Chapter 15

932 25 0
                                    


(* Hello hehe pagtiisan nyo po muna yung cover kase feel ko tatamadin na naman ako mag update pag nagawan ko ng cover tong story na 'to. Kaya balak ko sana tsaka na lang pagtapos hahaha. Hope you understand! )

Chapter 15

"Hi hehe" nakangiting bati sa akin ni Corinne pagtapak ko ng bahay namin. May lalaki sa likod n'ya na nakangisi, asawa n'ya siguro?

"Pasensya na sa abala Knight. Maselan ang pagbubuntis ni Corinne e, masyadong naaapektuhan ang emosyon n'ya. Madaling mairita." Ani nung lalaki

"No worries, Justin. Just make sure na hindi kung saan saan mapapadpad ang asawa mo baka mamaya makaligtaan mo na lang na wala ka ng mag ina."

"F*ck you!"

"Justin your mouth!" Saway ni Corine sa lalaki. "Sorry ulit Miracle kung natarayan kita kahapon at naagaw ko pa oras ng asawa mo. Mainit lang talaga ang ulo ko kahapon dahil dito sa bwiset kong asawa hindi ako binilhan ng kambal na strawberry!" Sinamaan n'ya ng tingin ang asawa nya.

"No, it's okay. Pasensya na din... I thought..." Yumuko ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Ano ka ba okay lang! Pwede ba'ko dito? " Tanong n'ya at sunod sunod naman akong tumango.

"Oo naman! Walang problema." Mabilis kong sagot.

"Great! Una na kami hihi. Actually wala namang laman yung maleta ko dahil alam kong tatawagin ni Knight ang asawa ko. At ikaw!" Turo ni Corine sa asawa. "Hindi mo manlang talaga ako hinanap!"

"I already called Knight to fetch you kaya. I know na you're safe here. Atsaka baka pag nag pumilit pa ako kung ano pang mangyari sayo. I'm sorry okay? Can you forgive me now?" Nag aalangang tanong ni Justin.

"Sure! Just give me a kiss!" Mabilis namang hinalikan ni Justin si Corine at tumawa.

"Get out of my house f*ckr! " Bitter ba tong asawa ko?

Umalis na sila at naiwan naman kami dito. Bigla kong naalala si Loki oo nga pala! Muntik ko na s'yang makalimutan. Dinial ko agad ang number n'ya at agad nya naman itong sinagot.

"Akala ko kinalimutan mo na ako Mira" tumawa sya sa kabilang linya.

"Pasensya kana kase, ano kamusta naman dyan?" Tanong ko.

"Ayos naman kaso walang pagkain!"

"Edi bumili ka problema ba 'yun!" Singhal ko sa kanya. At ibinaba ko na ang tawag.

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng pagharap ko ay muka ni Knight ang bumungad sa akin. Hindi ko alam na sumunod pala s'ya sa akin. Para syang model na nakasandal sa pinto. Instant chismoso.

"Sino yon?" Malamig na tanong neto.

"A-ahh si Loki..." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Do you really know him?" What does he mean?

"Maybe? Kaibigan namin s'ya ni Marga nung highschool kami, bakit may problema ba, Knight?" Taka kong tanong sa kanya. Hindi nagbago ang tingin nya.

Ano bang nangyayare sa kanya? Bakit nagkakaganto sya?

"Stay away from him, Miracle." Malamig netong sabi at tumalikod na.

Bakit naman? Selos ba sya? Kanina bitter ngayon naman selos? Ano bang meron sa kanya?

Tinawagan ko si Marga at kinuwento sa kanya ang nangyari. Tinatawanan n'ya ako ng ikwento ko sa kanya yung kay Corinne pero nawala din ang ngiti n'ya ng mabanggit ko ang pangalan ni Loki. Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?

I'M TIED TO A MULTI BILLIONAIRE (COMPLETED)Where stories live. Discover now