Chapter 32

804 26 1
                                    

"Hello Ate Betty!" Pumasok si Ate Betty dala ang gunting nag linis siguro ng garden.

"Ma'am! Buti nakabalik na po kayo siguradong sobrang saya na naman ni sir n'yan!" Nakangiting bati sakin ni Ate Betty "Ang ganda n'yo lalo ngayon ma'am ah."

"Hay nako Ate Betty 'wag n'yo nga akong binobola d'yan hindi na ako katulad ng dati 'no! May anak na ako kaya iba na din katawan ko."

"Nako hindi naman halata na may anak ka ma'am e, asan nga pala anak n'yo ma'am gusto ko makita ang tagal n'yo ding nawala e." Oo nga pala si Ate Betty nga pala ang unang nakapansin na buntis ako.

"Nasa taas ate kasama ni Knight."

"Sigurado akong tuwang tuwa si Sir alam n'yo ba ma'am laging lasing umuuwi si sir dati nung nawala kayo. Ni hindi ngumingiti at laging galit nakakaloka."

"Ganun ba ate, pwede mo ba akong tulungan magluto? Para mas mabilis na din e."

"Oo naman sandale maghuhugas lang ako ng kamay."

Kumuha na ng mga ingredients si ate betty para sa adobo at nagsimula na kami.

Matapos namin magluto ay bumaba na din sina Knight.

"Mommy!" Tumakbo ito palapit sa akin.

"Hello baby napagod ka ba?"

"No po mommy. Naglaro po kami ng toys ni daddy look po oh" ipinakita n'ya sa akin ang mga kotseng laruan

"Akala ko ba ayaw mo na sa mga toys anak?" Totoo iyon ayaw n'ya na nga akong kalaro e.

"E mommy iba po kase ngayon kasama ko na po si daddy e..."

"Ganun ba sige ibibili kita ulit ng mga toys."

"Wag na po mommy sabi po ni daddy s'ya na daw po ang bibili para sa akin!" Masayang ani ng anak ko.

"O s'ya kain na tayo nagluto kami ni Ate Betty ng ulam."

"Sino po si Ate Betty?"

"Hello baby!" Sumulpot si Ate Betty sa tabi ko at kumaway kay Knight." Grabe ma'am ang gwapo kamuka ni sir ah carbon copy" tumawa naman si Knight kaya inirapan ko s'ya.

"Ako pa ba, Ate Betty?" Mayabang na sagot ni Knight.

"Opo Ate Betty kamuka ko po daddy ko! Mirror ko po s'ya e." Napapansin kong palangiti na din ang anak ko ngayon. Siguro nga ay nangulila s'ya sa ama n'ya hindi ko naman s'ya masisisi.

Iniupo ko na si Kaizer at balak na subuan s'ya pero ayaw n'yang ngumanga sa akin.

"Let me." Kinuha ni Knight ang kutsara at s'yang isinubo sa anak. Ngumanga ito at ngumiti pa. Anong nangyare?

"Kumain ka na ako na bahala dito." Nakakunot ang noo ko sa dalawang 'yon? Nakilala lang ang ama itinakwil na ako ng anak ko?

Nakakaloka!

•••

I'M TIED TO A MULTI BILLIONAIRE (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora