KABANATA 2

56 18 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

Isang hakbang ko pa lang sa loob ng classroom ay napahinto agad ako. Napakaingay ng buong silid na tila ba nasa palengke ang mga tao rito. Ngunit kahit ganoon pa man, hindi nakatakas sa akin ang isang napaka pamilyar na boses.

Sino pa ba?

"LUNAR, DITO!"

Napatingin sa akin ang lahat ng estudyanteng nasa loob ng silid at hindi makaniwalang tiningnan ako. Tiningnan ko si Sierra na kumakaway sa akin at itinuro ang upuang nasa tabi niya. Umiling ako at taas noong naglakad bitbit ang bag sa balikat patungo sa upuang itinuturo niya sa akin. Ang apat na mga upuang nasa gilid namin ay bakante pa.

Walang gana akong umupo sa upuang katabi ni Sierra at pinalibot sa loob ng classroom ang paningin. May kalakihan ang buong silid. Pwede nang gawing bahay kung maaari.

"What the?"

Napatingin ako sa babaeng nag salita. Nakatingin siya at ang mga kasama niya sa akin habang nagbubulong-bulongan. Lahat yata sila ay ganoon ang ginagawa, kaya napakunot ang noo ko sa pagtataka. Ganito ba talaga ang mga estudyante dito?

"Hwag mo nga silang pansinin." Napatingin ako kay Sierra. Napansin niya rin pala.

"Ano?" Nagkasalubong ang mga kilay ko.

"May ipapakilala ako sa iyo," Excited niyang sabi. "Meet our new classmates and new friends." Napatingin ako sa harap namin at doon ko napansin ang dalawang babae at isang lalaki o sabihin nalang nating binabae?

Kami ang magkatabi ni Sierra sa dalawang magkatabing upuan sa panghulihan at ang sinundan naman naming mga nakaupo ay ang dalawang babaeng magaganda, magkatabi din sila ng upuan, at ang may berdeng dugo naman ay sa harap nilang dalawa katabi ang isa pang katulad niyang may berde ding dugo.

Nakatulala sila sa akin na animo'y nakakita ng multo. Kahit ang mga estudyanteng nakapaligid sa akin ay ganoon din ang tingin sa akin. Wala naman akong maalalang may atraso ako sa kanila. Inilihis ko nalang ang paningin sa kanilang lahat at pinagtuonan ng pansin ang buong classroom.

Bumaba ang paningin ko sa kamay na nakalahad sa harap ko. Isang babaeng maganda at hanggang balikat lang ang haba ng buhok ang may ari ng kamay na iyon. Ngumiti siya sa akin at doon ko napansin ang mga bakal sa kaniyang ngipin. Bumagay naman sa kaniya ang kaniyang suot na braces.

"H-hi..I'm L-leiza Lein but you can call me L-lili." Utal utal niyang pakilala at tinanggap ko naman ang kamay nya. Napatalon pa siya ng kaunti nang maramdaman ang hawak ko.

"Hi, I'm Aishel Von, it's nice to meet you." Lumipat naman ang paningin ko sa isa pang babaeng maganda at may maamong mukha. Isa pa 'to, halatang mahiyain. Ngumiti siya sa akin at naglahad din ng kamay kaya tinanggap ko rin ito.

"Hi, Xhristian Jay, nice to meet you." Ngayon naman ay napatingin ako sa may kagwapohang lalaki ngunit sa kaniyang galaw ay malalaman mong berde ang dugo niya. Tinanggap ko rin ang kamay niyang nakalahad at tumango sa kanilang lahat.

Kataka-taka man ang mga kilos nila ay hinayaan ko na lang.

"Siguro naman ay napakilala na ako ni Selestine sa inyo, hindi ba? Kaya hindi ko na ipapakilala ang sarili ko." Seryoso kong sabi na lalong nagpatulala sa kanila. Wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita.

Ibinaling ko na ang paningin sa unahan ngunit naagaw ang atensyon ko ng tatlong matatangkad na mga lalaking kakapasok lang sa silid. Kung kaninang pagpasok ko ay natigilan sila, ngayon naman ay walang niisa sa kanila ang nakapagsalita. Puro paghanga lang ang nakikita ko sa mga estudyanteng nakapalibot sa akin. Nagkasalubong agad ang mga kilay ko nang makitang tulala rin si Sierra sa nagwagwapuhang mga lalaking dumaan sa harap papunta sa tatlong bakanteng upuang nasa gilid namin.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now