"Ang super ganda mo lalo, Shein!" Nakangiting sabi ni Zel sa akin.

"Tsk." Hindi ako sumagot at umiwas nalang ng tingin.

And I accidentally look at the direction where I saw Ice is sitting. And he was looking at me.

What is he doing here?

Napatingin naman ako sa wristwatch ko at nalamang mag aalas-dos na pala.

Nag announce ang mc na tapos na ang oras at pumunta na sa backstage para mag ready'ng erampa ang makeover ng mga contestant.

"Let's go Shein! Hehehe good luck." Sabi ni Zel habang palabas ng backstage at ako naman ay naiwan kasama ang ibang model.

Isa isang tinawag ang mga pangalan ng contestants at yun ang maggiging hudyat para lumabas na ang model.

Twenty minutes nalang mag sisimula ang theater play namin, sana makaabot ako sa oras.

"Zelyanna Faye Lavitas."

Nagulat ako ng marinig ang pangalan ni Zel. Ako na pala.... Kaya lumabas ako sa backstage at ang nakakasilaw na liwanag muka sa kanilang spotlight ang sumalubong sa akin.

Naghiyawan at nag palakpakan naman ang mga tao.

Napatingin ako sa pwesto kanina ni Ice at nakita ko na andon parin siya. Then I saw Zel with Blake and Clayd, clapping their hands and smiling while watching me.

I didn't smile but I did smirk as I walk around the stage.

I was just wearing the white halter dress na pinili kanina ni Zel and a five inches heels, at nakalugay pa ang buhok ko na hanggang bewang ang haba.

Bumalik ako sa backstage after mag tawag ulit ang mc ng pangalan.

"Shein!! OMG, that was awesome!" Agad na bungad sa akin ni Zel ng nakabalik siya sa tabi ko.

"Tsk. What time matatapos to, Zel? Mag two-two thirty na." Reklamo ko sa kaniya habang nakaupo sa isang plastic na upuan.

"Hala oo nga pala! Mamaya pa to matatapos  at kasabay ng awarding. Anong gagawin natin?" Napakamot naman siya sa ulo niya at nagtingin-tingin sa mga taong kasama namin dito sa loob.

"Go, Shein. Don't worry about me. Sorry hindi kita masasamahan kasi hihintayin ko pa ang result. Pasama ka nalang kay Blake at Clayd." Malungkot niyang sabi.

Napailing nalang ako at napatingin sa wristwatch ko. Five minutes bago mag 2:30.

"Humabol ka don." Tanging sabi ko bago tumayo at kinuha ang tote bag na dala ko.

"Yup!" Dinig kong sabi niya habang naglalakad ako palabas ng backstage.

Sa kabilang pinto ako dumaan palabas ng social hall. Di ko na pinuntahan sina Blake at Clayd kasi nandoon sila sa gitna ng maraming tao, ayoko namang pumunta don no.

Nang makalabas ako ng social hall ay nagulat akong makita si Ice sa labas, nakasandal sa pader. Umayos naman siya nang tayo ng makita ako.

"Ice? What are you doing here?" Takang tanong ko sa kaniya.

Kanina lang nakita ko siyang nanonood. Hindi ba dapat nasa theater room na siya ngayon?

"Fetching you." Sagot niya naman sa akin.

"Let's go our play will start soon." He added and held my hand.

"You're beautiful... Let's run?" Nakangiting sabi at tanong niya sakin.

Hindi na ako nakasagot when he suddenly run and drag me with him.

I was wearing high heels, you know. Buti nalang sanay na ko.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now