Chapter 19

763 24 0
                                    

Uma-umaga nalang akong nagsusuka habang patuloy padin ang pagiging cold ni Knight. Pero pa'no kung may laman na nga ito? 

Naisipan kong mag pa check-up na naligo ako at nag ayos. Nagsuot lang ako ng white dress at white shoes, mananakit lang ang paa ko kapag nag heels pa'ko.

Tinawagan ko si Marga para ipaalam sa kanya na pupunta ako sa OB ngayon at ang bakla tumawag agad.

"Bestie are u pregnant na ba???" 

"Ewan.. kaya nga ako pupunta sa OB ngayon dahil may mga symptoms" sagot ko dito

"O s'ya 'wag mong ibababa ang tawag hayaan mong ako ang sumama sa'yo kahit sa video call lang para naman may masandalan ka pa din kahit walang laman yan. Kundangan ba naman kase 'yang asawa mo!" Irita nyang sabi sa dulo

"Oo na po, aalis na ako sandali lang kukunin ko lang ang bag ko."

NASA call pa din kami ni Marga at ngayon ay nandito na ako sa clinic ni Doctora Sanchez. Kinakabahan akong pumasok at sinalubong naman ako ni Dra. Sanchez. She's a girl by the way.

"Go bestie kaya mo yan!" Nginitian ko si Marga habang nakaabang naman s'ya sa mangyayari.

Baka nga may work pa s'ya kase kanina pa s'ya nag titipa sa laptop n'ya.

"Good morning Mrs. Montemayor." Nakangiting bati sa akin ni Doctora Sanchez.

"Good morning din Doctora..."

"Halika na sa room para matingnan natin kung may laman na nga 'yan. Hindi mo ba kasama ang iyong asawa?"

"Hindi e, busy kase..." Sa totoo lang wala akong planong ipaalam kay Knight na nagpunta ako dito ayokong pati s'ya ay umasa.

"Ganun ba, sige"

NANDITO kami sa office ni Doctora Sanchez habang ineenterview keme naman n'ya ako.

"Nakapag take kana ba ng pregnancy test misis?" Umiling ako dito bilang sagot.

May kinuha ito sa drawer n'ya at iniabot sa akin.

"Heto, pumasok ka sa cr na 'yun aantayin ko ang resulta. Nandyan na din ang instruction sige na.." malumanay netong sabi sa akin

"Salamat doc." Pumasok ako sa banyo at pinatakan ang pregnancy test na hawak.

"Ano result bes? 2 lines ba?" Kinakabahang tanong ni Marga

"I don't know... Nakapikit kaya ako kinakabahan ako"

"Ay shunga! Pa'no mo malalaman kung nakapikit ka, sige na mulat kana" suyo sa akin ni Marga

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang hawak kong pregnancy test halos maiyak na ako sa resulta nito. Itinapat ko sa camera ang pt at nilapit naman ni Marga ang muka nya sa screen, nanlaki ang mata n'ya at nagsisigaw.

"Omgggg!!! Magiging ninang na akooo" umiiyak syang humarap sa akin at lumabas naman ako.

Pinakita ko kay Doctora ang result at nakangiti naman s'yang bumaling sa akin.

"Congrats misis! Iuundergo ko lamang ang iyong dugo para malaman talaga natin kung buntis ka. D'yan ka muna konting minuto lang ito" pagkapaalam sakin ni doctora Sanchez ay naupo naman ako. Sana lang ay magtugma ito.

"Bes ipapaalam mo ba agad kay Knight ito?" Tanong ni Marga

Umiling ako sa kanya at sumagot.

"Kung mag po-positive man ito hindi ko muna sasabihin sa kanya. Alam kong nai-stress na s'ya sa trabaho n'ya kaya sosorpresahin ko nalang s'ya, baka gumaan ang pakiramdan n'ya pag nagkataon." Paliwanag ko kay Marga

"Kung gayon ilang minuto nalamang ang aantayin natin. Don't worry. I'll keep my mouth shut!" Inaksyonan nya pang sinarado ang bibig habang pinagpapawisan naman akong nag aantay dito.

Napatayo ako ng pumasok si Doctora Sanchez sa kwarto dala dala ang resulta. Malawak ang ngiti nito sa akin at yinakap ako.

"Congrats Miracle! You're gonna be a mother misis" nanginginig kong hinawakan ang papel at pinakita kay Marga ang resulta. Nanubig ang mata namin at nagpaalam na ako kay doctora. Binilin nya ang mga gamot para sa akin na kaagad ko ding binili tapos ay umuwi na ako.

BY the next day wala na naman sa tabi ko si Knight at ngayon ko s'ya planong surpresahin. Nag almusal muna ako para may gana kami mamaya ni baby. Anak gusto mo 'yon? Surprise natin si daddy mo excited na si mommy for sure matutuwa ang daddy mo pag nalaman n'ya na may baby na kami. Hinimas ko ang tyan ko kahit wala pa itong umbok. 3 weeks na akong buntis.

Tinawagan ko si Marga ngunit nakapatay ang phone neto baka tulog pa. Hindi ko na ito ginambala pa at naligo na.

Nagsuot lang ako ng floral dress at flat sandals tapos ay kinuha ko na ang sling bag ko. Nagtaxi nalang ako papunta sa Montemayor Company.

Nginitian ko ang guard at pinagbuksan n'ya naman ako ng pinto. Nagpasalamat ako dito at nagulat naman ang receptionist ng makita n'ya ako.

"Ma'am anong sadya nyo?" Natataranta netong tanong.

"Ah bibisitahin ko lang ang asawa ko" buti naman at hindi na s'ya masungit katulad nung una. Pero bakit mukang natatae s'ya? Ay bahala na

"Gusto n'yo po bang ipaalam ko kay sir?"

"Ah hindi hindi! Gusto ko s'yang isurprise kaya wag kang maingay ha?"  Tumango tango naman ito at sumakay na ako sa elevator. Medyo walang tao dito kase lunch na din mabuti nalang.

Hindi na ako nag abalang kumatok pa nakangiti akong pumasok ngunit napawi lahat ng ito sa aking nakita..

Knight... Si Knight may kahalikang babae.. at ang masakit pa ay nakakalong sa kanya ang babae at inaalalayan n'ya ito.

"I love you and I miss you" ani ng babae ngunit ginantihan ito ni Knight ng halik

Parang dinurog ang puso ko sa aking nakita. Tumakbo ako palabas at ng magbukas ang elevator ay sinalubong ako ng receptionist

"Ma'am!!" Umiiyak akong tumakbo ang dinaanan lang ito. Blangko ang isip ko. Niloko n'ya ako!!!

Lumabas ako nang building at isang pulang sasakyan ang tumigil sa harapan ko.  Bumaba ang bintana neto at nagulat ako sa taong nasa loob neto .

"Marga?"

"Sakay!" Agad akong sumakay at humarurot naman s'ya palayo

Ang sakit! Ang sakit sakit. Kaya ba sya ilang araw ng cold sa akin kase may bago na s'ya? Sana sinabe n'ya! Para hindi na ako umasa pa. Hinawakan ko ang tyan ko anak pakatatag ka ha? Wag mong iiwan si mommy ikaw na lang ang lakas ko, niloko tayo ng daddy mo... Umiiyak kong sabi sa isip ko

Tumigil kami sa airport at nagtaka naman akong tumingin kay Marga.

"Halika na baka mahuli pa tayo sa flight natin." Hinila nya ako sa kamay sa paraang hindi ako masasaktan.

"Teka- yung mga gamit ko?"

"Hindi na mahalaga yon ang mahalaga ay maka alis na tayo bago pa nila tayo ma tract. Let's do this for your baby, Mira ako ang bahala sayo so trust me okay?" Tumango ako sa kanya at humigpit ang hawak ko sa kamay nya.

Tinakbo namin ang paloob. Anak kaya natin 'to! Andito si tita mo sinave tayo.

Sa huling sandali ay dumulyap ako sa likod. Babalik akong hindi luhaan at pagsisisihan mo ang ginawa mo sa'kin.

•••

I'M TIED TO A MULTI BILLIONAIRE (COMPLETED)Where stories live. Discover now