Chapter 6

1.2K 31 0
                                    


Sabay kaming bumaba ni Knight kinaumagahan para mag breakfast. Naka uniform na ako at s'ya naman ay naka gray shirt at beige short lang. Hindi daw muna sya papasok ngayon kase mag iinspect s'ya sa University.

Kahit ano naman ang suotin n'ya bagay sa kan'ya e. Kumain lang kami at pagkatapos ay sabay na umalis. Sya na din ang naghatid sa akin kase dun din naman daw ang diretsyo nya.

"Knight, let's take picture." Sabi ko sa kanya.

Inilagay ko naman sa selfie ang cellphone ko ate iniharap sa amin. Nakangiti ako ganun din si Knight grabe ang pogi talaga. Walang halong biro.

"Can I see it wife?" Pinakita ko sa kanya at sinend ko naman sa messenger n'ya. Ginawa nya itong wallpaper bago umalis. Wews.

Ganun din naman ang ginawa ko. Nang makarating kami ay pinark na nya ang kotse nya at nakita kong natigilan naman ang iba. Lumabas s'ya at pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Thank you, Hubby" ngumisi ako sa kanya dahil namula s'ya bigla. Ang isang Knight Montemayor namula?

Natawa ako at inasar s'ya lalo. "You're blushing, Hubby."

"I like it. Ahhh gusto na lang kitang iuwi at buntisin e" ako naman ang namula ngayon at s'ya ang tumawa. Hinampas ko naman s'ya at hinuli n'ya ang kamay ko at pinagsaklob ito. Nakangiti lang ako habang nag lalakad kami. Imagine pinapangarap ng iba ang asawa ko.

Para namang pinagsakluban ang muka ng mga babaeng nadadaanan namin. Knowing Knight sikat. Hmm mainggit kayo!

"Grabe bagay talaga sila!"

"Ang lakas ng charisma dzai"

"Siguradong ang ganda at pogi ng mga magiging anak nila."

Ngumisi si Knight ng marinig yon.

"You heard it right wife. Dapat pinapatunayan natin na maganda ang combination natin."

"Tumigil ka nga Knight nasa school tayo e."

"Bestieeee, OMGGGG I'M SO KILIG!!" Tumatakbong punta samin ni Marga

"Ikaw ha hindi mo manlang sinabe na ihahatid ka ng asawa mo edi sana mas nag handa ako ng malakas na sigaw."

"Baliw ka talaga."

Nakarating na kami sa room namin at hinatid ako sa loob ni Knight.

"I'm going now Wife. Mag papatawag pa ako ng meeting. Sabay na tayong mag lunch mamaya, okay?"

"Okay hubby." Ngumiti s'ya at binigyan ako ng smack na kiss nagtilian naman ang mga nasa loob unang una na si Marga.

Lumapit sa akin yung ibang babae.

"Grabe ka dzai dapat buntis kana ngayonn sa gwapo ng asawa mo!"

"Kami bahala sayo Miracle kung buntis ka man hindi ka namin hahayaan masaktan."

"Guyss hellooo. Hindi pa sya buntis kase bubuntisin palang s'ya ni Knight. Can't wait to see may inaanak, KYAHHHH!"

"Tumigil ka nga Marga nakakahiya ka!" Saway ko dito

"Anong nakakahiya e pogi pogi ng asawa mo! Tse kay Knight nalang ako hihingi ng inaanak ang kj mo kase! For sure sa sunod na buwan may laman na 'yan!" Gagi 'wag. Nagtawanan naman ang mga nasa room ng sabihin iyon ni Marga habang ako ay napasapo nalang ng noo.

Juicecolored ano ba itong kaibigan ko napaka dumi ng bibig. Inanounce naman na wala ang prof namin ngayon buong umaga dahil nga sa meeting na pinatawag ni Knight.

Ang alam ko ay mag dodoble ng sekyuridad si Knight kase nga nung nangyare sakin.

"Huyy bestie na eexcite nako this weekend maitutuloy na natin yung training natin." Ani ni Marga

"Ako din akala ko dina natin 'yun magagawa."

"Hmmm sino kaya mag tuturo satin? For sure sayo asawa mo as if naman kumuha ng lalaking tutor si Knight baka makapatay 'yun pag hinawakan ka hihi." Kinikilig na sabi ni Marga

"Ang alam ko sina Sanford ang magtuturo sa'tin. Yung mga kaibigan ni Knight syempre kasama sya. "

"Talaga ba? Pogi ba silang lahat? Si fafa Sanford lang kilala ko e."

"Oo lahat sila pogi pero syempre mas pogi pa din ang asawa ko."

"Edi ikaw na may poging asawa hintayin mo lang mapapangasawa ko!" Ani ni Marga at tinawanan ko naman sya

"Asawa reveal." Asar ko dito

"Tse!"

                          ***

WEEKEND

Today is the day. Ngayon na kami ite-train nina Knight and friends. Hindi ako makapaniwala ha akala ko magiging matiwasay na ang buhay ko yun pala magiging kakambal ko pa si kamatayan ng dahil sa asawa ko.

But, that's ok as long as I have my husband I'm sure magiging safe ako, kami. I called Marga baka mamaya tulog pa 'tong isang 'to mahirap na gaganutan ko 'to.

"Hello there my beautiful bestie why are you calling me, huh?!" Nagulat ako dahil bigla na lang syang sumilip sa pinto. Juicecolored!

"Ba't ka ba nanggugulat?!" Asik ko sa kanya.

"Eh bakit ka ba tumatawag? Atsaka why so tagal naman? Pale palee!! Napakabagal gosh!!" Nag flip hair pa ito bago bumaba.

Nandito na pala ang bruha.

Sumunod naman ako sa kanya at kompleto halos lahat ang kaibigan ni Knight dito sa baba.

"You ready girls?" Tanong ni Yxel

"Yass opkors papa Yxel we are ready haye!!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa mala mikroponong bibig ng kaibigan ko.

"Pwede ba wag ka ngang sumigaw nakakabiribinde e!" Reklamo ni Sanford.

"E bakit ba?! Edi tanggalin mo yang tainga mo para dka magrereklamo dyan." Napailing nalang si Sanford sa inasta ng kaibigan ko. Hmmm something fishy ah.

•••

I'M TIED TO A MULTI BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon