KABANATA 56

30 5 0
                                    

‹ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

"Ang hilig mong barahin si Sir Alvaresz at Miss Wang. Good that they didn't demand a suspension for you."

Pareho kaming nakaharap ni Zeus sa papalubog na araw. Nakaupo ulit kami sa tabi ng dagat. Kanina niya pa ako pinipilit na maligo pero sa pagkakataong'to ay nagmatigas na talaga ako. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko't tuluyan nang mahimatay.

"Hindi nila magagawa yun sa akin." Nagmamayabang akong ngumisi.

Nakatukod ang mga palad ko sa lupa at sinusuportahan ang bigat ko. Ganoon rin ang posisyon ni Zeus.

"How can you be sure?" Napasulyap siya sa akin.

"Mga 100 percent ganoon." Pabiro ngunit seryoso ang boses ko.

Mahina siyang humalakhak at nagulat nalang ako nang pitikin niya ang noo ko. Pakiramdam ko ay ginagawa niya na iyon sa akin noon ngunit nakalimutan ko lang.

"I didn't encounter a brave person like you before."

Umiling ako at nagsimula nang kumuha ng maliliit na bato para paglaruan. "Nagkakamali ka riyan." Sabay hampas ng bato sa dagat.

"Hmmm, why?" Nakatitig na siya sa akin.

"Merong kasing tapang ko, hindi niya lang ipinapakita." Sabi ko habang pinapalis ng hangin ang buhok sa mukha ko.

"Who would be that possible person?" Tumaas ang isang kilay niya at gustong malaman kung sino ang tinutukoy ko.

"It's for you to find out." Ngumisi ako.

"You're always mysterious. I want to know you more." Narinig ko nang sinabi niya 'to at sa tingin ko hindi na ako makakatanggi sa pagkakataong 'to.

"Gaano mo ako gustong makilala?" Tanong ko at tumingin sa kaniya.

"Mga 100 percent ganoon." May tinatagong ngisi sa mga labi niya.

Kumunot ang noo ko at ginulo ang buhok niya. Halos tumaas ang dalawang kilay ko nang natigilan siya sa ginawa ko. Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang hinaplos ang buhok.

"You..."

"Ano?" Naghahamon ang boses ko.

"Nothing." Tumawa siya at umiling. "Let's play a game."

"Anong lalaruin natin? Habol habulan?" Kumunot ang noo ko.

Kadalasan sa mga napapanood ko sa teleserye ay mga magnobyong maghahabulan sa dagat at pagnahuli ng lalaki ang babae ay bubuhatin niya ito at doon na sila maghahalikan. Parang gusto ko rin yung naghahabulan sa dagat. Pero makakatanggap ng limang sapak kung sino man yung mahuhuli.

"Of course not! Let's play rock, paper and scissor. Kung sino yung mananalo, siya ang magtatanong at yung natalo ang sasagot. Exciting, right?" Nagtaas baba ang dalawang kilay niya.

"Hindi ba pwedeng magsinungaling?"

"Let's be honest here. You can't lie to me anyway. I can see it through your eyes."

Pilit ang ngising umiwas ako ng tingin. "Hindi ko gusto ang tinanong ako ng personal, but I'll make an exemption for you." Bigla akong sumeryoso.

"I'm glad at that." Sabi niya at bahagyang humarap sa akin. Ginaya ko rin ang posisyon niya. "Let's start."

Sabay naming kinuyom ang kamao at nagtitigan. Lumunok siya at bumaba ang paningin sa mga kamao naming magkalapit.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now