Chapter 12 Confession

Start from the beginning
                                    

Alliana Hasley: About?




Triv Hyun: I'll tell you later. See u.




Tss, ano namang pag-uusapan?




Napatingin ako sa gawi ni Kalvin nang maramdaman kong nakatingin siya sa'kin, ay mali nakatitig pala. Tumitig rin ako sa mga mata niya pero ako na ang unang umiwas ng tingin, nakaka ilang. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya tumayo ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko, damn it. Bakit ganon siya kung tumitig!?






***




Nasa classroom kami ngayon at hinintay ang prof. Tumitingin ako sa likuran ko dahil parang may nararamdaman ako na nakatingin sa akin, sa tuwing lilingon naman ako ay wala akong makitang iba maliban sa lima pero hindi naman sila sa akin nakatitig, nag ha-hallucinate lang siguro ako. Gaya ng daily lives ko ay hindi parin ako nakikinig sa lessons, pero sa tuwing may quiz ay ako naman ang highest. They thought I'm cheating, lol, I'm just smart and don't need to study. After ng first class ay lumabas na kami ng room for recess, 5 minutes lang ang time at balik naman para sa 2nd subject.






Donut bread lang ang binili ko at juice, donut yong porma niya pero asukal 'yong nasa ibabaw, bahala na kayo umitindi. Pareho kaming tatlo na binili at matapos kumain ay bumalik na kami sa room para sa 2nd subject, hindi lumabas ang lima for recess ewan ko kong bakit. Hindi naman ako sila. Math subject namin ngayon at medyo mahina ako sa math kaya makikinig ako, ngayon lang. Bakit pa kailangan 'yong square root ganiyan ganiyan hindi naman kailangan yan sa business, minus, times, divide, at plus lang naman yong nagagamit talaga. Pinapahirapan lang kami, e.







Pumasok na ang prof at nagsimula na sa discussion. Areas and Volumes of solids ang discussion namin for today, kaunti lang ang alam ko sa ganiyan. Nag didiscuss na si prof at nakikinig naman ako sakaniya, wala nga lang pumapasok sa utak ko.







"Ms. Hasley, stand up please." Oh fuck.






Tumayo naman ako at tumingin sakaniya, please 'yong madaling tanong lang. "All nine edges of right triangular prism are congruent, what is the length of this edges if the volume is 54√3 cm³?" Holy shit.







"Uhh, 6 cm sir?" Wag kanang magtanong ng kung ano at paupuin mo na ako, hindi ako sigurado sa sagot ko.







He smirked, "Why did you say that the answer is 6cm?"






Paano ba? Uhhh.






"Uh, substitute the 54√3= √3/4 x² (x) and multiply the 54√3= √3/4 x³ after that simplify the x³= 216. Cube root of x=6, so the answer is 6cm sir. " I explained. Sana tama 'yong solution ko, sa isip lang ako nag solve at sana nga tama!







"Very good... Once you have answered this question you may now take your lunch. " Sabi niya, at nasa akin na ang tingin ng lahat.





"Sana masagot niya."





"Go, Alliana!"





" Easy lang 'yan, masasagot mo rin yan."





E, ikaw kaya sumagot sa question ng panot na professor na'to? Easy pala, e.






"Galingan mo, teh." Sabi din ng bakla.





"Quiet!" Sigaw ng prof at tumahimik naman ang lahat, "Last question for you, Facts about the base of a right prism and the height of the prism are given. Sketch it's prism and find it's lateral area, total area and volume. Rhombus with diagonals 6 and 8, h=9." He smirked more dahil inaakala niyang wala akong masasagot. Buti nalang nabasa ko 'to sa libro nong nakaraang araw.






Sandali. Hindi pa nag poproseso sa akin ang tanong niya. Kinuha ko ang papel ko at nagsolve doon, it takes me 3 minutes bago makuha ang sagot. I am confident in my answer.






"Form the above graph and side and height it can be observed that the lateral area of the prism is 180 and the total area is 228 and volume is 216, sir. " Nakangisi kong sagot.








He clapped and look at me with that look, " Very good! You didn't listen yet you still know the answer, impressive! Good job. You can take your lunch now." Matapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na siya ng classroom, gano'n narin ang mga iba pa.







Nakinig kaya ako sa lesson, ngayon nga lang.






"Teh, pahiram naman ako ng brain mo." Sabi ng bakla.






" Galing mo. " Kalvin said, I smiled and thanked him. Sabay kaming tatlo na lumabas ng room pero sumunod naman sa likod namin ang lima. Pansin ko lang ah, bakit tahimik si kuya Triv? Tahimik naman talaga siya pero nakakapanibago 'yong ngayon, may problema ba? Baka naman binusted siya no'ng babae na nagugustuhan niya?






Si Calix at Felix na ang bumili ng pagkain naming walo, sumama naman sakanila si Kuya Tim para tumulong. Naging close na ang lima at ang bakla pero si Kalvin ay ewan ko, tahimik lang siya. He looks uncomfortable with them, it reminds me of the boy I used to know. I forgot his name, basta bata pa ako no'n. Di ko na maalala pangalan niya, batang lalaki 'yon, tahimik rin at nagkakilala kami dahil sa ice cream. Nakakatawang alalahanin, yong memories na 'yon naalala ko pa pero yong pangalan niya hindi na, tsk.







Matapos ng buong klase ay nauna na ang dalawa sa akin pabalik sa dorm at nagpaiwan naman ako dahil may pag-uusapan daw kami ni Kuya Triv. Lumapit ako sa upuan niya nang naka krus ang magkabilang braso, "Anong pag-uusapan?" I asked. Tumingin lang siya sa akin at hindi sumagot, tinaasan ko naman siya ng kilay kaya mahina siyang umubo at umiwas ng tingin.






"Not here. Follow me." Sabi niya at tumayo, sinundan ko naman siya kung saan siya pupunta nasa likod lang ako. Iniwan niya ang apat doon sa loob at hindi naman sila sumunod kay kuya Triv, ano ba kasing paguusapan at kailangan pang lumayo?





Nandito na kami sa likod ng building at kaming dalawa lang ang tao dito, naka pamulsa siya at pinagpapawisan?






"Hoy may sakit kaba? Ba't ka pinagpapawisan, namumula pa tenga mo. Para kang unggoy." Pang-aasar ko, wala akong nakuhang sagot sakaniya kaya nagsalita ulit ako, "Ano ba kasing pag uusapan at bakit tense na tense k---"







" I like you. "




_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

The Girl In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now