KABANATA 23

20 14 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"By the way, how's your school day's going?"

Kasalukuyan kaming nakatayo ni Levi sa napakalawak na hardin ngayon. Napahanga ako sa ganda ng paligid. Hindi ko inaasahan na ganito pala ito kaganda rito.

"Ayos naman." Sagot ko.

Bahagya akong umabante para mas matanaw ko pa ang nasa unahan. Ang nga nagkakagandahang bulaklak ay sumasabay sa agos ng hangin. Ang iba't ibang klaseng halaman ay nakakabusog tingnan.

"May nakapagsabi sa'kin na sinasagot-sagot mo raw ang mga professors? Is that true?" Sabi niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Hindi na kataka-taka para sa akin na nalaman niya ang mga ginagawa ko. Trabaho niya 'yun, e. Isa pa, hindi ko naman sila sasagutin kung hindi sila nagtatanong at kung hindi lang nila ako pinagdidiskitahan wala sanang mangyayaring sagutan.

"Tsss." Nag iwas ulit ako ng tingin.

"Come on. Do you want to enter another school, Lunar?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi." Kumunot ang noo ko. 

Pinagsisikapan kong magkaroon ng mabuting record dito ngayon. Ilang beses kong pinalampas ang mga katarantaduhang ginagawa ng mga tao rito sa akin dahil ayaw kong malipat ulit. Kapag ginawa ko na naman ang mga nakagawian ko dati, baka mas lalong hindi ako kausapin ni Pappoús. Ginagawa ko 'to para sa kaniya.

"Iyon naman pala." Sabi niya

"Baka ikaw na ang pagod." Ngumisi ako.

Namumbalik na naman tuloy sa alaala ko ang reaksyon ni Levi noong nalaman niyang lilipat kami ng paaralan pagkatapos ng pag-uusap ni Pappoús at ng Dean sa paaralan dahil tinulak ko iyong lalaking nambully kay Sierra sa hagdan. Para iyon lang? Tsk. Buti nga ay hindi siya namatay.

"When will i get tired of following you?" Naramdaman ko ang titig niya.

Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. "Aba, ewan ko." Nagkibit balikat ako.

Huminga ako ng malalim at kinagat ang pang ibabang labi. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ulit iyon sa akin. Naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa balikat ko.

"Habulin ka lagi ng gulo kahit saan ka magpunta. Lunar, ikaw na lang ang umiwas sa gulo, okay?" Banayad na sabi niya na para bang nakikipag-usap siya sa isang bata.

Ngumuso ako. "Ano'ng kailangan kong gawin para paniwalaan mo'ko?" Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

Nilagay niya ang hintuturo sa baba at umaktong nag iisip. "Halikan mo'ko sa pisngi." Sabi niya at humagalpak ng tawa.

Kumunot ang noo ko at binatukan siya. "Ah, talaga ba?"

"I'm just kidding!" Napahawak siya sa batok at maluha luhang tumingin sa akin pero tumatawa pa rin.

Humalukipkip ako at inirapan siya. "Kidding mo'ng mukha mo!"

"Hey!" Akma siyang lalapit sa akin kaya agad kong tinaas ang dalawang kamao.

Itinaas niya ang dalawang kamay at iniharang sa nagbabantang kamao ko habang natatawa pa rin.

"Hey, stop it!" Sabi niya at ngumuso.

Ibinaba ko ang mga kamay at inilagay ang mga iyon sa aking likuran. Pagkatapos ay humarap ulit ako sa mga burol.

"Kinausap lang naman kita ngayon dahil may kailangan akong ipagawa sa'yo. Hindi kita mahagilap sa bahay kaya dito na lang." Sinabi ko kung bakit ako nandito.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now