Chapter 31

813 30 0
                                    

"Daddy, magaling na po ako uuwi na po ba tayo?" Masiglang tanong ng anak ko sa ama n'ya.

"Oo naman, gusto mo ba sa bahay natin?"

"May bahay po tayo?" Takang tanong ni Kaizer

"Yes son, may bahay tayo."

"Talaga po? Wow! Mommy gusto ko pong makita ang bahay ni daddy!!"

"Ha? Ah, eh, sige.." na discharge agad si Kaizer after 3 days bumalik naman ang lakas nito agad.

"Oh pa'no tawagan mo nalang kami anak at balitaan mauuna na kami ng daddy mo." Paalam sa akin ni Mom at tumango naman ako dito.

Sumakay ako sa sasakyan ni Knight at nasa back seat naman si Kaizer.

"Daddy malaki po ba ang house natin?"

"Oo naman, malaking malaki."

Nagpapalakpak naman si Kaizer at kumanta pa sa likod habang ang puso ko naman ay nagkakarera sa bilis. Kinakabahan ba ako? Oo.

"We're here."

Sumulyap ulit ako sa bahay namin... Kay tagal na din simula ng makatapak ulit  ako dito.

"Let's go?" Yaya n'ya sa amin.

Pumasok kami sa loob at nagulat ako ng makita ang mga gamit namin sa loob. Tiningnan ko si Knight at nag iwas naman s'ya ng tingin.

"Ah ano - mas mabuti siguro kung dito na kayo titira d'ba ganun naman ang pamilya?"

"Opo daddy! Yehey dito na kami titira!" Hindi pa man ako nakakapayag ngunit parang trinaydor ako ng sarili kong anak sa sinabe n'ya.

Gusto kong sabihin sa anak ko na hindi pwede, pwede naman pero kahit s'ya nalang bakit naman kasama pa ako.

"Son, do you want to see your room?"

"Uhh- hindi po ba ang room ni mommy ay room ko din?" Takang tanonh ni Kaizer

"Nope. Your mom's room is my room too. Nakahiwalay na dapat ang anak kase you're a big boy na hindi ba?"

"Opo daddy! Where's my room po?" Jusko! Nasan na ang anak kong yelo? Tila natunaw na ata at ibang bata ang kaharap ko, ibalik n'yo ang anak ko!

Magsasalita pa sana ako ng umalis na silang pareho. Kinuha naman ng ibang maids ang gamit namin at iniakyat sa taas. Ano ng mangyayare sa akin? Mga taksil!

Tinawagan ko si Marga para sabihin sa kanya.

"Hello-"

"Ano may baby girl na ba? Ang bilis naman?" Bungad nito

"Sinasabe mo."

"Hindi ba't magkasama na ulit kayo ng asawa mo sa bahay? Syempre hindi naman mawawala d'yan ang labanan si Knight pa ba?"

"Alam mo ikaw, magtigil tigil ka nga, hindi ko pa kayang mag anak ulit 'no kuntento na ako kay Kaizer."

"Hindi natin masasabi 'yan lalo na't ang yummy ng asawa mo, ror."

"Shunga. Ano ba kasing gagawin ko dito"

"Edi makipag bakbakan ka sa asawa mo ano pa"

"Alam mo wala ka talagang matinong sagot sa akin 'no?"

"E ikaw e tinawagan mo pa ako, kasalanan mo din."

"Tse! Bye!"

"Ninang nalang ulit ako."

"Mauna ka 'no tumatanda kana."

"May asim pa naman ako."

"Asim sa kili kili siguro."

"Aba, mabango 'to!"

Inend ko na ang call dahil wala naman akong makukuhang matinong sagot kay Marga, d'ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko 'yon e.

Pinili ko na lamang dumiretsyo sa kusina at magluto ng makakain namin, buti naman at puno ang stock n'ya mukang pinag handaan.


•••

I'M TIED TO A MULTI BILLIONAIRE (COMPLETED)Where stories live. Discover now