lahat sa loob ko. Sa kama agad ako nagtungo at pumailalim sa makapal na kumot na nandito. Pinikit kong muli ang mga mata at ang katiting na sulat kamay niya ang pilit na gumuguhit sa isipan ko.

.

C.M. LOUDEN

The Happy Prince ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon