Chapter 30

810 26 0
                                    

"Mag usap tayo mamaya." Seryosong sabi sakin ni Knight. Ako naman ay napalunok hindi ko alam ang sasabihin ko ngunit bahala na.

"Kayo po ang daddy ko?" Tanong ni Kaizer kay Knight

"Yea, I'm your d-dad." Garagal na sagot ni Knight sa anak

"Pero salamin ko po kayo pano po kayo magiging daddy ko?"

"Huh?" Takang tanong ni Knight. Umupo ito sa tabi ng anak.

"Magkamuka po kase tayo e..."

"Because I'm your dad"

"Dito na lang po ba kayo sa tabi ko? Hindi na po ba kayo aalis?"

Tumingin sa akin si Knight at ako naman ay nag iwas ng tingin. "Of course, hindi na ako aalis."

"Buti naman po, para d'na po mahirapan mommy ko big boy na din po ako kaya behave na ako."

"BAKIT?" hindi agad ako nakasagot sa tanong n'ya.

"Bakit mo tinago sa akin? Ng dahil... ba dun??"

"O-oo"

"A-ang sakit sakit..." Nasa rooftop kami ngayon ng hospital dahil tulog na din si Kaizer kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na mag usap. Bantay dun ang parents ko. "Akala ko may iba na... akala ko nag sawa kana, pero hinintay pa din kita dahil alam ko ako pa din ang legal mong asawa. Pero... sana man lang sinabe mo sa akin kase ang sakit sakit..." Humihikbi nitong sabi. Ngayon ko lng s'ya nakitang umiyak.

"Kasalanan ko ba? Nasaktan lang ako hindi ko ginusto..." Unti unti nang pumatak ang luha ko

"Pero hindi ako 'yon... Hindi ako 'yon iba 'yon... Iniwan mo na lang ako basta... Halos mabaliw ako kakahanap sa'yo, halos magpakamatay ako ng mawala ka sa tabi ko. Sobrang sakit lalo na nang malaman kong tinakasan mo ako kasama ang anak natin..."

Nanatili akong tahimik at hinayaan s'yang maglabas ng sama nang loob sa akin.

"Hindi ko alam... hindi ko alam na buntis ka pasensya na..."

"Yon nga e, hindi mo alam. Kaya wala kang kasalanan, siguro kung hindi ako pumunta no'n ay masaya tayo. "

"Siguro... Hindi ko kinakaya ang sakit, siguro... Siguro kung hindi pa s'ya na hospital ay hindi ko pa malalaman. Ganon ba kahirap na aminin sa akin? May karapatan din naman ako, tatay din ako.." para akong dinudurog sa sinasabe nito. He's hurt.

"Masisisi mo ba ako? Kung ayaw kong mawala sa akin ang anak ko?" Naiiyak kong sambit

"Anak natin... Walang mawawala sa'yo pero sa'kin may nawala... Tatlong taon ang nawala sa akin... Ngunit masaya ako na maayos kayo, hindi ko alam kung pa'no o ano..." Pagtapos nun ay umalis s'ya.

Naiwan akong umiiyak kung kinausap ko sana s'ya ay ayos pa kami ngunit hindi iniwan ko s'ya.

Nararapat lamang siguro ito sa akin. Hindi ko s'ya masisisi... Dahil wala nmn s'yang kasalanan..

Maybe this is my karma.

•••

I'M TIED TO A MULTI BILLIONAIRE (COMPLETED)Where stories live. Discover now