CHAPTER TWENTY SIX

Start from the beginning
                                    

"Yeah." Tumango-tango naman si Clayd.

"Three day founding anniversary celebration. There will be no classes starting tomorrow, since need mag prepare ng mga event host and event planner, dahil maraming event starting next week, Wednesday, then sa Friday ay may grand masquerade ball. But need parin daw pumasok for attendance." Sabi ni Zel na mukang excited pa.

"So we're going to visit a boutique one of these days! Yay! So excited!" She screamed with excitement at pumalakpak pa.

Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa tv.

After we had our dinner ay dumeretso agad ako sa kwarto. I got bored since nine pala kaya kinuha ko ang laptop na nakalagay sa ibabaw ng study table ko at sumampa sa kama ko.

Maybe because of what I did at the rooftop. Na curious ako, how did the guy who uploaded the video knew about it.

Ano kaya ang reason niya, bakit niya inupload yun.

I went to the IP address of the RU's SC PC then dun sa PC na naka register kay Ice...

Kung hindi siya dumating sa rooftop and saw me doing spy thing, at sinabing hindi niya ginawa yun. Maiinis talaga ako sa kaniya ng sobra.

I just watch the footage what happened before the day nang pag upload.

Wala akong nakitang kahit na anong kaduda-duda a day before that. Kaya I decided na tingnan ang footage noong Monday then isusunod ko agad ang Tuesday then so on.

Forward, forward lang kung then stop kung saan may ka duda-dudang part.

"Oh~" I got curious when I saw Allyza and Ellejah entering the SC room. Nakipag usap sila sa mga taong nasa loob including the guy who posted the video.

Right, I remember that I saw Allyza noong Monday.

It was already lunch time. After a minute, Allyza went out at naiwan si Ellejah sa loob.

A girl guided Ellejah who was sitting at a mono-block chair to a table that has a swivel chair. I guess that's Ice's table. May computer doon.

Ellejah was talking with the girl habang may kinakalikot siya sa computer. She suddenly stopped at may tiningnang mabuti dito.

Hindi masyadong kita ang reaction niya since medjo malayo sa cctv ang table ni Ice. But she immediately stand up and nagpaalam sa kausap niya.

Umalis siya ng SC room. Kaya tiningnan ko ang ibang footage kung saan siya pumunta.

Then I saw her walking at the hallway na para bang naiinis kaya nag sigilid ang mga nakakasalubong niya.

Nag iba agad ang timpla ng muka niya ng makita si Allyza na kasama na si Ice. Agad siyang lumapit dito at parang lintang dumikit kay Ice. Hindi ko naman mawari kung ano ang reactiong ipinakita ni Ice. Pero hindi matanggal ang pagkakahawak ni Ellejah sa kaniya.

May pinag usapan lang silang tatlo saglit bago nag paalam si Ice. I think ito na yung time na pumasok siya sa classroom namin.

Ibinalik ko ang footage sa SC room and finorward ito noong oras na umalis si Ellejah.

I was surprised, when after a minute, Ellejah went inside the SC room with Allyza. So bumalik pala sila after umalis ni Ice...

Umalis ang ibang officer na nasa loob maliban sa lalaking nag upload at babaeng kausap kanina ni Ellejah.

Wala naman silang ginagawa kundi mag usap, kaya finorward ko ito ulit. Then nag stop ang video footage kung saan wala na doon si Allyza, mukang umalis siya.

Ellejah was laughing and talking with the two. The girl suddenly went to a shelf at mukang may inaayos kaya na iwan yung lalaki sa harapan ni Ellejah.

They talk about something then inilabas ni Ellejah ang phone niya at ibinigay sa lalaki.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now