KABANATA 1

74 19 2
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"LUNAR, GISING NA MALA-LATE NA TAYO!!!" Boses iyon ni Sierra mula sa labas ng kwarto ko. Ginigising na ako para sa unang araw namin sa eskwelahan. Kahit na mala granada ang boses niya ay iniintindi ko parin siya dahil magpinsan kami.

"ANO? HINDI KAPA BABANGON DYAN?" Kinatok niya ulit ng nas malakas ang pinto kaya kahit na napipilitan ay bumangon na ako kahit gusto ko pang ipikit ulit ang mga mata ko.

Inis akong humakbang patungong pinto at kunot noong binuksan ito at hinarap siya. Ngunit mas lalong kumunot ang noo ko nang maramdaman ang matigas na bagay na kumatok sa noo ko kaya napapikit ako. Pagmulat ko, nakita ko siyang natigilan at namula.

"A-ay s-sorry akala ko kasi pinto eh... hehehe." Pagdadahilan niya pa para maipagtanggol ang sarili.

"Bumangon na ako, pwede kana bang umalis sa harap ko?" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Sana hindi nalang talaga kita ginising, e." Ngumiti siya ng matamis at nagmamadaling umalis sa harap ko.

"Tsss."

Pag alis niya ay isinara ko na ulit ang pinto ng kwarto at walang buhay na nag martsa patungong banyo tsaka nag bihis pagkatos ay lumabas na ako ng kwarto para kumain.

"Ano kaba, Lunar! First day of school... bakit ganyan suot mo?" Bungad agad sa akin ni Sierra na nasa mesa habang kumakain ng agahan.

Natigilan ako at kunot noong binababa ang paningin sa suot kong puting oversized T-shirt at black jeans at kulay itim na sapatos.

"Bakit?" Nalilito kong tanong sa kaniya pagkatapos ay naglakad ulit patungo sa lamesa at umupo sa upuang kaharap niya.

"My gosh! It's so cheap!" Maarteng sabi niya at sumubo ng fried chicken.

Tsss, arte mo.

"Cheap ba?" Tanong ko.

"Oo!" Sagot niya.

"Pangit bang tingnan?" Tanong ko ulit at ngumisi.

"Oo! My gosh!" Pasigaw na sagot niya at pinaikot ulit ang mga mata.

"Edi tanggalin mo yung mata mo, para hindi ka na mapangitan sa suot ko. Simple as that."

Napatigil siya sa pagkain at inirapan ako bago sumubo ulit. "Wala ka nang magandang sinabi! Kumain kana lang kaya. Ang sarap ng ulam, oh."

Bumagsak naman ang paningin ko sa mga ulam na nakahain sa harapan, mukhang masarap nga ang mga ito.

"Umalis na ba siya?" Tanong ko kay Sierra habang naglalagay ng kanin at adobong Manok sa plato ko.

Alam niya talaga ang mga paborito kong ulam. Kaya gusto kong kumain pag siya ang nag luluto, e, kasi masarap. Sumubo na ako ng adobong manok at hindi nga ako nagkakamali, sobrang sarap niyon. Tamang tama yung pagkakatimpla.

"Oo kanina pa, tulog kapa nang umalis siya." sagot ni Sierra sa akin.

Tumango lang ako at tinuloy ang pagkain. Napatingin lang ako kay Sierra nang maramdaman kong nakatitig na siya sa akin. Para siyang tangang nakangiti sa harapan ko at mukha pang kinikilig, siguro ay may naisip na namang kalokohan ang babaeng ito.

HER EYES TELL Season 1Onde histórias criam vida. Descubra agora